Chapter 3 : Hemophobia

3 0 0
                                    

Daniel POV

I didn’t see its coming, I didn't even expect this things would happen we were having a fun a while ago. Hindi ko akalaing ang simpleng kasiyahan namin ay aabot sa ganito. Wenya ang tanga tanga ko kasi, bakit ba nakalimutan ko? At ako pa mismo ang nag banggit sa kanya sana inagapan ko agad.

Napaangat naman ang tingin ko ng may tumapik sa balikat ko kasabay ng pag upo nito sa tabi ko. Ibinalik ko ang paningin ko sa magka hawak kong kamay na nakapatong sa tuhod ko at napa buntong hininga na naman dahil sa sama ng pakiramdam ko.

“Stop it.” Maikling sabi ni Carl na nagpa angat ng tingin ko sa kanya at sarkastikong napangiti. “How will I stop? Aminin mo sinisisi mo rin ako nung una mong nakita si Hilarie. Ako ang kasama niya dapat alam ko na ang dapat ginawa ko.” Mahinang sabi ko dito at ramdam parin ang paninisi sa sarili.

“What? No. Naiinis ako sayo dahil sa haba ng usapan natin sa kusina bago mo pa nabanggit ang tungkol kay Hilarie inatake na siya ng malala ng panginginig dahil sa sobrang takot.” Masungit pang sabi nito

“Wenya! Anong magagawa ko nataranta ako?!” di mapigilang reklamo ko dito at natulala na naman sa kawalan habang nanunumbalik sa akin ang nangyari.

Matapos ang landian este asaran ng dalawa sa garden at ng mahuli ko sila agad akong tumakbo papasok sa bahay nila Hilarie dahil paniguradong yari na naman ako sa dalawa dahil sa pang aasar ko sa kanila. 

Nang makapasok ako sa bahay nila Hilarie dali dali akong umakyat sa hagdan nakasalubong ko pa si…si…si ano… ano… sino nga ba yon? Basta yung pinaka batang kasambahay nila Hilarie mga kasing edad lang siguro namin na pinag aaral nila tito Henry at tita Mina, well Agustin is an Agustin they are kind with everyone and always ready to help those who needed it without hesitation. 

“Sorry!” pasigaw na hingi ko ng paumanhin dito ng muntikan nang matapon ang dala dala niyang sa tingin kong meryenda.

Agad namang namula ang pisngi nito at tumungo kasabay ng sunod sunod na pag iling “A-ah n-naku po sir! A-ano po wala po yon a-ako po ang may kasalanan p-pasensyna na po!” hindi magkanda ugagang sabi nito na animo siya talaga ang may kasalanan. Napailing na lang ako.

Tsk pogi problems.

“Kalmahan mo lang, ako lang to HAHAHAHA!” nagmamalaking sabi ko dito bago kumuha ng isang tinapay sa platong dala niya bago tumakbo ulit pero bago magpatuloy nilingon ko ulit ito bago kinagat ang tinapay at kinindatan ito. Before I could turn to the hallway where I could find Hilarie’s room, I saw the young maid blush more which leave a smirk on my face.

Baka ako na to.

Habang patuloy na tumatakbo hindi ko maiwasang isipin ang mga bagay na maaaring mangyari, well no one knows what is going to happen to our life, I’ll just go with flow.

Nang matanaw ko na ang kwarto ni Hilarie dali dali akong pumasok doon at muling binuksan ang isa pang pinto kung nasaan ang closet niya. Sa pagpasok ko sa closet niya bumungad agad sa akin ang collection niya ng sandals na sigurado akong kapag nakita ng kahit sinong babae na mahilig sa ganito ay makakaramdam ng inggit. May mga sandals na katamtaman lang ang taas at meron namang napakataas na hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa ni Hilarie, hindi naman sobrang katangkaran itong si Hilarie pero hindi rin naman siya kaliitan, just enough for a sixteen years old high school girl.

Masyado akong nalibang sa pagtingin sa mga gamit sa kaartehan ng katawan ni Hilarie kaya naman ng may padabog na nagbukas ng pinto ay nagulat ako at natatarantang pumasok sa isang kabinet at sumiksik sa mga damit na nakahanger doon.

“You freaking asshole its your fault! Nasaan ka bang unggoy ka? Lumabas ka nga!” nanggagalaiting sigaw nito na halatang halata ang galit sa akin. Pero teka nga… ano bang ginawa ko? Kasalanan ko bang naabutan ko silang naglalandian? My god! My handsome face!

Nararamdaman kong hinahalughog nito ang buong kwarto niya dahil sa mga padabog na paglalakad kasabay ng mga naglalaglagang mga bagay na wari ko’y wala na siyang pakialam kung masira ang mga gamit niya.

“Lumabas ka na kase! Get ready when I finally see you, bubukulan talaga kita!” rinig na rinig ko na ang mga yabag ng mabibigat nitong hakbang  na papalapit na sa kung nasaan ako. Tingnan mo nga naman kayong mga babae kayo, kayo talaga napakagulo niyo kausap. Papalabasin mo ako tas may kasunod na pagbabanta? Ano ayan? Parang si mommy na may pinakuha sa akin at nakalimutan niya sabay sigaw ng ‘kaka cellphone mo yan!’  Sinong matutuwa? Para kayong math problem, di ko gets.

Napatakip ako ng palad sa bibig ko at mas lalong sumiksik sa mga damit ni Hilarie ng bumukas ang pinto ng closet.

“Psh! Get out already I know you’re here, amoy na amoy ko ang araw araw mong pinapaligong pabango.” Masungit na sabi nito at ramdam ko ang paghahanap niya sa buong silid.

Napasimangot naman ako sa sinabi nito at nakaisip ng kalokohan. Nang maramdaman kong malapit na siya sa kinaroroonan ko hinanda ko ang sarili at huminga ng malalim. Dahan dahan umikot ang handle ng kabinet na siyang inaabangan ko kasabay ng pagbilang sa isip.

Nang tuluyan ng bumukas, doon na nangyari ang aking plano.

“WAAAAHH!” sigaw ko ng malakas kasabay ng biglaang paglabas sa kabinet.

“AAAAAAAHHHH!” matinis na sigaw nito kasabay ng biglaang pag atras kaya hindi sinasadyang humampas ang balakang niya sa lamesang nasa gilid. Kasabay ng paghampas niya ay ang pagka hulog ng salaming naka patong dito. Nang mahulog ang salamin sa sahig ay siya ring pabagsak na paupo ni Hilarie.

Por jos por santo!

“Syete Hilarie!” nag aalalang sambit ko kasabay ng paglapit dito tinulungan ko itong tumayo habang kita sa mukha niya ang sakit dulot ng pagkaka hulog.

“Ouch! Aray ko!” paulet ulet na sabi nito habang hinihimas ang balakang niya at masama ang tingin sa akin at agad na tinabig ang kamay kong nakaalalay sa kanya hanggang sa makatayo siya.


“Daniel!!!” nanggagalaiting sigaw nito habang hinihimas ang balakang niya.

“Sorry na nga Hilssssssssss!” sigaw ko den habang nakataas ang dalawang kamay ko sa ere tanda ng pagsuko pero hindi nagbago ang expresyon sa mukha nito at patuloy na sumama ang tingin sa akin habang dahan dahang lumalapit, kaya naman dahan dahan din akong umatras.

“Sorry na Hils! Hindi mo na ba ako mapapatawad? Nakakalimutan mo na ba? Kaibigan tayo Hils, mag kaibigan tayo!” nagmamakaawang pagsusumamo ko dito habang may pagka tamis tamis na ngiti sa aking labi dahil base sa pagtingin nito sa akin parang mapapatay na ako nito, at kung nakamamatay lang ang tingin kanina pa ako pinaglalamayan.

“Shut up from your craziness, hindi mo ako makukuha sa mga paganyan ganyan mo ngayon.” Galit paring sabi nito habang bumibilis ang paglapit sa akin kaya naman bumilis din ang pag atras at paglayo ko dito hanggang sa kumaripas na ako ng takbo. Binuksan ko ang pinto ng closet niya at tumakbo ng mabilis papunta sa likod ng kama niya at hinarap ito ng mabilis din itong nakalabas sa closet at desidido paring makaganti sa akin kaya naman muli kong itinaas ang dalawang kamay habang siya ay patuloy na lumalapit.

“Hils sorry nga eh! Sige ka isusumbong kita kay Carl!” sigaw ko dito na para bang yun na ang alas ko.

Natigil naman siya sa paglapit sa akin kaya naman nakahinga ako ng maluwag at nakangiting ibinababa ang mga kamay ko, sabi ko na nga ba si Carl ang magpapatigil dito. Pero natigilan ako nang ipagcross nito ang mga braso nito at nakangising pinag taasan ako ng kilay.

“You think ipagtatanggol ka ni Carl?”

“Bakit hindi?” balik tanong ko dito

“Remember dalawa kaming bwisit sayo ngayon?” nakangisi paring sabi nito at unti unti ko namang na realize yon.

Por jos por santo.

Napailing naman si Hilarie at nagpatuloy ulet sa pag lapit sa akin habang ako naman ay umikot papunta sa kabilang side ng kama niya kaya naman nalito si Hilarie at para kaming batang naglalaro ng patintero ang kaibahan nga lang nasa kwarto kami. Tatawa tawa ko naman itong pinagmasdan at patuloy na lang itong inasar.

“Akala mo kaya mo ha? Ni hindi mo nga ako mahabol HAHAHA” malokong sabi ko dito at nagpatuloy sa pag ikot ikot sa kama niya.

“What the?! Patay ka talaga sa akin pag nahabol kita!” sigaw na naman nito at binato ako ng unan niya pero nasalo ko lang kaya naman nginitian ko lang siya pero mukhang mas lalong nag init lang ang ulo nito. Dahil sa inis ni Hilarie sa akin umakyat na siya sa kama at pagapang na lumapit sa akin pero maaabot na niya dapat ako ng may isigaw ako.

“Yuck ano yan? Natagusan mo kama mo? Kadiri Hils parang di babae ha?” nakakunot ang noong sabi ko dito pero rinig sa boses ko ang pang aasar.

Natigilan naman si Hilarie at nakakunot ang noong napatingin sa kama kung nasaan siya ngayon, habang ako naman ay dahan dahang lumapit sa kama at tiningnan ito ng mabuti.

“Naks! Angas mo naman, pati tagos mo napaka arte. Biruin mo? Hindi lang basta tagos may korte pa, korteng kamay HAHAHA” nang aasar man iniisip ko rin kung papaanong nangyari yon at nasagot naman agad ang palaisipan na naisip ko nang itaas ni Hilarie ang palad niya sa harap naming dalawa habang nasa kama parin siya at napa upo na.

“Ah. Kaya naman pala sa kamay mo pala galing may sugat ka pala? Daming dugo ha? Akala ko nagmilagro regla mo eh, nag form ng kamay ng tumagos sa kama mo HAHAHA!” sabi ko dito at patuloy na tumawa, natigil lang ako sa pagtawa nang mula sa pagkaka upo sa kama bumagsak nang naka luhod si Hilarie sa gilid ng sahig ng kama niya habang nakakunot ang noo at takot na takot na nakatingin sa kamay nitong nababalutan na ang buong kamay ng dugo.

“Wenya! Shit! Ayos ka lang Hilarie?” nag aalalang sabi ko dito at lumuhod sa harap niya tsaka ko hinawakan ang palapulsuhan niya para tingnan ang sugat. Sa gitnang bahagi ng palad niya ay may maliit na sugat pero malalim ang pag kakahiwa at meron ding maliliit pero mababaw den na mga hiwa sa mga daliri. I think its because of the little accident happen earlier, muhkang bumagsak don ang kamay ni Hilarie at hindi niya naramdaman iyon.

Nag-umpisa ng manginig ang katawan ni Hilarie at nangingilid na rin ang luha sa mata nito na nagpataranta sa akin. Sa tarantang nararamdaman ko agad akong lumabas ng kwarto ni Hilarie para kumuha ng gamot at mag tawag na rin ng tulong dahil sa tingin ko ay di na kakayanin ng gamot ang panginginig na nangyayari ngayon kay Hilarie kaya naman dali dali akong tumakbo papunta sana kay manang Zenny pero nagka bungguan kami ni Carl.

Napahilamos na lang ako sa mukha ko ng balikan ko ang mga pangyayari at inis na napasabunot sa buhok, natigil lang ako sa ginagawa ng batukan ako ni Carl.

“Stop it, walang may gusto ng nangyari.” Masungit na sabi nito na halatang pinapagaan lang ang nararamdaman ko.

Sinandal ko na lang ang likod ko sa sandalan ng upuan at tumingala at nakapikit at tahimik paring sinisisi ang sarili ko.

I should’ve done something.
 

Carl POV

I shook my head slowly while staring at the stupid idiot continue blaming himself to the things that we all didn’t want to happen. Pero kahit ako, if I were in his position I would blame myself for what happen. Kahit nga ngayon na wala ako sa pinangyarihan na siyang kinaiinis ko dahil kung kailan kailangan ako tsaka ako nawala, hindi ko maiwasang sisihin din ang sarili ko, masyado kaming nagpadala sa saya at dumating sa puntong may napahamak na.

