WLL 1

35 2 0
                                    

6 years later..

JASMINE

"Ryzen, let's eat." pagtawag ko sa aming anak na inaayos ang bag sa sala.

"Mom, did you saw my science book?" tanong niya habang naglalakad palapit sa akin.

"Nasa room mo. Sige na, ako na ang kukuha. Maupo ka na dito. I'll call Dad first."

"Thanks Mom." nakangiting sabi niya at hinalikan ako sa pisngi. Bahagya din siyang yumuko at hinalikan din ang tiyan kong akala mo ay puputok na dahil sa sobrang laki. "Hi little sis."

Ryzen grew taller now. Kahit eleven years old pa lang ay masasabi mong matangkad siya para sa kaniyang edad and I am eight months pregnant too. Magkakaroon na ng kapatid si Ryzen na matagal na niyang hinihiling. Pagpasok ko sa aming kwarto ay nakita ko si Dylan na nagbibihis pa lang.

"Honey, kakain na tayo." lumapit ako sa kaniya at tinulungan siyang ibutones ang kaniyang uniporme. "Bilisan mo na. Ryzen, is already waiting."

Ngumiti siya at hinalikan ako sa labi. Nauna ng bumaba si Dylan at dumiretso naman ako sa kwarto ni Ryzen para kunin ang librong hinahanap niya. Nang makuha iyon ay bumaba din naman ako kaagad para sabay sabay kaming makapag almusal.

"Dad, pwede ba nating daanan si Ashley?" dinig kong tanong ni Ryzen.

"Ashley? Your crush?" pang aasar ni Dylan.

"Dad!" natawa na lang ako dahil sa pagprotesta ni Ryzen.

Naupo na ako at tinignan siya na may pang aasar.

"Why? Pumoporma ka na ba kay Ashley?" pang aasar ko.

"Pati ikaw, Mom? I told you she's the one who have a crush on me."

"Eh bakit ikaw ang susundo?" tanong ni Dylan na ikinatahimik ni Ryzen.

"I'm just being kind." rason niya na ikinatawa namin.

"Bye Mom!" nginitian ko si Ryzen at hinalikan siya sa pisngi.

"Ingat ka anak. Wag magpasaway sa school ah."

"Yes Mom." nakangiting sagot niya at nauna ng sumakay sa sasakyan ni Dylan.

"Just stay here, okay? Wag ka ng lalabas. Call me if you need me." bilin ni Dylan at hinalikan ako.

"Okay. Ingat ka." nakangiting sabi ko.

Yumuko siya at hinaplos ang aking tiyan.

"Aalis muna si Daddy baby. See you later." sabi niya bago halikan ang aking tiyan.

Noong makaalis sila ay pumasok na din ako sa loob. Ate Wilma, our kasambahay is still in the market kaya mag isa lang ako dito.

Dylan is still a police officer. Noong magpakasal kami ay gusto na sana niyang magresign but I stopped him. Alam ko naman na talagang gusto niya ang kaniyang trabaho.

Habang inilalagay ko ang mga pinagkainan namin sa lababo ay napangiti ako ng may maalala.

Two months after naming ikasal ni Dylan ay nalaman kong pwede naman palang mag ampon kahit dalaga ka at walang asawa.

"You told me na hindi pwede." natatawang sabi ko na lang kay Dylan.

"And I'm glad na wala ka talagang idea. I just don't want to let you go kaya yun ang ginamit kong dahilan para mapakasalan ka."

That guy.. napangiti ako at mahinang natawa. Sa tuwing maaalala ko iyon ay hindi ko mapigilan ang sariling hindi kiligin.

Paggising ko ay alas sais na pala ng gabi. Nag unat ako at bumangon para tignan kung nakauwi na ba si Ryzen. Naabutan ko siya sa kaniyang silid habang may binabasang libro. Napangiti ako at tahimik siyang pinanood. Hindi ako nanghinayang na ampunin si Ryzen dahil bukod sa napakabait niya ay sobra pa niyang malambing at makikitaan mo na ng pagsisikap sa buhay. I know that he sometimes wanted to ask a question about his parents pero pinipigilan niya ang kaniyang sarili maybe because he thinks that I'll get hurt. Well, masasaktan nga ako pero hindi ko naman ipagdadamot sa kaniya ang katotohanan tungkol sa pagkatao niya. After all he deserves to know it.

Napaayos ako ng tayo noong mapansin na niya ako. Ngumiti ako at kinawayan siya.

"Hi Mom!" nakangiting bati niya at tumayo para yakapin ako. "Hindi na po kita ginising kanina dahil mahimbing ang tulog mo."

"How's school?" tanong ko habang hinahaplos ang kaniyang buhok.

"It's okay. By the way Mom, pupunta po ako bukas sa St. Claire. I'm one of the school representatives for quiz bee."

"Really?" gulat pero masaya kong tanong. "Wow. Congratulations anak. I'm so proud of you." masayang sabi ko at niyakap siya. "For sure matutuwa din si Daddy mo."

"Thanks Mom. I'll do my best para mas maging proud pa kayo ni Dad sa akin." parang hinaplos ang aking puso ng marinig ang mga salitang yun.

Hinawakan ko ang kaniyang magkabilang pisngi at nginitian siya.

"Don't pressure yourself too much, anak. Dad and I are already proud of you. Wala kang kailangang patunayan sa amin. Just stay healthy and be happy, okay na kami doon."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 02, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When Love LastsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon