My Story 7

309 15 7
                                    

A/N:up above is the picture of joshua castro.

Anong gagawin ko? Tutuloy pa ba ako? Makakapagsalita pa ba ako? May masasabi pa ba ako?

Ilan lang yan sa mga katanungang gumugulo sa isapan ko.sya nga pala nandyan si Dianne kaya ako nagulat.

Habang nagsasalita ako ibinali ko na lang ang aking paningin sa ibang mga tao.tumingin ako kela patricia na nasa harapan ko at bigla nila akong inirapan habang ako dedma lang.

Nang natapos na akong magsalita agad namang nagpasalamat si Mr.Mah Pah Nyet sa amin at tinawag na ang partido nila patricia.

"I'm Patricia de Lapaz running for school council president"!!.

Tsk.Tsk. nakakainis gaya gaya.yan din ang sinabi ko.kaya lang mas marami syang supporters kaysa saakin.

Malay nyo binayaran lang ng tatay nya ang mga students and teachers na i-support si Patricia.

Pagtapos nya bumaba na sya ng stage.sa mga panahong yun naka pwesto ako sa hagdanan kung saan sya bababa.sabi nya

"Magsialis nga ang panget".

Saad ko naman in a gentleman way "ohh,Patricia alis  daw sabi ng sarili mo.ako hindi kasi cute ako".

Boom basag.

Muntik nya na akong sampalin pero pinigilan nya ang sarili nya at nagsalita.

"Ay naalala ko hindi pala ako humahawak sa madudumi". Sabay ngiti.

Hinawakan ko naman ang kamay nya at inilayo sa kanyang katawan at sinabing

"Oh Patricia wag mong hawakan sarili mo ha diba bawal ka sa madumi diba"? Ahahahahahaha emeged!

Hay natapos din ang pag-uusap naming dalawa ni Patriciararat.nagwalk out nalang ako para mas lalo syang mainis.nung papunta na ako sa likod narinig kong nagsalita si Mr. Mah Pah Nyet.

"The debate will be pauseponed for today dew to a slight problem.hoping for your consideration".

Bakit kaya? Siguro may nangyaring masama.ano ba yan naghanda pa ako.di bale na at least nabawasan ng konti ang kaba ko.

Sa Bahay...

Hayy pagod na pagod ako ewan ko ba kung bakit.ang aga kong umuwi

At para bang walang nangyari kanina.nagcomputer muna ako tapos nagfacebook.habang nagsoscroll ako nag-update si Dianne ng status.

Dianne: some people are waiting for nothing.but that nothing is something for those who make them wait.
(Tweet nyo yan.ako lang may gawa hahaha.I'm so amazing.) -author-

Nang nabasa ko yan bigla kong naisip na may dahilan lahat ng pandededma ni Dianne saakin.

Agad din naman akong nagstatus para kanyang makita dahil online din sya.

Joshua:It's ok to wait that long but waiting too long for nothing is not a duty for a human being like me.

Sana mabasa nya yan.

hindi ko naman to ginagawa para ipamukha ko sa kanya na naghintay ako sa wala.ginagawa ko to para malaman nya na tao rin ako.isang tao na mabilis masaktan.isang tao na naghintay sa wala. At isang taong naghihintay sakanya hanggang ngayon.

ano patutunayan ng paghihintay ko na may forever?

Pagkalipas ng ilang minuto ang daming naglike ng status ko.pero pagtingin ko ng 50 others liked this post... Oh diba daming likes famous kaya to.pero pagtingin ko sa pinaka ilalim nagulat ako kasi si Dianne nilike yung status ko.

Naisip nya kaya mga ginagawa niya sa akin? Naisip man lang ba nya na nasaktan nya ako? Oh baka naman wala lang para sa kanya?bahala na nga.tulog muna ako.

Pinatay ko na ang computer ko saka tumalon sa kama ko.

paggising ko napansin kong maliwanag na at tirik na tirik na ang araw.siguro umaga na?

Malamang umaga na alangan namang gabi may araw.sabi ng konsensya ko.

Sorry naman masama bang magtanong? Ahahaha.grabe ang konsensya ko kung maka ano sakin kala mo sya ang nabubuhay.

Naisip ko "may konsensya kaya si Dianne"?

Ano ba yan umagang umaga si Dianne ang iniisip ko.

Pagkababa ko nakita kong kausap ni mama si Dianne.yes you heard me right si Dianne.

Pagkakita ko sa kanya bigla akong nakaramdam ng hilo.biglang nanlambot ang katawan ko at nagdilim ang paningin at nahimatay.

ITUTULOY..

A Writer's storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon