CHAPTER I
Hi! Ako nga pala si Catherine Cruz, 19 years old from Marikina City! Dito kami nakatira sa squatter’s Area dahil palipat-lipat kami ng bahay ni Nanay Hilda. Wala kasi talaga kaming permanente na bahay. Kinabubuhay namin ay ang pagtitinda ng basahan at dyaryo sa kalye. Kahit maliit lang ang kita ay mahalaga hindi kami nagugutom at nagnanakaw. Pero, sa ngayon ay ako na lang muna ang nagtitinda dahil matanda na si Nanay tsaka tulong ko na rin yun kay Nanay hilda sa pagpapalaki nya sa akin kahit na hindi nya ako tunay na anak. Yup! Nalaman ko lang nitong taon na ito. Nakita lang daw ako ni nanay na pakalat-kalat sa kalye, naawa sa akin si nanay gawa madami daw akong sugat noon. Tsaka dahil sa wala akong maalala ay inampon nya na ako.
Hindi ko alam kung bakit hindi ako nagtampo kay nanay na nalaman ko na hindi nya ako tunay na anak, di ba ganun naman sa mga teleserye? Haha.
“Anak? Bakit hindi ka pa natutulog? May gumugulo ba sa isip mo ngayon?Pwede mong sabihan sa Nanay kung may problema ka”. Hindi ko namalayan na nagising na pala si Nanay.
“Wala naman po inay. Wag nyo po ako iiwan ha?”. Sabay yakap kay Nanay ng mahigpit. Hoy! Hindi ako nanlalambing ha!
“Ito naman anak kong si britney. Nag-drama na naman. Hindi-hinding ka iiwan ni Nanay kahit na anong mangyari”.Sophia? Bakit ba laging Sophia ang tawag sa akin ni Nanay? May anak ba sya dati na Sophia ang pangalan?
“Nay sino pong Sophia?”Agad naman umiwas ng tingin si Nanay Hilda. May tinatago ba sya sa akin? Argh!Bakit ba parang ang sama ko, hindi dapat ako nagtatanung ng kung ano-ano kay nanay. Hihingi na sana ako ng kapatawaran ng bigla syang nagsalita.
“Anak… sana mapatawad mo si nanay pagdating ng tamang panahon” Hindi ako agad nakapagsalita sa sinabi ni nanay hilda. Ibig sabihin may hindi sya sinasabi talaga sa akin? Ano naman kasalanan na ginawa sa akin ni Nanay? Makakaya ko ba syang patawadin sa panahon na sinabi nya yun?
“Nanay, kahit malaki man ang nagawa nyo sa akin kasalanan. Always remember, mahal na mahal kita. At alam ko na ginawa mo lang yun para sa kabutihan ko. Matulog na po tayo madami pa po ako dapat mabenta na basahan bukas”. I kissed her and hugged before going to bed para hindi na sya mag-isip pa. But, before I close my eyes naisip ko.
Buhay pa kaya ang mga magulang ko? Hinahanap kaya nila ako? Sino nga ba talaga ako? I touched my necklace tightly before going to sleep.