NEW YEAR: UNFOLD A SECRET

87 2 2
                                    

DECEMBER 31, 2012

11:30 PM

"Leona, magbihis ka muna ng maganda. Wag ka munang lumabas!" 

sabi sa akin ng kapatid ko pagkalabas ko ng kwarto. Nasa bahay lang naman ako.

Ba't magbibihis pa ng maganda? Ito talagang si Ate.

"Mamaya na Ate Cheska. Lalabas muna ako, puntahan ko muna si bestpren." Sure ako, mag-isa lang 'yun ngayong bagong taon. Umuupa lang kasi siya ng room sa katabing bahay namin. Kawawa naman, love ko pa naman 'yun. ^_^

Binuksan ko na ang gate.

'waa! Andami nang nagpapaputok! Katakot!

Tinakpan ko na lang ang tenga ko. Baka ending nito, bingi na ako. Worst, mawalan ako ng parte ng katawan. JuskoLord, wag naman sana mangyari!

step, IWAS: may paputok, step, takip ng tenga, STOP! 

Naku naman oh! Di ba pwedeng mag-ceasefire muna? Dadaan lang ako!

Hindi pa po ako nakakalayo sa bahay namin. (*_*)

Pa'no ba toh? Nakakainis! Sino ba 'tong mga taong toh?

Sigawan ko nga, "Kuya! Dadaan lang po! Teka lang!" Aba! At tinapon pa ang isang piccolo!

'waaaaaa....

Hindi yata talaga ako marinig sa sobrang ingay.

 "Kuyaaaaaaa!!!" Ayaw talaga! >.<

I give up. Hindi ko carry ang mga bombs!

Tatawagan ko na lang siguro si bestpren para siya na lang ang pumunta sa bahay! :D

step backwards: 1, 2, 3..

'uwaaaaaaaaaa...

Natapilok ako. Ang gandang salubong para bagong taon!  Araynaku naman!

But wait,

I'm still blessed. Oh yeah!

May nakasalo sa 'kin sa likud. ROMANTIC! :D

Pero impaktong taong toh. Takpan ba naman ang mga mata ko.

Nakikiliti ako. Ang right hand nya, nasa may bewang ko. 

Teka lang naman!

Naramdaman 'ko na lang na nilapit nya ang bibig nya sa tenga ko.

Nagsalita siya sa napaka-soft na voice, "Bestpren!"

(O.O) Natigilan naman ako dun. Kukunin ko na sana ang mga kamay n'ya!

Jinojoke nanaman ako ng isang toh!

"Leona," wait, first time nya yatang sabihin ang pangalan ko. "Bestpren", yan kasi ang tawagan namin sa isa't-isa. Kainis! Ang hilig talagang magbiro ng isang toh! Kaya tuloy, minsan, minsan lang huh. Nahuhulog na ako.

Kinuha nya na yung kamay nya sa mata ko. 

"Bestpren, ayan ka na naman eh. Jinojoke time mo na naman ako. Kainis ka!"

Nag-smile lang siya. Tapos nakita ko na lang sila Mama, Papa at  Ate na nasa may gate na namin. Malapit na kasing mag-alas dose.

11:52 PM

"Leona, sorry sa gagawin ko," sabi nya. Pero hindi ko siya pinatapos.

"Huh? Bakit? Ano bang gagawin mo? Prank na naman yan? Kainis ka na huh! Kung di lang kita mahal eh.." Oops! >.< PATAY! Binawi ko naman agad, "as bestpren, nagtampu na ako sayo." 

"Teka lang Leona. Patapusin mo muna ako. Kinakabahan na nga ang tao eh."

Napapansin ko nga. Pinapawisan siya kahit ang lamig ng panahon. Ano ba kasing mangyayari?

"Leona, mahal kita! Higit pa sa kaibigan." 

Natigilan naman ako 'dun. Tama ba ang narinig ko? Oh, guni-guni ko lang?

"Leona, MAHAL KITA!" Aba! Pinagsigawan pa niya. Naghiyawan naman ang lahat ng mga tao.

Hindi pa ako bingi, I heared it right.

"Ma..ma..mahal din kita." Ano bang klaseng sagot ang sinabi ko. Meygash! Kinikilig ako.

Mas lalo pa silang naghiyawan. Full support ang mga kalahi ko. At, at, 'waaaaaa!

Nandito rin pala ang mga parents ni Andrei.

Andrei. Yan ang pangalan ng bestpren ko. Future ko rin na, ano, yung, alam nyo na 'yun! :D

Kilala ko ang mga parents nya kasi pinakilala nya ako dito via Skype. Oh hah? :D

Bigla naman akong niyakap ni Andrei ng pagkahigpit! Di ako makahinga. Teka lang!

At binulong nya sa tenga ko,

"I really love you Leona. Thank God, finally, I had the courage to say it. Matagal na and I want your family and my family to witness all of this. That's why they're here."

Kumalas ako sa pagkakayakap nya.

"You mean, nandito ang parents mo for this?" Hindi ako makapaniwala. Ang haba ng hair ko. Sa pagkakaalam ko, nasa New Jersey nakitira ang mga parents nya. And they're here sa Philippines for this. Hihimatayin ako. Tulong!

Walang akong masabi kundi, "I love you too Andrei."

"I hope you will like my surprise."

May surprise siya? Ano yun?

Nagsimula nang mag-countdown ang lahat. Mag-aalas dose na!

10, 9, 8,

Tumingin ang lahat sa kalangitan.

7,

6,

5,

4,

3,

2,

1.

Nakita ko na lang ang mga nagniningning na fireworks.

Naiyak na lang ako.

Aside from, takot ako sa paputok,

nakasulat dun sa fireworks na yun ang mga katagang,

MAHAL KITA.

WILL YOU MARRY ME?

Agad agad naman yata? :D

Pero alam nyo ba ang naging sagot ko?

Aba'y isang malakas na "Oo!"

6 YEARS of friendship.

6 YEARS of keeping this secret.

But It's time for this secret to unfold.

Hep! Hep! Hep!

Pwede bang magtapos ang isang story without this?

Isang matamis  na KISS.

-- THE END --

NEW YEAR: UNFOLD A SECRETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon