Hatred.
It is the feeling of one who hates; intense dislike or extreme aversion or hostility
I'm angry with that person, I know I have anger but.. why don't I even regret that I met him?
Kailan niya ba ako pinasaya
Is hate always the beginning of everything?
"Denara. Denara ang pangalan ko,"
He was the first person I told about my real name. I use it differently because I hate the one who made my real name
At ang taong sinabihan ko ay ang taong gumugulo sa damdamin ko. Minsan gusto ko siya madalas ayoko sa kaniya
He is not normal.. napakasama ng ugali niya and as much as I am annoyed with him, he is the same with me
Dahil sa kaniya ay palagi ko nalang kinukwestiyon ang sarili ko. Kung deserve ko ba ang lahat ng 'to, Deserve ko ba talagang masaktan at mapag-tripan nang ganito?
Kapag naging hate ako ng isa ay magiging hate na ako ng lahat.. gano'n ba talaga? Diyos ba siya para gayahin ng mga students dito sa University?
"Kaya pala Dina," He let a short laughed, a sarcastic laugh. "Bakit mo naman sinabi sa'kin?" Unti unti siyang lumapit saakin. Ngayon ay nasa rooftop kaming dalawa at hindi ko na alam kung gaano pa ang itatagal ng mga paa ko "Teka.. pinagkakatiwalaan mo na ba ako?"
"Hindi." Blangko lamang akong nakatingin sa kaniya
Natawa siya nang bahagya dahil sa inasta ko at tinulak ako nang sobrang hina pero dahil hindi na kaya ng mga paa ko ay tuluyan na akong napaupo
"Bakit mo ba tinatago 'yang pangalan mo?" he laughed "Rare ba ang Denara? Sobrang pangit nga."
"Kaya nga walang may alam." I blinked once
"Tsk," Napipikon nang usal niya
Iyon na ang huli nang maayos ayos na buhay ko dahil kinabukasan ay pati ang guro ko ay pinag-t-tripan na ako. Pati ang ibang level ay nakikisali na rin
Hindi ko alam kung ano ang ginawa ng bwisit na lalaki na 'yon pero iyon na rin ang huling kita namin
Dapat matuwa ako pero ano itong nararamdaman ko
"Kanino galing 'yan?" tanong ni Valerie. Bestfriend ko
May hawak akong maliit na box ngayon at letter. Nabasa ko na ang letter at napaka-suspicious n'on dahil mostly na na-r-receive ko ay puro hates
"Malay ko," sagot ko dahil wala namang nakalagay na name
Takang taka naman ako sa bawat araw na dumaraan dahil hindi ko na talaga siya nakikita. Hindi ako natutuwa dahil marami pa ring nant-trip sa'kin
"Atleast wala nang mambu-bully sa'yo. Siya nga pinaka worst bully." Umirap si Valerie
A year passed but the very ugly memories of that person remained in my mind
Nakapag-saya ako.. malaki na rin ang pinag-bago ko at College student na ako. Ang nakaraan ko ay pilit ko pa ring binabaon pero sobrang hirap pala.. naging parte na nga talaga siya ng buhay ko
Bigla nalang siyang nawala pagkatapos kong sabihin sa kaniya ang tunay kong pangalan
Akala ko matatakasan ko na ang lahat pero hindi pa rin ako makaiwas sa pangungutya. Bakit ba nangyayari sa'kin 'to?
Was I born to annoy everyone?
"Pangit ba ako?" seryosong tanong ko kay Valerie
"Hindi nga! Promise mamatay man ako! Hindi ko 'to sinasabi dahil bff kita," Inangat niya ang palad niya
"Eh bakit palagi akong pinag-t-tripan?"
"Ayan nga yung hindi ko alam eh," Binalingan niya na ang phone niya
Sa bawat araw na lumipas ay nagiging weird na ang pakiramdam ko. Sa tuwing nabu-bully ako ng mga lalaki ay siya ang naalala ko
Para akong nangungulila
Bakit parang mas tanggap ko pa kung siya ang mangt-trip sa'kin?
Bakit palagi kong naiisip ang pagkawala niya nang biglaan
"Grabe na ah! Bakit may pasa ka na!?" galit na galit na sambit ni Valerie
"Nasampal ako.. kabit daw ako ng Bf niya," Naupo ako sa kama at nilabas ang mga readings ko
"Sino may gawa?!"
"Sus, hayaan mo na." Hindi naman na bago ang lahat, sanay na ako. May sumanay na sa'kin.
Dahil legal age na ako ay wala akong magawa kundi pumayag sa aya ni Valerie na mag-night club. Nakakahiya pa nga dahil may pasa pa ako at sugat sa labi
Pero sumama pa rin ako
"Saan kana ba?" tanong ko kay Valerie sa call
[Nauna na ako, sunod kana lang.]
First time ko.. hindi ko alam kung ano ang gagawin, hindi ko alam kung anong ayos ba, hindi ko alam ang susuotin ko kaya naka-jeans lang ako at blouse na asul. Suot suot ko ang salamin ko at naka-pig tail naman ang buhok kong maikli
"Akala ko ba club.." sinabi ko lang sa Taxi driver ang name ng Club at dito naman ako dinala
Fancy restaurant naman ito. Club ba yung ganito?
Pumasok nalang ako sa loob at hinagilap si Valerie. Nakahinga naman ako nang makita ko siyang kumakaway
Nakangiti akong lumapit at natigilan nalang nang makita ang mga kasama niya
Ang mga high-school classmates namin...
"Woah.. wala ka pa ring pinag-bago Dina!" tumawa ang lalaking isa rin sa nant-trip saakin "Ang weirdo mo parin! Ano ba 'yan?! Nerd ka parin ba hanggang ngayon?!"
Pinagtawanan ako.. habang pinagtatanggol naman ako ni Valerie
Sobrang durog na durog na ang loob ko at gusto ko nang umiyak dahil sa pagkapahiya sa harap ng mga kaklase ko noon
The word is not cruel.. hindi ang mundo
"Tss, rinig na rinig ko ang ingay niyo."
I was stunned when I heard that voice. My heart was beating faster and faster because of the nervousness I felt
Ang presensiya na ito..
"Sino may gawa sa'yo niyan?" Nagsalubong ang kilay niya, saktong pagkaharap ko "Sabihin mo." Bulong niya na tanging ako lang ang nakarinig
His face is thick to ask me like this. Nakalimutan niya bang sinasaktan niya rin ako noon
BINABASA MO ANG
The Art of my Hatred (Psy Series #1)
RomanceThe life that not everyone wishes for is given to the woman named Denara. She doesn't use her real name because she doesn't like the person who did it. Her life became miserable especially when Brick came. Famous in the University because of his mus...