Chapter 21

14 0 0
                                    

Chapter 21

Kinabukasan...

Naibenta ko na ang lahat ng bakal, plastic, at bote na nakita ko sa aming bahay at sa gilid ng kalsada.

(Reader: Dude... You mean to say na namulot ka pa ng kalakal sa gilid ng kalsada all the way to the junk shop...?)

Sa kinasamaang palad, ang perang kinita ko mula rito ay sapat lang na pamasahe papuntang school.

Hindi ito ganoon kalaki...

Wala pa rin akong pambili ng pagkain sa canteen o ng ballpen para sa school...

(Author: Where's your pride pare?! Where's your dignity?! Bagong taon na! MAGBAGONG BUHAY KA NAMAN TOL!!!)

HA! Kainis na buhay iyan! Wala ng pride-pride! Wala ng dignity! Manghihiram na lang ako ng ballpen! Mamumulot na lang ako ng panulat!

(Reader: Great... Tapos nagtataka ka kung bakit walang magkagustong babae sa iyo. TUMINGIN KA KAYA SA SALAMIN!!! TUMINGIN KA KAYA SA SARILI MO!!! MALALAMAN MO ANG SAGOT!!!)

(Author: Dude, it's futile pare. Ang kanyang mga mata'y nababalot na ng kadiliman. Ang ating bida'y bulag sa katotohanan!!!)

(Reader: CHE!!! Sa tingin mo, sino kaya ang may kasalanan kung bakit siya nagkaganoon?!)

(Author: Oh I really do wonder. : D)

On the bright side, at least, nakarating pa rin ako sa school. Naglalakad na ako ngayon papunta sa aming classroom. Wala man akong pambili ng pagkain, may baon naman akong delata at kanin. Sa tingin ko, kahit maraming kamalasan ang nangyayari sa akin, ayos pa rin ang lahat! : )

(Author: You brought that to yourself mate! : D)

(Reader: What you are today is the result of what you have done yesterday!)

Uy ballpen! Lucky!

(Author: Oh the last of your luck has just run out, Nelly. He He He He He : D)

Ayos! I'm ready for my class! SO BRING IT ON!!!

Binuksan ko ang pinto ng aming classroom at pumasok sa loob.

At doon, sa tabi ng aking upuan, ay nakita ko siya...

Isang maputing babae, na may dilaw na maiksing buhok at nakasalamin na asul na mga mata...

Biglang bumilis ang aking heartbeat. Parang namula at nainitan din ako ng bahagya. Parang bigla naging mahiyain sa harap niya kahit hindi naman niya ako nakikita.

Kahit hindi siya nakaharap sa akin.

Kahit maraming kaklase ang nakapalibot sa kanya.

Hindi ko alam... Hindi ko rin maintindihan kung bakit bigla akong nakaramdam ng ganito. Pero mabilis kong kinalimutan ang lahat ng ito at hindi na binigyan pa ng pansin. Nagpatuloy ako sa paglalakad at dumiretso patungo sa aking upuan. Nilagay ko ang aking bag sa gilid nito at umupo.

Hindi na ako lumingon.

Hindi na ako tumingin pang muli.

Nagtalumbaba na lang ako at pinagmasdan ang mga lumulutang na ulap sa labas ng klarong bintana.

... Sino... kaya siya...?

... Ang cute niya...

(Even if the mind rejects, and tries to forget the truth of love,

The heart will always be vulnerable, and will always fall in its power.

Nothing can escape from its grasp.

And then, as time pass by, the mind will follow too.

-Anonymous)

(Reader: Aba... May nalalaman ka pang ganyan ha.)

(Author. Syempre. Kailangan ng magkaroon ng readers eh. : D)

Beautiful Innocence - Isang NobelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon