Chapter 2

435 49 227
                                    

Chapter 2: Mister Engineering

Unang araw pa lang ng school pero puro activities na. Kakaumay! Iba na talaga ang buhay college kumpara noong high school pa lamang ako. Dati, unang araw sa school getting to know each other pa. Introduce isa-isa sa gitna, tapos isang buong papel na repleksyon tungkol sa mga ginagawa noong bakasyon. Pero sa college, aba! Panay discussion at activities na.

Syempre, ako yata si Sopiya---ang dakilang wattpader na super intelligence, kaya bakit pa ako makikinig?

Habang nagdidiscuss si Prof. sa gitna, nagtago ako sa likod ng isa kong kaklase habang palihim na binuklat ang aking libro. Mas mabuti pa ang magbasa na lang.

"Sopiya!"

"Ayh, p*ta ka, Prof!" gulat kong sambit nang sigawan ako ni Prof. Malakas namang napatawa ang mga kaklase ko, pati na rin si Ysabil.

Napatitig ako sa kanya na puno ng pagtataka. Bumulong naman siya sa akin kung ano ang tinawanan nila at doon ko lang napansin ang mala-dragon na mukha ng aming Professor dahil sa sinabi ko kanina.

"Go to my office! Hintayin mo ako roon hanggang sa matapos ang klase ko rito!" mataas na boses niyang wika.

Hindi ako takot. Sa katunayan, nagdiwang pa nga ako dahil sa wakas hindi ko na mapakikinggan ang napakaboring niyang discussion.

Pa-inosente akong tumango sabay yuko at mabilis na lumabas sa classroom. Naglakad ako papunta sa office niya. Sa paglalakad, hindi ko namalayan na may tae ng aso sa daan. And before I could actually avoid it, pigang-piga na ito sa suot kong sandals.

Ew! Bakit naman ganito?

Saglit akong umupo at nakipagtitigan sa tae. Gamit ang aking hintuturo isinawsaw ko ito at inamoy. Confirmed, tae nga ito ng aso!

Shuta! Kaninong aso ba kasi ang tumae rito? Hindi ba ito napansin ng mga Janitors at Janitress' kaya nagkalat pa ito sa daan? Umagang kay malas naman. Blessing na 'yong kanina e.

Agad akong nagtungo sa pinakamalapit na CR at doon nilinisan ang aking sandals. Buti na lang at malakas kumapit ang bango ng sabon na ginamit ko, kaya nawala rin agad ang amoy.

Pero teka... saan nga pala ang office ni Prof? Naku naman, Sopiya! Lumabas ka kasing hindi tinanong kung saan 'yon banda. Ahh basta! I will trust my instinct. Do not touch me, I'm spokening dollar here.

Akmang lalabas na sana ako nang hindi ko sadyang marinig ang pag-uusap ng dalawang babae. Dahil narinig ko naman din sila, lubos-lubusin ko na.

"Sissssss!"

Grabe naman 'to kung makatili. Tinalo pa ang kanyang ihi sa sobrang haba.

"I can't stand looking at him. Shuta, Sis! Nawewet ako," malantod na sambit ng isa nitong kasamahan.

"Same, Sis! Medyo basa na nga panty ko e," malandi rin nitong sagot. "Sino ba namang babae ang hindi magkakandarapa sa gano'n kagwapong nilalang? Noong nag-ulan siguro ng kagwapuhan, sinalo niya lahat, Sis. Isa siyang tunay na kalahi ni Adan. Sarap niya tikman." Literal siyang naglalaway habang ang isip niya ay naglalakbay.

Ewan, pero medyo naiintriga rin ako sa kanilang usapan. Parehas kami ng hanap, pero medyo malantod lang sila kaysa sa akin. HAHAHAHA!

"Umiigting na panga, check!"

Biglang lumaki ang tainga ko dahil sa narinig. Pasok sa standard ko as a wattpader. Sige, next!

"Husky yet sexy voice, check!"

Roorr na rorrr talaga 'tong lalaking 'to na pinag-uusapan nila.

"Bumabakat ang alaga kaya paniguradong malaki, check!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 20, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Finding Daks na Boyfriend Operation [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon