THE LAST CHAPTER

0 0 0
                                    

Bawat titulo, bawat pahina at bawat wakas ng libro. Bawat problema, bawat pighati na nilalaman nito. Sana'y magkasama padin tayo, hanggang sa dulo ng kwento.

"Love? Anong next story ang gagawin natin?" Tanong ko kay Alexa na abalang kumakain. "Hmmmm... ba't hindi natin gawan ng istorya ang relationship natin? 'Yung sweet moments, 'yung pag court mo sa'kin and 'yung moment na sinagot kita na maging boyfriend ko? Huh?" Sambit niya na naging dahilan ng pag ngiti ko. Dahan-dahan ko namang kinuha ang basong naglalaman ng tubig na nasa harapan ko at ininom ito bago magsalita. "Hmmmm... sure! Maganda nga 'yan! Good Idea Love!" Sambit ko na naging dahilan ng pag ngiti niya. "Okay, gawin natin" masigla niyang sambit at itinuloy ang kan'yang pagkain.

Si Alexa ako ako, partner writer kami na nagtatrabaho sa same company. We already release tragic stories na nag paantig sa talaga sa puso ng marami. Marami ang naiyak, nalungkot, at syempre naka relate. And in fact, it's more being exciting to me kase sarili naming story ang ilalathala namin.

Matapos naming kumain ay kaagad kaming lumabas sa Andrew's restaurant na pinakapaboritong kainan ni Alexa na siya ngang kinainan namin kanina lang. "I'll carry your bag na" sabi ko sa kanya at tumango naman ito. Sa paglabas namin ng restaurant, isinuot ko sa kanya kaagad ang black jacket na suot ko sa kadahilanan ng malamig na panahon. "Malakas ang hangin, ito ang suotin mo" sabi ko sa kanya na ikinagiti naman niya.

Sumakay na kami ng Bus sa pag uwi namin at sandaling nag-usap. "Love, bukas ulit ah?" Sambit ko sa kanya. "Ahhh, ohhh sige sige, puntahan mo nalang ako ah?" Sabi niya sabay sigaw ng "para po!" At dali-daling bumaba.

Aug. 12, Sunday.;

"Oh ano Alexa? Ready ka na? Huh?" Tanong ko at tumango naman ito. "Sa Mall tayo Jerome", sambit niya. "O-ohh sige" sambit ko kaya dumiretso na kami sa Mall.

Nandito kami sa isang sikat na Mall dito sa Amin. Sa pagpasok namin ay bumungad ang magagandang produkto. May mga sing-sing, bracelets at marami pang iba. Laking gulat ko nang biglang lumapit si Alexa sa isang tindera na nagtitinda ng bracelets. "Hmmm.. ate kunin ko po ito". Rinig kong sambit niya sabay turo sa dalawang bracelets. "Ate palagyan na din po ng  pangalan, Alexa po sa isa at Jerome sa isa" sambit nito na ikinangiti ko naman. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at kinuha ang aking kanang kamay." Heto, isuot mo 'yan sa'n ka man magpunta huh? HAHAHA" sabi niya sabay hatak sa akin sa isang playground na pang bata.

"H-hoy Alexa! Pang-bata 'yan!" Sigaw ko sa kan'ya ngunit huli na ang lahat. Nakapag hubad na kaagad siya ng sapatos niya at pumasok sa loob. Ang nakapagtataka lang, bakit may ticket na kaagad siya?. Hayysst pasaway na bata HAHAHA. "Hoy Jerome! halika dito! Ang saya oh! HAHAHAHA!" Sigaw niya na ikinatawa ko. "b-bat ka tumatawa?" seryosong tanong niya at mabilis na tumakbo papunta sa akin at biglang hatak papasok ng ground. Walang hiya HAHAHHA, anong tingin niya sa'kin? Huh? bata? HAHAHAHA sa bagay, baby ko naman siya HAHAHHA. "H-hoy nakakahiya!" sambit ko sa kan'ya. "Ikinakahiya mo'ko? Huh?" Sabi niya sabay singhal sa'kin. "H-hindi, ito na nga oh HAHAHHA, 'wag ka na sumimangot d'yan mukha kang pusang ulila HAHAHA" batid ko na naging dahilan ng pagtawa niya.

Hinila niya ako at iniakyat sa isang slide na napakaraming bola ang naghihintay sa baba sa oras na magpadulas ka. Laking gulat ko nang bigla nalang niya 'kong itinulak pababa ng slide. Uminit pwet ko bwiset HAHAHHA. "H-hoy! Loko ka ah!" Singhal ko sabay humalakhak siya nang malakas. "Heto naa, heto naaa, heto naaaaaa,!!!" Gulat kong sigaw niya sabay padulas sa slide. Bumagsak siya sa akin na animo bata HAHAHHA. Ang bigat sa pakiramdam bwiset HAHAHA. Inaamin ko, masaya din pala HAHAHA.

Hindi namin namalayan na nakatingin na sa amin ang lahat ng tao sa Mall. Napakaingay kasi ng sigawan namin na siyang pumupukaw sa intensyon ng nakararami. Nagtatawanan ang lahat na siyang ikinatawa din namin. "Hayaan mo lang sila Jerome, akala mo mga hindi dumaan sa pagkabata. Sa bagay, matanda na sila HHAHAHA" bulong niya na siyang naging dahilan ng paglakas pa ng tawa ko.

THE LAST CHAPTERWhere stories live. Discover now