CHAPTER 1- HIERARCHY

10 0 0
                                    

Luna’s currently driving her car papunta sa headquarters ng organization na pinagtatrabuhan niya.

Their HQ is located on a cliff, kumbaga para siyang tree house, ‘yun nga lang sa cliff siya nakasabit at hindi sa puno.

Mukha siyang abandonadong mansyon kung titingnan sa labas dahil sira-sirang kahoy ang sasalubong sa mga mata mo. But the funny thing is front lang ng HIERARCHY ‘yon.

I-pinark niya yung sasakyan niya sa gilid ng mansion and kusa na ‘yon bumaba sa private parking area nila nang pindutin niya yung maliit na button sa wall doon sa lobby ng sira-sirang mansyon.

When she entered the living area of the mansion, the floor splitted into two at sa gitna no’n ay may lumabas na retinal scanner para sa mga agents na papasok doon.

Pero syempre before mahati sa gitna yung sahig may bagay muna siyang hinawakan sa tabi ng painting na nakasabit sa dingding malapit sa pintuan.

Part of security ‘yon para kahit may maligaw na mga turista or kahit mga locals at makapasok sa mansion ay hindi nila ‘yon paghihinalaan.

Habang naglalakad si Luna sa hallway ng HQ ay binabati siya ng mga Newbie agents o ang mga tinatawag nilang BISHOPS.

Their organization is divided into four divisions; Bishops sila yung mga bagong members ng Hierarchy at kalimitang inaatasan sa mga lower missions like investigations and stuffs, but in some cases humahawak din sila ng Class-B missions pero required na may kasamang senior agents for their own safety na rin.

Next is the ARCHBISHOPS, sila naman yung mga agent na mas trained at mas beterano na sa field kaysa sa mga Bishops dahil nga mas matagal na sila sa trabaho. Usually, sa kanila ibinibigay yung mga Class-B at Class-C missions. Malimit din silang pagsamahin ng mga Bishops.

Next naman ay ang mga Elite agents or CARDINALS, seven agents lang ang total number of agents na kabilang sa division na ‘to.

They are the star agents of the Hierarchy organization, sa kanila madalas ibigay ang mga Class-A missions dahil highly-trained agents ang bawat isa sa kanila. Best of the best kumbaga kaya lahat nang mga pinaka-delikadong missions ay ang Cardinals ang tuma-trabaho.

Every agent inside the organization has their own codenames in order to protect their own identity especially when they’re doing a mission.

As a Cardinal agent, Luna and her collegues should take names from the seven-deadly sins or seven cardinal sins. Wherein they do not hold any idea why should they take such funny names.

After the Cardinals, there is a much higher rank, and they are called POPES. No one actually knows how many popes they have, dahil wala pa namang nakakakita sa kanila. But they are the boss of the whole organization. They are the ones who founded Hierarchy to eliminate crimes inside their rotten society.

They are the one who decides everything when it comes to the organization lalo na sa sa pagbibigay ng missions. And for the safety of every individuals within their flank, ang mga Pope lang rin ang authorize na tumanggap nang mga missions with the help of some Information technology experts.

Nakarating na si Luna sa dapat niyang puntahan. Meeting room. They take and discuss missions here. Obviously, dito lang nila nakakausap ang Pope or “mga” Popes.

Nang hahawakan na niya ang seradura ng pinto para buksan ‘yon ay napatigil si Luna dahil bigla siyang nakaramdam ng kakaiba.
Masyadong tahimik sa loob na usually naman ay maingay dahil sa kakulitan ng mga naroroon at dahil na rin sa meeting na madalas ginaganap doon.

She smelled some trouble.

Napatili pa si Luna nang bumagsak sa ulo niya ang isang balde na puno ng mga harina, nakasabit ‘yon sa itaas ng pinto upang siguradong tumapon ang laman niyon sa kung sino man ang pobreng magbubukas ng pinto at sa kasamaang-palad si Luna ang maswerteng nagwagi ng harinang tropeyo.

End Of DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon