Same time and place.
At ito nanaman ako nag aabang sa aking mahal. Habang naghihintay ako nakita kong papalit si kuya at karga niya si Baby Maxine. Si kuya ay isang bagito joke lang hehehe ang asawa niya nag tratrabaho sa ibang bansa kaya siya ang nag babantay sa baby.Ting! Bright Idea! Alam ko na! Make a moves nako.
"kuya!" sabi ko
"ano?" tanong niya
"di mo ba pababantayan si Maxine sa akin?" tanong ko sabay pisil pisil ni baby
"ahahah alams na!"naka tawang sabi ni kuya alam naman niya crush ko talaga si John minsan nga tutuksuhin niya ko gusto ko naman hahaha
"sige na bigay mo na sakin" at ayon pinasa na niya si maxine close naman kami ng batang toh hehehe at umalis na si kuya.karga ko naman si Maxine
"hello baby ikaw talaga lucky charm ko" tumawa at kiniss ko naman siya sa pisngi.
Tingin sa relo 5:15 na!
Ayos ayos habang karga ko si maxine!"Hi baby maxine" alam ko na sinong voice to kaya lumingon ako sabay ngiti at di ko akalain na sa pag lingon ko ay nag ka salubong ang mga mata namin parang nag slow-mo ang paligid habang papalapit ang mukha niya sa akin na parang isang abante nalang para mahalikan na niya ko at agad naman akong pumikit at naka nguso na para tikman ang matamis nyang halik
"uwaaaaahhhhhh papa uwaahhhhh" tengnaman nabalik ako sa sarili ko mula sa pag daydream dahil umiyak lang naman si Maxine aiisssh naman para akong tanga nito ehhh nakatayo pa siya sa harapan ko at tumawa siya na nakaka loko muling tumingin ni Maxine para pangitiin.
Para talaga kaming couple nito ang cute tingnan may baby pa hay sana mag ka totoo.
"Baby wag na iyak ha nandito na papa mo oh" at nandito na pala si kuya haissshh naman nahihiya nako tumingin sa kanya ano batong pinag gagawa ko. Kinuha na ni kuya si baby Maxine at siya naman nag ba bye na nung tumingin ako sa kanya sheemmms bakit siya naka ngiti sakin naman hindi nanaman ako makakatulog nito ehh.Lumipas ang araw na nag aabang ako parati sa kanya para na nga akong walang absent nito eh hehehe at kapag dumadaan siya ngumingiti na siya oops hindi sa akin kung hindi ang karibal ko na si Maxine hehehe buti nalang nandito tong baby na to at ang kuya ko naman parang sumasanay na hahay buhay nga naman.
At alam kung curious kayo kung ano ang inaabalahan ko sa buhay bukod sa isa akong mabait na nag aabang sa crush ehh ako ay isang lang namang hamak na nagtatrabaho sa isang kompanya hehehe pero mag reresign na nga ako eh kasi mag aabroad ako para naman makatulong sa pamilya bait ko noh! At hinihintay ko lang na approvahan ang visa ko kasi tutulongan ako ng tiyahin ko sa Australia at minsan lang naman ang oppurtunity kaya ano pang hinihintay ko! pero masakit lang isipin na kapag once ma approve na eh kyaahh ayokong isipin na iiyak ako. kaya nga sabi nila seize the moment kaya yun ang gagawin ko.
BINABASA MO ANG
Crush
Novela JuvenilHi! My First Story! Gel ang babaeng matagal nang may crush kay John. Ang paghanga mauuwi ba sa isang pag iibigan? Kyaahhhh I hope you like it guys! Ang sakit naman sa puso