Alam naming pare pareho ang kalagayan ni Hilarie, she have a fear of blood to the point na nanginginig na siya at di niya na makontrol ang takot niya. Kaya naman alagang alaga yan nila tito and tita at pati na rin kami pero mukhang hindi namin nagampanan iyon ngayon.

Tito Henry and Tita Mina came home early with Dr. Ortado after heard what happened to their only daughter. Dr. Ortado is one of the best doctor not just here in the Philippines but also in other country, he’s the family doctor of the Agustin's. 

We are all here in the living room waiting for Dr. Ortado to finish what he needs to do to Hilarie in her room.

Sobrang tahimik ng buong salas na animong walang mga tao, na isa lang himala hanggat kasama mo si Daniel, dahil panigurado kung normal na araw to walang tigil na naman ang bibig nito. Kanina niya pa sinisisi ang sarili niya na kanina ko pa kinokontra pero paulet – ulet na lang kinakalabasan ng usapan namin kaya naman tinigilan ko na, nakakatamad lang mag salita wala rin namang patutunguhan.

“Juice muna kayo, Henry, Mina, Hijos uminom muna kayo.” Nakangiting anyaya ni manang Zenny that breaks the silence.

“Thank you manang, take a rest na po gabi na, kami na po ang bahala sa lahat.” Nakangiting sabi ni tita Mina kay manang habang kalmadong naka upo lang si tito Henry sa tabi nito.

“Osya sige Mina balitaan mo ako sa mangyayari sa alaga ko.” Nag aalalang sabi nito

“Opo manang.”

“Hijos wag na kayong mag alala ha? Mag ingat kayo pag uwi.” Pagbaling naman nito sa amin ni Daniel

“Opo manang, thank you.” Maikling sagot ko dito na nakapag panibago dito dahil madalas si Daniel ang sumasagot sa kanya pero tulala pa rin ang kaibigan ko hanggang ngayon. Napailing na lang si manang habang pinagmamasdan si Daniel, sa likod namin to dumaan at marahang hinaplos ang aming mga balikat, tanda ng pag papaalam.

Nanumbalik ang katahimikan ng buong living room nang maka alis si manang. I get one glass of orange juice and sip a little bit of it while continue observing the whole living room. Nabaling ang tingin ko kay Daniel ng itukod nito ang dalawang siko nito sa tuhod niya at muling inihilamos ang buong palad sa mukha, napailing na lang ako sa kakulitan nito. Ako man ay nag aalala rin pero walang magagawa kung patuloy ko lang sisisihin ang sarili ko at ituon ko ang sisi sa iba dahil hindi ko kayang gawin sa kaibigan ko iyon. Pare parehong mahalaga ang tingin namin kay Hilarie, pareho naming kaibigan iyon, pareho kaming nag aalala para sa kanya.

“Carl and Daniel, I think it would be good if both of you go hom—” naputol ang dapat na sasabihin ni tita Mina ng biglang tumayo si Daniel at nakatungong humarap sa mag asawa.

“I-I’m sorry tito! tita! It’s my fault po nakalimutan ko ang bagay na iyon kay Hilarie” damang dama ang pagsisisi sa boses nito, napangiti na lang ako sa ginawa nito at tumayo sa tabi nito at bahagyang tumungo din kila tito at tita.

“I’m at fault too, we are sorry for what happened.” Hinging paumanhin ko rin at nagulat na lang ako ng sikuhin ako ni Daniel.

“Anong ginagawa mo? You know its my fault. Ano to? All for one, one for all?” bulong pa kunyare nito pero rinig naman sa buong bahay.

“What? Stop with the drama, kabaklaan mo na naman.” Naiinis na sabi ko dito pero ang drama king nagpatuloy lang sa pag bulong kuno niya na hindi ko na lang pinansin.

“Anong what? Sinabi ko naman sayo ang nangyari, wala ka bang na gets ginulat ko siy---” walang prenong pagdaldal nito na natigil lang ng tawagin kami ni tita.

“Carl? Daniel? Stop it, no one is at fault, we are not blaming anyone hijo.” Nakangiting sabi ni tita Mina at tumayo at inakbayan kaming dalawa ni Daniel. “Pinapauwi ko kayo kase gabi na, siguradong nag aalala na sila Cindy and Iza, especially Cindy hahaha you know your mother Daniel.”

Nakataas ang isang kilay ko namang tiningnan si Daniel na napaka haba na ng nguso ngayon. Napabaling naman ang tingin namin kay Tito Henry ng tumayo rin ito at pumunta sa harap namin at bahagyang ngumiti.

“Your tita is right mga hijo walang may kasalanan. I know my daughter is always happy when she’s with both of you and I trust you both kaibigan niya kayo, accident is accident hijo.”

Naputol lang ang usapan namin nang makitang pababa na ng hagdan si Dr. Ortado. Kaya naman sinalubong na namin siya sa pangunguna nila tito at tita.

“She’s ok now, there is nothing to worry about.” Nakangiting sabi nito

“Thanks doc.” Sagot ni tito at hinintay ang susunod na sasabihin nito.

“We all know that since then its not just a simple fear of blood, Hilarie have a phobia called hemophobia which causes direct or vicarious trauma from her childhood. The seven year old Hilarie taumatized when she saw her grandma soaked with her own blood that caused of her death that leaves a big impact to Hilarie.” Dr. Ortado explained to us.

“Our baby can’t still get over with it.” Malungkot na sabi ni tita Mina habang yakap siya ni tito Henry.

Nakaramdam naman ako ng galit at unti unting sumara ang palad ko at nanggigigil na itinikom ang kamao ko, hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pag daanan yon ni Hilarie she's just a kid when that incident happen and I can’t forget that day where I first felt so much concerned and care towards her.

“It is common that she experience a racing heart, shaking, and gastrointestinal distress. Hemophobia can cause a wide range of difficulties that may prove life-limiting or even dangerous. If you are afraid of blood, you may be reluctant to seek medical treatment. You might postpone or avoid annual physicals and needed medical tests. She may refuse surgery that we are trying to avoid right now. She will continue the therapy to overcome her fear. Hemophobia responds very well to many treatment methods. One of the most common is cognitive-behavioral therapy which is she doing right now. She will learn to replace her fearful self-talk with healthier responses to the sight of blood.” Mahabang paliwanag ni Dr. Ortado.

“Just do anything for my daughter doc.” Sabi ni tito Henry na nakangiting tinanguan ng doctor.

“Habang dumadaan sa therapy si Hilarie we should avoid to happen a moment like this for her treatment to be fast, I think that's all. Hilarie is fine now I’m going to leave.”

“Thank you Dr. Ortado” pagpapasalamat ni Tita mina.

Hinatid naman nila tito at tita si Dr. Ortado sa sasakyan nito kaya naman nilingon ko si Daniel at tinapik ang balikat nito ng makitang sinisisi pa rin nito ang sarili.

“Daniel stop it, just call our parents dito na tayo matulog.” Tahimik naman nitong sinunod ang sinabi ko kaya napailing na lang ako.

Nang makabalik sila tito at tita kasama na nito ang isang driver nila at ihahatid na sana kami pero sinabi kong dito na lang muna kami matutulog at kami na ang magbabantay kay Hilarie dahil alam naman naming pagod din silang pareho dahil galing pa silang pareho sa trabaho. Hinayaan naman nila kami ni Daniel at sinabing tawagan na lang sila kung may kailangan.

Umakyat na kami sa taas ni Daniel at nauna na akong mag shower sa kanya sa kwartong pinag stayan namin kapag nandito kami may mga damit na rin kaming dalawa dito kaya naman nagbihis na ako ng cotton short at sweat shirt bago tinapik sa balikat si Daniel at pumasok naman ito sa cr. Nang matapos akong magbihis lumabas ako ng kwarto at tinungo kung nasaan ang kwarto ni Hilarie naabutan ko naman itong mahimbing na natutulog kaya naman umupo ako sa gilid ng kama niya.

I look at her face for the long time and my eyes unconsciously look at her wounded hand. I reached for her hand, hinawakan ko ito at dahan dahang hinawakan ang mga may band aid ng sugat niya. Napa buntong hininga na lang ako sa pag aalalang nararamdaman.

Habang hawak pa rin ang kamay niyang may sugat pinagmasdan ko ang mukha niya at itinabing sa may tenga niya ang ilang hibla ng buhok nito gamit ang libre kong kamay.

“You scared the shit out of me.”

Bulong ko dito at patuloy na hinaplos ang buhok nito habang patuloy na ginagawa ito bumigat na rin ang talukap ng mga mata ko at hindi sinasadyang makatulog ako.

Nagising na lang ako ng maramdamang gumagalaw ang kamay na hawak ko.

I slowly open my eyes and meet a pair of amber eyes.





************************************

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 28, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

This I Promise You ( on going )Where stories live. Discover now