CH 1: Run The World

5.3K 361 135
                                    

When I was in my teens, I had always thought that I'd be married before I'd reach twenty-five. Paano ba naman, ang dami kong manliligaw kaya tuloy napakataas ng self-confidence ng Ate n'yo at feeling n'ya ganda n'ya talaga. Well, I have always been pretty—maybe not the prettiest—but one of my school's pretty faces and that's not just according to my mudra kundi consensus ng mga kamag-anak, kaibigan, kapitbahay, kaeskwela, kaklase, samahan ng mga nagtitinda ng kakanin sa palengke, organisasyon ng mga malayang naglalako ng anik-anik sa harapan ng St. Andrew's Academy kung saan ako nag-aral ng elementary at high school, at lupon ng nagkakaisang tricycle at jeepney drivers and barkers sa aming lugar.

Pero, h'wag ka, sa ganda kong ito ay wala ni isa akong beauty title na maipagmamalaki kahit Little Miss Barangay o Pinakamagandang Binibini ng Purok man lang dahil pinalaki ako ni Mama sa paniniwalang higit sa ganda, utak ang basehan para maging matagumpay sa buhay. Kaya naman kinarir ko ang mag-aral at dinedma ang lovelife na 'yan dahil 'ika nga ay mother knows best at in fairness naman sa akin, masunurin akong anak.

After I graduated from college, I told myself that I'd enjoy being single for three more years kasi hindi ko pa lubusang na-i-enjoy ang suweldo ko, ang independence ko, at higit sa lahat ang gumala sa kung saan-saan kasama ang mga like-minded, strong, independent women na miyembro ng aming barkadahan. Kaya imbes na pansinin 'yung mga nagpapadala ng bulaklak, tsokolate, stuffed toys, at nagyayang magkape, mag-breakfast, lunch, dinner, o meryenda ay nag-ubos ng oras ang ganda ko sa kaaabang ng seat sale habang nag-ipon ng mga overpriced ref magnets na nagsilbing tropeo ng aking pagiging Dora The Explorer.

Ang problema kapag alam mong mabenta ang ganda mo ay akala mo hindi mawawala ang pila ng kalalakihan sa harap ng bahay n'yo – that there would always be men after you. And that's exactly what was running through my head – na sa dami ng mga lalaking nakikita ang future nila kasama ako ay siguro naman hindi sila mauubos, 'di ba?

But, pak, I was beri paking wrong.

I was twenty-four when one of my closest friends got married. Itago na lang natin s'ya sa pangalang Emmalou Narvaez. Isang buwan pa lang silang magnobyo ng kapitbahay nila n'ung nangyari ang lahat. January 14 kasi n'ya sinagot si Peter dahil nadala raw s'ya sa homily ng pari na love thy neighbor, napa-oo tuloy s'ya nang wala sa oras. 'Tapos 'yung first month anniversary naman nila ay February 14, Valentine's Day, at napa-oo na naman 'yung kaibigan ko. Magugulatin kasi talaga 'yun kaya n'ung sumunod na buwan ay nangyari ang wedding of the century ng Libtong, Meycauyan, Bulacan na ikinagulat ng barangay nila.

Pito kami sa barkada at mula n'ung nagpakasal ang isa sa amin ay parang nagkaroon ng panibagong misyon sa buhay ang mga kaibigan ko at ginawa na nilang career ang paghahanap ng mapapangasawa. Ewan ko ba bakit nagkagan'un, ako naman 'yung nakasalo ng bouquet pero parang sila 'yung nagmadali.

As for me, I wasn't in a hurry to get into a relationship much more get married because I couldn't see myself accommodating another human who's going to have a say on how I would live my life. At 'ayun na nga dahil sa gan'ung paniniwala ay dumating ako sa puntong ako na lang ang pwedeng gawing bride's maid dahil lahat sila ay pang-matron of honor na.

"Kailan ka ba mag-aasawa, ha, Venus? Aba'y lampas treinta ka na, Anak. Baka naman mag-menopause ka na lang ay single ka pa rin? Hindi ako matatahimik sa kabilang buhay kapag namatay ako, Anak, kung alam kong wala akong mapagbibilinan sa'yo."

Single mother si Mama. Single mother by choice for thirty-one years. Paano naman kasi 'yung tatay ko, kapapanganak pa lang ng asawa n'ya ay nakalimutan na n'ya kaagad kung paano huminga kaya tuloy ang agang nabiyuda ng nanay ko.

"Ma, may sarili akong condo, may hinuhulog-hulugan akong sasakyan, may savings ako sa bangko at higit sa lahat ay nasa normal range ang BP, cholesterol, at blood sugar ko. Sa tingin n'yo pa rin ay hindi ako okay? Besides, mamamatay na po ba kayo bukas? Bakit parang nagmamadali po kayo d'yan?"

Thirty Flirty Single (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon