Ako Naman Muna

146 18 14
                                    


ANG WAKAS


Makailang ulit ko mang pilitin ay hindi ko mapigilang tumitig sa'yo. Gumuguhit sa mga labi mo ang walang kapantay na saya habang nakatayo ako sa harap mo, hawak ang mikroponong nanginginig sa mga kamay ko.


Dagdag pa ang mga mata mong nawawala lalo't nakangiti ka sa akin. Kahit hindi ko masyadong makita dahil sa telang nakaharang sa mukha mo.


Sa isang iglap lang, napangiti mo na rin pala ako. May mas igaganda pa pala 'yang ngiti mong nakakahawa.


Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. Hinigpitan ang hawak sa singsing at ikinuyom ang kamao.


"Noong araw na inalukan mo ako ng juice sa gym dahil magkablock mates tayo, sinabi ko sa sarili ko na ikaw 'yong tipong maalaga. Kahit kailan hindi ako magugutom sa pagkain at hindi mo ako pagkukulangin sa pagmamahal mo."


"Hindi nga ako nagkamali," tumawa ako. Nakitawa ka kasi alam mong totoo. "Sobra pa sa hiniling ko."


"Hindi ka naman kape, pero ikaw agad ang hinahanap ko sa umaga. Ikaw ang gusto kong makita paggising ko at sa gabi ay huling kayakap ko. Masaya, sobra," tumungo ako. "Hiniling ko na sana hindi na matapos 'to."


Ngunit lahat ng bagay ay may katapusan.


"Nanghingi ako ng maraming signs, kung dapat bang sumubok ulit tayo sa panibagong yugto ng buhay natin. Binigyan ako ng mga signs na 'yon ng maraming realizations, isa na roon 'yong buhay kasama ka."


Isang patak ng luha.


Kung iisipin ng iba, bunga ito ng pinaghalong saya kasi sino ba namang malulungkot sa araw na ikakasal ka na sa taong pinangarap mo nang matagal na panahon?


Sa harap ng Diyos, sa harap ng mga taong saksi sa pagmamahalan nating dalawa.


Tumungo ako at binuksang muli ang nakakuyom na kamao. Tinitigan kong mabuti ang singsing na hanggang ngayon ay nakakulong pa rin sa mga kamay ko.


"Gusto kong humingi ng tawad sa mga panahong hindi ko iniisip ang nararamdaman mo. Nasasaktan ka rin pala."


"Ikaw lang lagi ang iniisip ko. Ikaw ang sinusunod ko, ang pinapakinggan ko, ang pinapanigan ko. Ikaw lagi," sambit ko. "Puro ikaw."


Nanatili lang akong tahimik. Nagbulungan ang mga tao na tila naguguluhan sa mga nangyayari.


Sa rami ng taon na kasama kita, hindi naman ako nagreklamo. Binigay ko lahat ng gusto mo, ipinaramdam ko sa'yo ang pagmamahal na deserve mo, at ikaw lang ang babaeng minahal ko nang sobra pa sa sarili ko.

Ako Naman MunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon