NAPABALIKWAS nang bangon mula sa kanyang pagkakahiga si Luna dahil sa sunod-sunod na pagkatok sa pinto.
Nararamdaman pa niya ang epekto nang ginawa niyang pagsasaya kagabi.
Pagbalik kasi nila sa Headquarters ng Hierarchy ay nag-party ang mga agents para raw sa successful mission nila.
Nag barbecue party sila sa loob ng mansion kaya naman ang mukhang abandonadong mansion na nakasabit sa isang bangin ay nagmistulang nasusunog na establisyemento dahil sa kapal ng usok na bumalot dito.
Dahil na rin sa tudyo ng mga kasamahan ni Luna ay naparami siya ng alak na nainom. Hindi na rin maalala kung paano pa siyang nakauwi kaninang madaling araw.
Bumalik yung atensyon niya sa pinto dahil sa muling pagkatok ng kung sino mang nasa labas na tila ba nais na gibain na lamang ang nakasaradong pinto upang makapasok sa kanyang silid.
Sapo-sapo pa ni Luna ang kanyang sentido na parang pinupukpok ng martilyo habang dahan-dahan siyang bumabangon at lumapit sa pinto upang pagbuksan ang gumagawa nang mga pagkatok.
Nabungaran niya ang kanyang ina na sa edad na apatnapu’t walo ay maganda pa rin ang postura na bumagay sa maamong mukha nito, nag-aalala itong nakatingin sa kanya.
Nasa likura nito si Elsa na isa sa mga maid ng pamilya Norhall dito sa bahay na may bitbit pang isang baso ng malamig na tubig.
“Are you okay, Baby? I heard from Elsa na lasing na lasing ka nang ihatid ka ng boyfriend mo kagabi,” tanong ng ina ni Luna dahilan para matulala siya at sandaling mag-isip.
Boyfriend?
“What? Boyfriend? Who?” naguguluhang tanong niya sa ina.
Nang hindi siya makasagot ay si Elsa na lamang ang tinanong nang naguguluhang dalaga.
“Ammm. Yung ano po ma’am… yung sikat na hunk actor po sa channel 27?” mabilis naman na sagot ni Elsa na ikina-singkit ng mata ni Luna.
Not because Luna is angry with their maid but because she’s trying to remember who the hell she was referring to.
Hunk? Channel 27?
“Kung hindi niyo po maalala ma’am, buksan niyo na lang po yung TV niyo, ang alam ko po kasi meron siyang palabas ngayon do’n eh,” Suhestiyon pa ni Elsa.
Dahil na rin sa gustong malaman ni Luna kung sino ang tinutukoy ni Elsa ay sinunod niya na lamang ang suhestiyon nito at mabilis na binuksan ang malaking telebisyong nakasabit sa dingding ng kanyang kwarto at inilipat sa sinasabi nitong channel.
Naibuga pa ni Luna ang iniinom na tubig sa pagkagulat dahil sa biglaang pagtili ni Elsa habang itinuturo ang screen ng telebisyon.
“Ma’am, ayan po si sir! Ang gwapo po pala niyan sa personal,” Napapalatak naman ang ina ni Luna dahil sa expression ni Elsa na tila ba bumalik ito sa pagiging teenager na niyaya ng nagugustuhan nitong lalaki sa prom date at kilig na kilig.
Pakiramdam naman ni Luna ay umabot na sa sahig ang kanyang panga dahil sa laki nang pagkakabuka niyon.
“What the hell, Elsa? Hindi ko boyfriend iyang hudas na yan!” iritang bulyaw niya sa kasambahay.
“Eh ma’am siya po kasi ang naghatid sa inyo rito kagabi eh, para pa nga po kayong sako ng bigas na pasan-pasan ni sir noong ihatid niya kayo sa kwarto eh, sabi niya rin kasi boyfriend niyo siya,” pagpapaliwanag ni Elsa bago mabilis na tumakbo palabas ng kanyang kwarto habang tumatawa.
Hinagod-hagod na lamang ni Luna ang sumasakit na sentido dahil sa kunsuming nararamdaman. Si Jacob pala ang naghatid sa kanya at sa mismong bahay pa talaga nila, kaya pala hindi niya maalalang nag drive siyang pauwi rito kagabi.
BINABASA MO ANG
End Of Days
ActionLuna, an heir of a wealthy business tycoon is working as an agent in a secret organization called Hierarchy. But a certain mission will suddenly change her life forever. She will wake up in a world full of flesh eating creatures lurking everywhere...