"Na miss ka namin Cross sobrang boring ng paligid nung wala ka" niyakap ako ni Bea, sumunod si Plata at Luca
"Kamusta naman ang pagsama mo kay Boss?" Tinaas ko ang dalawa kong braso ng papalitan na ako ni Manang Flora ng damit naabutan ako nitong basa ang aking likod.
"It's fine and cool" sagot ko
"Yun lang? Hindi mo ikukwento yung mga ginawa niyo doon? Mga kinain? Kung ano ang itsura ng paligid?" Sabi ni Bea
"Namula balat mo siguro nasobrahan ka sa pagbababad sa araw" Plata said
Humiga ako sa kama at humikab ng makaramdam ng antok, that Micro sabi niya ay uuwi agad kami kahapon kapag natapos na kaming kumain sa restaurant pero isinama pa ako sa pambababae niy sa dalampasigan kaya ang ending nag ka sunburn ako, hindi kami nakatulog ni Saint dahil kapag hihiga ako ay humahapdi ang balat ko, Saint take care of me at kinaumagahan sinapak nalang niya bigla si Micro....may pinahid naman siya sa balat ko kaya hindi na din humapdi, im fine now.
Nagpaalam na sila Plata na babalik na sa trabaho sinagot ko na lamang sila ng tango at tsaka pinikit na ang aking mga mata
"Cross...."
Napatayo ako at nilibot ang tingin sa paligid i saw the fairy standing beside the mirror nakangiti ito sa akin at kumikintab ang buong katawan kaya naningkit bahagya ang mata ko, sinenyasan niya akong lapitan siya na ginawa ko.
"tapos na ba ang mission ko? You said that when i finished the mission magpapakita ka na sa akin"
"Sa tingin mo tapos na ba ang misyon mo sa kaniya?" She said
Nag iwas ako ng tingin at napakamot sa batok, mukhang wala pa ako sa kalahati....ayoko namang magtagal ako sa ganitong edad gusto ko nang bumalik sa dati parang hindi ko naman kayang baguhin si Saint, nagiging maalaga naman siya sa akin this past few days pero hindi nagbabago ugali niyang masungit.
"Look at yourself in the mirror"
Dahan dahan kong tinignan ang repleksyon mo sa salamin, napangiti ako ng makita kong hindi na bata ang katawan ko i am Cross Buenavista and im at my twenty year old body again....nilapit ko ang mukha ko sa salamin pero bigla na lamang akong hinigop nun, i screamed when my sorroundings became colorless napaupo agad ako sa sahig ng makaramdam ng pagkahilo
"Dad i pass the exam!!" Nakita ko ang isang lalaking matanda na nakaupo sa swivel chair habang humihithit ng tabacco
Papalapit ang batang lalaki na may hawak na isang test paper, Saint Gallanoza?! Pinakikita sa akin ng fairy ang mga nangyari sa pagitan ng mag ama? Tumayo ako at napalunok ng punutin ng matandang lalaki sa harapan ni Saint ang test paper
"Dad....." sabi ng batang si Saint at pinipigilan ang pagtulo ng luha
"Leave!! Wala akong anak na kagaya mo....dapat lang ay pumasa ka dahil kapag nakapag graduate ma na ay lalayas ka na dito sa pamamahay ko!!" Galit na sabi ng matandang lalaki "huwag na huwag mong ipapakita ang ganiyang mukha mo sa akin Saint dahil baka hindi ko mapigilang pagbuhatan ka ng kamay!!"
Muli akong hinigop ng salamin at nang bumukas muli ang aking mata nasa ibang lugat naman na ako
Im at the garden right now, nakaupo si Saint sa metal na upuan at nakatulala sa mga bulaklak
Maya maya Kinuha nito ang phone na nasa gilid saka may idinial na numero bago idinikit sa tenga."Dad.....birthday ko ngayon are you going home?" Nanginginig ang boses na sabi ni Saint
Hindi ko narinig ang sinabi ng ama niya ngunit kitang kita ko ang mga luhang tumulo sa pisngi ni Saint, binaba na nito ang phone saka pinunasan ang basang pisngi
"Happy birthday" bati nito sa sarili
Sinundan ko ito hanggang pumasok na ito sa kaniyang kwarto at nakatulog sa kakaiyak, maya maya pa ay biglang lumagabog ang pintuan, gulat na napaupo si Saint sa kama at tinignan ang amang mukhang lasing na lasing na....may hawak itong sinturon, nanlaki ang mata ko ng mabilis itong lumapit kay Saint tinakbo ko ang ama nito para pigilan sa gagawin ngunit tumagos lang ako sa kaniya i tried to hold his arms....pero hindi ko magawa.
"Dad!!" Sigaw ni Saint ng paulit ulit na pumalo sa kaniyang hita ang sinturon ng kaniyang ama "dad, stop this....m....masakit"
"Bakit ka pa nabuhay?! Ikaw nalang sana ang namatay napaka walang kwento mo....pinatay mo ang nanay mo, hindi mo alam ang sakriprisyong pinagdaanan ko ng mawala siya, sana ikaw nalang ang namatay!!"
"I.....Im sorry d....dad" Saint whimpered
"Sa tingin mo mababalik ang buhay ng nanay mo sa sorry mo?!"
Dumating ang katulong at inilayo ang matanda kay Saint, pumasa agad ang hita nito at bakat na bakat ang sinturon na pinampalo....bumigat ang dibdib ko na nasisilayan
"Lasing lang ang dad mo Saint" pagpapakalma ng isang katulong kay Saint
"Why is he always hurting me? Hindi ko naman ginusto na mawala si mom...i want dad to love me and be proud of me, he was right sana hindi na ako nabuhay pa" umiiyak na sabi ni Saint
"Huwag kang magsalita ng ganiyan Saint balang araw ay magkakabati din kayo ng dad mo....gamutin na natin iyang pasa mo"
Nawala na sila sa harapan ko, puro salamin nalang ang nakikita ko.
"Ang totoo mong missio dito ay pagbatiin ang dalawag leon" lumabas sa isang salamin ang fairy saka ako hinawakan sa balikat "ang ama niya ay turuan mong ipakita ang liwanag na tinanggihan na niyang lapitan ng mawalan siya ng pinakamamahal, turuan mo siyang tanggapin ang lahat at mahalin ang natitirang kadugo niya. Si Saint mabait siyang bata pero dahil sa kaniyang ama ay dumilim ang maliwanag niyang puso, puno na ito ng galit at pagkamuhi."
"Kapag hindi ko nagawa ang mission, anong mangyayari sa akin? Hindi na ba ako makakabalik sa dati?"
Tumango ito
"Alam kong kaya mo ito Cross"
"Saglit---"
Napahawak ako sa aking paa ng may humihigop nun
"Cross!!!"
"Cross!!"
Mabilis akong kumuha ng hangin ng maidilat ko ang aking mga mata
"What the fuck happened to you?!" Bulyaw sa akin ni Saint ng magtama ang mata naming dalawa
"Why?"
"Why?! You are not breathing!! Pinakaba mo ako!!"
Ngumiti ako at dinamba siya ng yakap
"I will going to help you" mahina kong bulong
Naramdaman ko ang paghaplos nito sa aking buhok
"You will going to be the death of me Cross....." nanginginig ang boses nito halatang kinabahan ng sobra.
Balak pa ata akong patayin ng Fairy na yun!!
(Hey)