CHAPTER 5

51 20 9
                                    

"The best version of myself is whenever I'm with you."


"Ikah!", rinig kong tawag sa akin ni CJ pagkasampa pa lang ng isang paa niya sa may bakod.



I whispered to Manang, "See? I told you, Manang! Kahit missing yung two front teeth niya, super white pa din! He's really a neat person! You'll like him too! He's so different from those people na sinasabi ni Papa na mga scary and may have dangerous intentions!"



Napatango na lang si Manang sa sinabi ko tapos tumingin na sya kay CJ at kinausap ito.




"Hi, CJ. Ako ang taga pag alaga dito kay Señorita. Isinama niya ako kasi para matulungan ko siyang magbuhat ng mga dadalhin niya ngayon at babantayan ko din kayo sa paglalaro. Manang na lang din ang itawag mo sa akin.", pagpapakilala ni Manang sa friend ko.



"Hi po, Manang. Magandang gabi po. It's nays to meet you, en you. Tenchu. How about you?", sagot niya kay Manang na nakangiti at sabay tingin sa akin.




"Sige na maglaro lang kayo diyan at ako naman ay maglalaro din nitong action puzzle video game dito sa game console na pinahiram ni Señorita", paalam ni Manang sa amin at lumipat na sa kabilang upuan.



"Ikah! May dala akong robocops papakita ko yung pabago-bagong ilaw nila! Saka yung mga maliit kong kotse na umaandar ng kusa basta ikuskos lang muna ng pabalik-balik yung gulong sa sahig.", masiglang sabi ni CJ habang ipinapakita yung mga laruan niya.



Pagkatapos naming maglaro nung mga toys niya ay inabot ko naman sa kanya ang roller skates at mga safety gears na dala namin ni Manang. Tiningnan lang ako ni CJ. Mukhang hindi siya marunong gumamit ng mga ito. Pinaupo ko muna siya sa tabi ko and ipinakita kung paano ang tamang pagsuot nito. Sinunod naman niya ang lahat ng kilos ko.



"CJ, you should also wear yung helmet, wrist guards, knee and elbow pads properly.", sabi ko sa kanya habang chinecheck kung tama yung higpit ng gears sa ulo at katawan niya.



"Para saan ang mga ito, Ikah?"



"Here's what they called safety gears. It will soften our landing kapag natumba tayo and will protect our bodies."



"Naku paano yan, Ikah? Hindi ako marunong maglaro niyan."



"Don't worry I'll teach you.", I assured him and helped him finish gearing up.



"First, you have to keep your knees bent and lean slightly forward. Tapos try mo mag balance habang naglalakad ng dahan-dahan.", sabi ko habang dinedemonstrate sa kanya yung dapat gawin nya.

Book 1: LILIKATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon