Dear Diary : Prologue

51 3 5
                                    

Sa Sta. Mesa, Manila
Sa bahay ng Lola ni Mike.
5:30AM

Dear Diary,
Aking Panimula

"Hay! Buhay nga naman oh! Lagi na lang ganito ang scenario sa bahay. Pagkagising maglilinis ng bahay, Mamalengke, magluluto ng ulam. Minsan napapaisip ako kung kamag-anak ba talaga nila ako o isang katulong sa bahay?

Ang hirap ng nakikitira sa kamag-anak. Hindi ko alam kung saan ako lulugar. Kung aalis naman ako? Saan naman ako pupunta diba? Hirap naman ng ganitong sitwasyon. Yung may pinakikisamahan.

Kamusta na kaya Nanay ko noh? Nag abroad lang, hindi na nagparamdam. Kapatid ko naman, ayun nakipagtanan. Pero kahit papano ay iniisip ko pa rin na meron akong natutuluyan, kapag may sarili na kong trabaho ay bubukod na ko. Siyempre, hindi naman ako yung tipo na bigla na lang aalis diba? Marunong naman ako tumanaw ng utang na loob."

Lola Candelaria : Mike?!?! Mike?!?! Bangon na!! Alas sais na. Marami ka pa gagawin dito sa baba. (Sigaw ng Lola ni Mike mula sa kusina)

Natigilan magsulat si Mike sa kanyang diary. Tinago niya ito sa ilalim ng kanyang unan. Bumaba na ito sa double deck. Sa taas ang pwesto niya, sa ilalim naman ay ang kanyang Tito na may diperensya sa utak. Epileptic ito at isip bata kahit 50 years old na.

Lola Calenderia : Mike? Ano ba? Nakailang tawag na ko ah? Hindi ka pa bababa diyan? (Galit na sigaw nito)

Nagmamadaling bumaba si Mike sa hagdan.

Mike : Eto na po Lola. Kanina pa po ako gising. May sinulat lang po ako. (Mabilis na sagot nito)

Lola Candelaria : Ikaw!!! (Piningot ang tenga) Isang beses lang kitang tatawagin ha ... bumaba ka agad. Ayoko ng paulit- ulit. Wala ka naman ambag dito sa pamamahay na ito.

Mike : Aray ko po. (Ininda ang sakit ng pagkakapingot sa kanya)

Kailangan muna ni Mike maglinis ng bahay bago siya mag-almusal.

Sino ba mga kasama ni Mike sa bahay? Ang kanyang Lola at Lolo sa mother side. Kasama niya rin ang kanyang Tito na may sayad at ang kanyang Tita na may limang anak.

Minsan dumadaan din sa bahay ang isa pa niyang kapatid sa mother side. Yes! Aside sa may kapatid siya na nakipagtanan meron pa siyang half sister na hindi naman niya masyadong close. Ang gulo diba?

Anyway, marami naman sila dun sa bahay na yun pero bukod tanging si Mike lang ang naglilinis sa bahay. Tuwing umaga yan ha. Cinderella lang ang peg?

........

Sa Kusina
7AM

Mike : Makapag-almusal na nga muna. Bago mamalengke. (Tinignan niya ang mesa pero walang natira sa niluto niyang agahan) Seryoso? Ang dami ng hotdog na niluto ko. Kahit isa wala man lang nagtira? (Sabi sa isip nito)

Nagdecide na lang siyang magtimpla ng kape at umakyat saglit para kunin ang kanyang diary.

Dear Diary,

School DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon