Greetings in the name of Euphony Vermillion Academy!
We would like to congratulate you for your outstanding achievement in our entrance examination. For the past years, it was a pleasant surprise to have an amazing student scored one hundred percent Euphony Vermillion have. You are on your way to making a name for yourself in the field of both education and talents. With such brilliant results, we hope you keep succeeding with such flying colors. We wish you a future as bright as you are and we are all ecstatic about this wonderful news.
- HM Rian Reese
Nakahanda na ang aking uniporme para sa pagpasok sa Euphony Vermillion Academy dahil natanggap ko na ang resulta para makapag-aral sa pinakasikat pagdating sa musika ng mga paaralan dito sa Pinas. Once a week lang pwede umuwi, kaya naman linggo lang ako makakauwi sa amin. Sabi ni Inay kahit hindi muna ako umuwi at mag pokus muna sa pag-aaral at hasain ang aking talento. Ngunit, sa ngayon ayaw ko muna mawalay sakanila ng kapatid kong si Hero. Pasaway pa naman ang isang yun, minsan hindi nakikinig kay Nanay. Kaya uwian muna ako tuwing linggo. Bukas na ang pasukan kaya naman ako ay naghahanda na.
"Kuya diba nakapasa din yung crush mo sa paaralan na papasukan mo?"
"Ikaw napakabata at lalake mong tao chismoso ka." Tatlong taong gulang ang agkwat naming magkapatid, minsan nga hindi ko na alam kung ako ba panganay o siya.
"Nalaman ko na may ipinadala din kasi sakanyang sulat katulad ng iyong natanggap." Kung ganon, sinubukan niya ding magpasa ng requirements at mag-audition.
"Saan mo naman nabalitaan yan? Mas nauna ka pa sakin."
"Malamang kay Aling Cecil, hindi ka na nagulat eh napakadaldal non." Sabagay, si aling cecil ang maasahan mo tuwing may bagong balita, dapat di na ako nagtaka. Hahaha
"Hoy! Ikaw bata ka, gumalang ka nga sa nakakatanda sayo. Kuya mo ko, mag po at opo ka naman."
"Ikaw gagalangin? No way." bulong niyang sabi na narinig ko naman. Aba, itong batang to talaga.
"Maghain ka na nga lang don, tulungan mo si Nanay magluto."
"Oo na."
Hindi kami mahirap, hindi din mayaman. Sakto lang. Hahahaha. Pinagpatuloy ko ang pag-aayos na mga gamit. Hindi biro ang makapasok sa Euphony. Apakahirap ng mga tanungan, tapos napakalamig pa noong nagsasagot ako, di tuloy ako masyado naka pokus. Tapat na tapat pa sa akin yung aircon nilang split type. Mabuti na lang naperfect ko. Hehehe.
Kaya lang naman gusto ko sa Euphony, bukod sa nalaman kong nag entrance exam si crush, ehhhh gusto ko ding hasain ang pagiging singer ko sa banyo. HAHAHAHA When the nigghhht has come OHHHh, at pinatay ang ilaw. Charot.
"Anak, kakain na." nitatawag na ako ni Inay.
"Opo, andyan na." mmmmm, sarap talaga magluto ni Nanay.
"Naka-post sa website ng iyong paaralan yung mga pinakitang gilas ng bawat estudyante, anak bakit wala yung sayo doon?" si Nanay Mclaine kasi may access din sa mga nangyayari kasi may account din mga parents para masubaybayan ang mga kanilang anak. Sosyal diba. Harhar.
"Ewan ko po, nay. Baka masyado silang na bilib sa talento ko. BWAHAHAHAHA." napangiti si nanay. hahahaha diba agree si mader earth. Mahangin ba? Sanay na sila sa ganito kong ugali. Pogi naman.
"Huwag mong kakalimutan anak ha, huwag lalaki ang ulo."
"Saang ulo nay. HAHAHAHAHAHA ay." binatukan ba naman ako.
"Nako, ayos ayusin mo Hendrix ha. Hindi ko nagugustuhan pinagsasabi mo."
"Biro lang po, hahaha. Di na mauulit. Hehe." nag peace sign naman ako.
"Maganda din ang pinakitang gilas ng nagugustuhan mo. Andaming views, instant celebrity. Wow. Andami ding positive feedbacks." Ohh diba sana all suppotive mother lahat. I lab it.
"Oo nga po, kaya mas lalo akong nahuhulog sakanya." feeling ko kuminang mga mata ko. HAHAHAHA twinkle twinkle.
"Huwag kang gumawa ng kalokohan ha, mga bilin ko sayo laging tandaan. Ang mga babae nirerespeto, inaalagaan at minamahal. At dapat alam mo ang iyong limitasyon." Niyakap ko si Nanay ng mahigpit. Swerte ko sa nanay ko, lahat ng magandang katangian na sakanya na. "Hi-ndi na ako makahinga, A-anak." HAHAHAHA ayoko nga paawat. "Opo, nay. I'll keep that in mind and heart. I'm always here whenever you need me. Okay?" Bigla kong seryosong sabi.
"English yon ah Kuya." Hinabol ko nga, minsan na nga lang mag english pinansin pa. Pampam kahit kailan talaga.
"Papansin kang bata ka, halika dito." tumakbo siya at pumunta sa likod ni Nanay.
"Kuya di kayo bagay, HAHAHAHA. Mayaman si ate Ganda. Tsaka di ka naman kilala non. Hanggang tingin ka lang kasi. HAHAHAHAHA."
"Galaw galaw din kuya, wag kang torpe. HAHAHAHA gusto mo unahan kita?"
"Manahimik ka, hambalusin kita ng walis." akmang kukunin ko na ang walis bigla akong pinatigil ni nanay. "Tama na yan, baka magkasakitan pa kayo."
"Si kuya kasi eh."
"Anong ako, Ikaw nauna. Aba"
"Pag college na din ako kuya, dyan na ako mag-aaral. HAHAHAHAHA."
"Huwag mo nang pangarapin, alam natin sating dalawa na BOBO ka. BWAHAHAHAHA"
"Nanay oh, si kuya bobo daw ako." pinagmamasdan lang kami ni nanay mag-asaran, hindi naman totoong bobo ang kapatid ko. Walang bobo samin, tamad lang. HAHAHAHA at siya yong tamad.
"Ohh siyaa, tama na yan. Huwag mo ng guluhin kuya mo, maaga pa yan bukas."
"Balik ka na sa kwarto mo Mc Hendrix, ayus ayusin mo na mga dadalhin mo. Pati mga instruments na kailangan mo."
"Opo, nay. Ito na po. Aalis na nga. HAHAHAHAHA" nag belat nga ako sa kapatid ko. teluk eh. AHAHAHAHA.
Okaaaaaaaaaaaaaaaaaay, tapusin na natin to. At ng makita ko na ang babaeng nagpapatibok ng aking puso. Charrr, kahit wala siya natibok na talaga puso ko. HAHAHAHAHA
Toothbrush, check. Brief, check. Kumot, check. Bahala na, kung ano na lang mahugot ko dito. HAHAHAHAHA syempre yung mahahalaga, nauna ko ng na i-check. Makatulog na nga. zZz
—
Please support my first story. Give it a chance and hoping for vote and comments. :>