Makikitang may kausap si Vincent sa phone. dumating si Ven at nadatnan na may kausap si Vincent sa telepono.
Vincent: Sige Father, sabihin nyo nalang po kay Ryan na hintayin nya nalang kami sa Pier. sige ho salamat ho Father.
Ven: Sino yung kausap mo?
Vincent: Ahh.....si Father Danny, sya yung tutuluyan natin sa Capiz.
Ven: Ibig mong sabihin may tutuluyan na agad tayo dun?
Vincent: Ang kulit mo talaga Empot. ang hirap mong kausapin, para kang matandang ulyanin mahirap kausap.
Ven: Ang ibig mong sabihin Simbahan ang tutuluyan natin?
Vincent: Sira ka talaga. sa dinami dami nating pupunta ng Capiz para gumawa ng research patutulugin kaya tayo ni Father Danny sa Simbahan.
Ven: Aba! mabuti nga yun ehh! safe tayo doon.
Vincent: Anu ba yang pinagsasabi mo?
Ven: Sabi nila, marami raw aswang sa Capiz, Kaya medyo delikado raw doon
Vincent: hanggang ngayon pa rin ba nagpapaniwala ka sa aswang?
Ven: Bakit naman hinde.
Vincent: Alam mo Ven? para kang batang paslit. ewan ko ba sayo kung ano yang pumapasok dyan sa utak mo. naku bahala ka nga sa buhay mo mag hanap ka nalang ng ibang makakausap mo.
Pero bago umalis si Vincent. may nakita syang dalang pasalubong si Ven. isang kahong Dunkin Donut. inaga ito ni vincent sa kanya.
Vincent: Pero bago ang lahat akin na muna yung Dunkin Donuts mo! uubusin ko itong mag-isa sa kwarto ko.
Ven: Tignan mo ang katakawan nito ohh! matakaw talaga itong tabachingching na ito ehh.
sabay tumalikod si Vincent. walang magawa si Ven kundi magkamot ng ulo. aakyat na sa hagdan si Vincent upang pumasok na sa kanyang kwarto.
BINABASA MO ANG
BARYO SAN ISIDRO. [BOOK 1]
HorrorEdited Version. 101 --For More Questions Please Comment Down Thank You --For the Updates Please Check up the Author's Note. ~Enjoy Reading ! ;)