chapter 8

4.6K 133 1
                                    

Her POV.

Nagising ako sa ingay na nasa paligid ko. Minulat ko ang aking mata at nakita kung maraming tao ang nanood sa akin kaya napa upo ako.

Nabigla pa ako dahil sa may nahulog galing sa mukha ko. Pagtingin ko ay isang cold compress pala. Napahawak naman ako sa aking mukha, at feel kung unti unti ng nawawala ang sakit.

Ahmm!! Sino po sila?" Tanong ko rito ng tumingala ako sa mga babaing nakapalibut sa akin.

Ija!!! gising kana pala!" Lumapit si nana sa akin at niyakap niya ako.Kaya naman ay yumakap rin ako pabalik.

Na pansin kong puro babae ang nasa kwartong to tapos ang lawak para maging akin. Napalingon ako sa bintana, ang ganda ng view subra.

Ang taas pa! Katakot pag nahulog ka muka dito sa taas.

Tumingin ako kay Nana na may pagtataka.

Girls!" Sabi ni Nana at sabay sabay naman ito nag si linya sa harap ko. Kailan pa naging leader si Nana?

Alam mo ija, itong fiance mo!. Binigyan ako ng trabaho" nakangiting pagkwekwento nito sa akin.

Hu? Fiance?" Tanong ko. Wala panga akong boy friend fiance agad.

Naging mayur duma ako ija at under ako sa pangangalaga mo" nakangiti ito sa akin na napakasaya ng mukha nya.

At sila ang pina dala ng fiance mo." Turo ni Nana sa mga babae na nasa harap ko.

The five of them!, sila ang mag aasikaso sa make over mo ija at yang isa ay doctora." Sagot ni nana. May pagtataka akong tumingin sa kanilang lahat habang sila ay nakangiti ng subrang lawak.

Teka nana!!! Kanina pa kayo fiance ng fiance eh wala panga akong boyfriend ehh sino po ba yun?" Tanong ko rito. Eh! Sa wala akong naalala.

Ngumiti lang siya saka nagsalita.

Fiance kasi two hours nalang kasalan na at siya ang binanggit mo bago ka mawalan nang malay anak ko." Napakurap ako na parang hindi maka paniwala. Dumating talaga sya, napaiyak ako nang wala sa oras.

Hinawakan ni nana ang mukha ko pagkatapos pinunasan nya luha ko.

Napakaganda parin ng alaga ko kahit umiiyak na!" Pagbibiro nito.

Magpakasaya ka na ija, tandaan mo andito lang ang nana mo, hindi ka iiwan" sabi niya saka ngumiti ito sa akin.

Salamat po nana" nakangiti kong papasalamat sa kanya. Humarap siya sa limang babae.

Ok girls report!" Sabi naman ni nana nang nakaseryusong mukha. Wow! Ang ganda ng rule ni nana ahh! May inuutusan na siya pero siya parin ang the best nana ever.

Lumapit ang doctora sa akin.
Lady Angel, maayos napo ba ang pakiramdam nyu?" Tanong nito.

Tumango ako kasi nawawala na ang sakit sa katawan ko. Tiningnan ko ang tyan ko. Nakasuot nalang pala ako ng tube at my band aid na nakapalibot sa maliit kong tyan.

May nilagay lang po akong gamot sa pasa nyu sa tyan at kukupas rin yang pasa nyu. Yang band aid po ay tanggalin nyu na bukas. Yun lang" sabi nito at bumalik sa linya.

Paalala lang po na wag nyu ng hayaan na saktan ang iyung mukha dahil napaka sensitive po ng iyong balat at baka sa susunod ay magkasugat na kayo.!" Mataas na lintanya nito.

Narinig kung nagbubulungan ang apat.

*Grabi ang sexy nya, nakakatomboy lang.*

*Ang kinis ng balat nya, kanina nung dumating na buhat buhat ni master kala ko pangit yun pala tinago nya*

Just You Baby (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon