APWE

136 8 0
                                    

PINAGTAGPO, ITINADHANA (BOOK 2 / Kabanata 12 timeline)

"Aking sinisinta ... aking ..." Hindi naituloy ng encantado ang sasabihin kay Lira sapagkat biglang may tumama sa kanyang bato.

"Ah!" Napasigaw ito nang sunod-sunod na ang pamamato.

"Ssheda!" Hindi nga't walang nagawa ang encantado kung hindi tumakbo papalayo.

"Wait asan ako..." Nagtaka ang diwani. Pinagmasdan niya ang paligid. Kasalukuyan siyang nasa isang napakalawak na hardin. Sa hindi kalayuan ay nakita niya ang palasyo ng Sapiro.

"Duwag naman pala iyon..." Narinig ni Lira ang tawanan. Humarap siya sa malaking puno sa kanyang likuran.

Makalipas ang ilang sandali ay nakarinig siya ng kaluskos ng mga dahon. Bumaba mula sa puno ang dalawang batang encantado. Magara ang kanilang kasuotan.

"Ate Lira." Ngumiti ang isa.

"Magandang umaga." Winika ng kasama niyang bata.

Parang kilala ko sila, isip ng diwani.

"May suliranin ka ba ate?" Lumapit ang isa.

"Huwag mong sabihing iniibig mo ang duwag na iyon." Winika ng kasama niyang bata. "Kung ganoon ay kailangan ka nga naming bantayan."

Hindi makasagot ang diwata sapagkat nalilito pa rin siya sa mga nagaganap.

"Sigurado ka bang hindi natin siya natamaan sa ulo kanina?" Bulong ng isa nang mapansin ang kalituhan sa mukha ni Lira.

"At ano ang nangyayari dito?" Lumingon ang tatlo. Dali-daling tumakbo papalapit kay Ybrahim ang dalawa.

"Naging mabait ba kayo habang wala kami?" Nakita ni Lira na kasama ng rehav ang kanyang ina.

"Opo!" Masayang tugon ng dalawang bata.

Lumapit sa kanila ang diwani.

"Anak." Ngumiti ang rehav. "Totoo ba ang sinasabi ng mga kapatid mo?" Pabirong winika ng kanyang ama.

"Kapatid?" Sagot ni Lira.

"May dinaramdam ka ba anak?" May pag-aalala sa tinig ng reyna.

"Ah wala po..." Sumagot ang diwani. Hindi ko pa rin gets ang nangyayari, bulong niya sa sarili.

"Mabuti na lamang at hindi naman matagal ang pagpupulong sa Lireo kasama ng inyong mga ashti." Magiliw na ginulo ni Ybrahim ang buhok ng dalawang bata.

 "Mabuti po at nakadalaw kayo sa Sapiro ina." Winika ni Lira.

"Mukhang natamaan talaga natin ang ating apwe kanina..." Narinig ni Lira ang kanyang kapatid.

"Ate ... dito nakatira ang ating ina." Akmang paliwanag ng isa. "Hindi naman maaari na sa Lireo nakatira ang reyna ng Sapiro." Pabirong dagdag ng isang bata.

Batid sa mukha ni Lira ang pagkagulat.

.

.

.

.

.

"Ate Lira!" Nakarinig ng tinig ang diwani.

"Ate Lira!" Idinilat niya ang kanyang mga mata.

Nasa tabi niya ang batang ligaw na si Pao Pao. "Gising na ate, tanghali na."

"Panaginip lang pala ..." Bulong ng sanggre. "Pero sana magkatotoo..." Napangiti si Lira.

PINAGTAGPO, ITINADHANA (ONE-SHOT COLLECTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon