Patakbong tinungo niya ang papasara na sanang elevator.
" Wait!" malakas na sigaw niya para mapindot ng kung sinumang nasa loob nu'n ang elevator para huwag munang sumara.
Mabuti na lang at iisa lang ang sakay ng elevator. Hindi na niya tiningnan ang lalaki at agad nang pumasok.
Pinipigilan niya lang na huwag magbuga ng masamang hangin sa loob. Masakit na masakit ang tiyan niya. Nagkataon pa talagang Out of Order ang C.R sa floor na iyon kaya't kailangan pa niyang umakyat sa seventh floor.
Nagmamadaling tumakbo na siya palabas nang bumukas ang elevator at dumiretso sa loob ng C.R. Agad na umupo siya sa toilet bowl.
Prrrrttt! Prrrttt!
Napapikit pa siya sa ginhawang dulot ng paghahasik niya ng lagim sa C.R
Anlakas ng tunog ng paglabas ng mga hangin sa tiyan niya. Ambaho pa talaga na kahit siya ay napapatakip sa sariling ilong."What the! What kind of smell is that?!"
Bigla siyang napadilat dahil boses ng lalaki ang narinig niya.
" Hoy! Umalis ka sa C.R ng mga babae, manyak!" malakas na sigaw niya kahit nasa loob pa ng cubicle.
" Mind you, Miss! No one will attempt to rape you or kahit silipan ka man lang dahil tiyak mahihimatay na sa amoy. What have you eaten for God's sake?!" sagot naman ng lalaki sa labas.
Bigla siyang namula sa narinig pero hindi pa rin siya papaawat.
" Ganu'n pala, ha? Wait ka lang diyan," nagbabanta pa ang boses niya.
Mabilis na kukuha na sana siya ng tissue nang mapansing walang lamang tissue ang lalagyan.
Oh No! Shit!
" I can't stay here forever, Miss. I'm having a hard time breathing already," sagot nito.
Narinig pa niya ang yabag nitong papaalis na sana.
" Wait!"
Tumigil naman ito.
" P-pwedeng bigyan mo muna ako ng tissue? Naubusan kasi dito," nahihiya man ay wala siyang choice.
Wala siyang narinig na sagot pero hindi rin naman ito kumikilos. Maya-maya pa ay naririnig niya ang paghakbang nito papunta sa kanya. Tumigil ito saglit. Kumuha siguro ng tissue sa isang cubicle. Nang mapatapat ito sa kanya ay nakita niya ang suot na sapatos nito. Tinandaan niya iyon para makilala niya ang lalaki sakaling aalis na nga ito nang tuluyan.
" Here," nakita niya ang tissue na inabot nito sa itaas ng pinto ng cubicle.
Mabilis na kinuha niya iyon.
" Salamat," sagot niya.
Maya-maya ay humakbang na nga uli ito papalayo.
" By the way, hindi ka pa rin abswelto sa kasalanan mo. Humanda ka talaga paglabas ko!" sigaw niya uli bago ito makalabas.
Narinig pa niya nang tumawa lang ito saka umalis na nga.
Nagmamadaling nilinisan na niya ang sarili saka lumabas at naghugas ng kamay. Tiningnan niya ang oras.
Patay! Late na siya sa meeting. Ipapakilala pa naman ng boss nila ang anak nitong galing States at ayaw na ayaw daw nito ang may nali-late. Mabibilis ang mga hakbang na lumabas siya pero bago pa siya makaalis nang tuluyan ay napatingin siya uli sa pinto ng C.R.
Shit! Male ang nakalagay na sign du'n!
Naiiling na napalakad-takbo na lang uli siya para bumaba sa sixth floor. Ten minutes late na siya.
Huminga pa muna siya nang malalim nang nasa harap na ng conference room. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at nakita nga niya ang matandang boss nila sa harap at may isang lalaki ding nakatagilid ang nasa tabi nito.
Pumasok siya at iniiwasang lumikha ng ingay pero biglang tinawag siya ng kasamahan sa trabaho.
" Sierra, may tissue na nakadikit sa sapatos mo," mahinang sabi nito at ininguso pa ang sapatos niya.
Nakita niya ang mahabang tissue na nasa takong ng sapatos niya. Agad na yumuko siya para alisin iyon.
" Miss Cortez!" nagulat pa siya sa malakas na pagtawag ni Mr. Cervantez, ang boss nila.
" Ay, anak ng kambing!" gulat na napasigaw din siya at umayos na nang tayo.
" Come here. Ikaw na lang ang hindi ko pa naipakilala sa anak ko," utos nito.
Mabilis na pumunta siya sa harap. Bale mga sampung tao ang nandoon lahat sa room at nakatingin sa kanya.
" This is Ezekiel Cervantes, my son. Siya na ang magiging boss ninyo magmula ngayon. Son, this is Miss Sierra Cortez, head of the production team," pakilala ng matanda sa kanila.
Awtomatikong ngumiti siya at inbot ang kamay. Saka lang niya napansin na hawak-hawak pa rin niya ang tissue na inalis sa sapatos. Napapahiyang ibinulsa niya agad iyon.
" So, you're that girl with the sweet scent. Nice to finally see the face behind that... smell," saka inabot ang kamay sa kanya.
Saka lang siya napatingin sa mukha nito. Kung sa ibang pagkakataon lang siguro ay napapatulala na siya sa kagwapuhan nito. Nakita niya ang parang nanunudyong mukha nitong titig na titig sa kanya. Napatingin siya sa sapatos nito.
Siya nga! Gusto na niyang lumubog sa kinatatayuan!
Mula nga nang araw na iyon ay sa lalaki na siya nagri-report. Hindi niya kailanman binuksan ang topic tungkol sa nangyari sa C.R.
Limang buwan na mula nang ito ang namamahala sa kompanya ng ama nito. So far, okay naman ito bilang bagong boss nila. Isa pa, hindi rin nito binabanggit ang tungkol sa unang encounter nila na ipinagpasalamat niya.
Nasa loob sila ng elevator at papauwi na sana mula sa pag-oovertime. Hindi niya maiwasang maalala ang unang tagpo nila dahil alam niyang ito rin ang lalaking nakasabay niya sa elevator noon.
" I know what you're thinking," biglang sabi nito.
Silang dalawa lang ang sakay ng elevator.
" Huh?" painosenteng sagot niya.
Nagulat na lang siya nang bigla itong bumaling sa kanya at kinorner siya sa loob ng elevator.
" I can't believe this elevator will be our most unforgettable place," mahinang sabi nito na malapit na ang mukha sa kanya.
Nagtatanong ang mga mata niya.
" This is where I first saw the love of my life. This will also be the place where we would share our first kiss," pagkatapos ay agad na hinalikan siya nito sa mga labi.
Kusa na siyang pumikit nang maramdaman ang mainit na mga labi nito. Masuyo ang padampi-dampi na halik nito sa kanya. Nang pinagsalikop niya ang mga kamay sa leeg nito ay hinapit na rin siya ng lalaki sa beywang saka nilaliman ang paghalik sa kanya.
Kung hindi pa bumukas ang elevator ay hindi pa sana nito ilalayo ang mukha sa kanya. Nakangiting tinitigan nito ang mukha niya. Kinuha nito ang isa niyang kamay saka sabay silang lumabas ng elevator.
Lumabas sila ng elevator na parehong may mga ngiti sa mga labi. Pagkalipas nga lamang ng ilang buwan ay siya na si Mrs. Sierra Cervantes.
THE END