Prologue : A Million Dreams

985 45 5
                                    

(Just play the theme song for this chapter)

PLAGIARISM is a CRIME

Do NOT Copy

Gonzalez Mansion, N.E


“Ano ito?” seryosong tanong ni LJ sa anak na si Marcus habang nasa hapag kainan sila.

“Red Card. Sinubukan ko mag-audition sa singing contest. At nakapasok ako.” nakangiting sabi ng siyam na taong gulang ni si Marcus.

“Hindi puwede.” seryosong sabi ni LJ.

Nasa harap sila ng hapagkainan ng mga oras na iyon at nakamasid lamang ang ina Marcus na si Patty at pangalawang kapatid nito na si Jade.

“Bakit dad? Contest lang naman iyan.” nagtatakang sabi ni Marcus sa ama at nawala ang ngiti sa labi nito.

“Bawal ka sumali dahil mula sa araw na ito after sa school mo, papasok ka sa R-Square Hotel at pag-aaralan mo ang lahat ng tungkol sa negosyo natin.

Nauunawaan mo?” seryosong sabi ni LJ at sa harap ni Marcus pinunit ni LJ ang card para sa next level sana ng kompetisyon.

Sumagot ka!” sigaw na sabi ni LJ na ikinatango ni Marcus habang nakatingin siya sa card na nasa mesa.

………………………….

St Valentine Academy, N.E


“Nakagawa na ako ng banner mo para sa contest na sasalihan mo.” bulong na sabi ni Isaiah.

Napatingin si Marcus sa batang babae, anak itong mayaman angkan sa bansa, ang kagrupo niya at ang bestfriend niya. Kaklase niya ito simula preparatory at may lihim siyang pagtingin dito pero mukhang hindi pansin ng batang kaharap dahil bukod sa bata pa ito, tomboy rin kasi ito.

“Hindi na ako sasali.” malungkot na sabi ni Marcus ka Isaiah.

Nasa SVU sila ng araw na iyon, sa loob ng classroom kung saan magkatabi din sila ng upuan.

“Bakit naman?” nagtatakang tanong ni Isaiah.

“Pinunit ni dady iyong card para sa next level ng competition at alam mong sa Manila gaganapin iyon at hindi rin ako makakapunta.” sabi ni Marcus.

Napatitig si Isaiah kay Marcus, nakapag-audition lang ito ng nasaktuhan nilang nag-papa-audition sa C-Mall noong araw na pumunta sila.

“May isa pang contest sa baranagay. Gusto mo sumali?” tanong ni Isaiah kay Marcus.

Napatingin si Marcus kay Isaiah at umiling siya.

“Ayoko, magagalit si dady.

Alam mo naman iyon kapag hindi ko sinunod, siguradong hindi ko makikita ang grupo ng ilang araw or worst ng isang taon.” sabi ni Marcus.

“Secret lang natin tutal sa ikalawang barangay naman ang pa-contest.” nakagiting sabi ni Isaiah.

Maganda ang boses ni Marcus at kung tutuusin ito ang naging way para mag-aral ang grupo kumanta. Kaya wala sa grupo ang sintonado ang boses.

Tiningnan ni Marcus si Isaiah, at dahil ayaw niyang mapahindian ito kaya napangiti siya at sumang-ayon.

………………….

Silent Rhythm : Marcus and Sofia IC#5 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon