Chapter Three-expect the unexpected

2 0 0
                                    

One week ng nakakalipas simula ng magpasukan at ang masasabi ko lang tambak agad ang assignment,pasulat doon, pasulat dito ang kung ano ano pa. Nag announce kasi si ma'am nung friday na baka may ilipat ngayong monday sa section wisdom kasi nga masyado kaming madami medyo kinabahan nga ako nun kasi baka isa ako sa mapili nag eenjoy pa naman na ko dito ayoko na lumipat ng section...
Ang gugulo ng mga classmate ko sabi na paglipas lang ng one week maglalabasan na ugali ng mga to.

ANDYAN NA SI MA'AM BILIS BILIS AYUSIN NYO NA YUNG UPUAN ANDYAN NA!!!!!-cm1

See? ang gugulo na diba!!

Good morning class! sa lahat ng mababanggit ko na pangalan please stand up! ok?

Eto na sinasabi ko magtatawag na ng ililipat. Sana di ako kasama🙏

So sa lahat ng matatawag ko kayo ang napili ko ilipat sa section wisdom ok!

Lilibeth
Clara
Jane
Marie
Pearl
Rose anne
Jenny
Bea
Crizel
Alexa

Wait!!! kasama pangalan ko? kakasabi ko lang kanina ayoko malipat eh😭
Di ko alam kung nag dilang angel ako o ano eh😭

Ok! kayong sampo ang napili ko ilipat sa wisdom since masyado nga madami ang babae dito. Pero wag kayo malungkot kasi di yan nakabase sa grades matataas naman talaga grades nyo deserve nyo naman na dito kayo, kaso lang talaga sobrang dami nyo dito. Mababait naman ang nasa section wisdom wag kayo mag alala.-ma'am

Ngayon pa lang naluluha na ko wala ko idea sa section na yun since di naman ako umaakyat sa taas andun kasi yung mga pinaka bully na mga studyante😭
Habang paakyat kami sa second flr nagbubulungan kaming sampo di lang pala ako yung naiiyak na dito lahat pala kami.

Pagtapat namin sa pintuan nila, ayun na halos lahat ng nasa loob nakatingin samin. Ang teacher nila ngayon si sir Iradiel huminto si sir sa pagdidiscuss at kinausap si ma'am corpuz.

Maya maya humarap samin si ma'am ok class paka bait kayo kay sir iradiel sya ang adviser ng wisdom. Sige na pumasok na kayo para maka abot kayo sa discussion nila..ma'am

Gaya nga ng sabi ni ma'am pumasok na kami at naghanap ng mauupuan. Habang naghahanap kami ng mauupuan may nakita kami ni crizel sa likod na bakante tatlo nagtataka kami bat sa isang row na yun isa lang tao. nung pag lapit namin alam ko na kung bakit wala sya katabi since yun na lang pwede upuan no choice kami kundi doon upo pero nagtulakan pa talaga kami ni crizel kung sino tatabi bigla lumingon samin yung babae at sinabi samin

Kung ayaw nyo ko katabi di wag arte arte nyo naman kala nyo kung sino kayo.-babae
Nabigla kami ni crizel sa pagsalita nya kaya napaupo kami bigla grabe ang sungit nya..
Bali ang ayos ng upo namin
Ako,crizel,vancant,tapos yung babae
Since bago nga lang kami sa iba doon nagpakilala ulit kami at ang malupit sa harap pa talaga nakakahiya😫 lakas din ng trip neto ni sir eh samantalang teacher din naman namin sya dun sa obedient sa english.🙄🤦‍♀️

Parang nung last week sobrang excited pa ko pumasok at alamin section ko ngayon na iba na naman nanlumo ako bigla pano ko kaya to sasabihin kay mama na nalipat ako😫 sabihin na naman nun di ka kasi siguro nag aaral ganern puro sermon na naman ako neto mamaya pag uwi ko🥺

Natapos ang maghapon na wala ako kinibo miski may nakikilala ako sobrang sama ng pakiramdam ko na to the point parang ayoko na pumasok. Umuwi na lang kami ni crizel na di kumikibo sa isa't isa siguro sya rin nalulungkot.

Pagdating ko sa bahay medyo humanap muna ako ng tyempo na sabihin kay mama kasi mamaya makurot ako eh!! nagbihis muna ako at nagwalis walis. Nung umakyat na si mama sa bahay inantay ko muna umupo hehe bago ko sabihin.

Ma! diba nabanggit ko sayo nung friday na baka may malipat sa section namin sa ibang section?-ako medyo kinakabahan pa

Oh! ano naman ngayon wag mo sabihin na isa ka sa nalipat-mama

Huhuhu pano ko ba to sasabihin putek kinakabahan ako!

Ano kasi ma opo kasama ako sa nalipat pero sinabi naman ng adviser namin di dw yun dahil sa grades or performance namin. Sadyang namili lang sila ng malilipat para mabawasan kami-ako

Yan na nga sinasabi ko sayo eh bakit ka pumayag? dapat nagreklamo ka na ayaw mo magpalipat di mo ata kasi pinaliwanag sarili. O baka naman puro ka bulakbol din ay naku alexa makakatikim ka talaga sakin-mama

Hindi nga po ganun yun. Nag aaral naman po ako ng mabuti-ako

Ayusin mo lang alexa ang tatay mo nagpapakapagod magtrabaho para makapag aral kayo kaya wag mo abusuhin.-mama

Opo mama.
Hoooo! kinabahan ako dun ah! akala ko talaga makukurot na ko eh. Bukas start na naman ako ng pakikisalamuha sa mga classmate ko. Sana di sila masyado masusungit.

Kinabukasan!!!

Ang bagal ko kumilos parang nawalan ako ng gana pumasok!! pagdating ko sa gate malapit na pala isara patay! sobrang lutang ko pala talaga ngayon.

Pagdating ko dun ang ingay ingay na naupo na lang ako at nanahimik nagmamasid lang. Wala pa si crizel? mukang pati sya tinamad din pumasok.

Pagdating nya sakto naman dating din ng teacher namin sa math.

Oyy babae buti naunahan mo si ma'am dumating loka ka bat ka ba nalate?-ako

Ano kasi tinamad ako kumilos nakurot pa ko kahapon ni mama kasi bat daw ako nalipat pa-sya

Naku miski ako kinabahan akala ko makakatikim ako ng kurot kay mama eh buti na lang hindi-ako

Nagturo ng nagturo na ang mga teacher dito ang kaibahan lang medyo advance kami ng kunti since nasa section 2 kami nung first week yung activity nila ngayon tapos na namin nung friday. Kaya gusto ko talaga sa higher section eh medyo advance eh.

Sa nakalipas na oras wala pa rin kami nakakausap na classmates namin ngayon bukod sa saming sampo na nilipat parang ilag sila samin or kami ang ilag ayy ewan siguro katagalan matatanggap na namin na dito na kami for whole school year.

A GIRL WITH A TRUST ISSUESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon