Hindi ko alam kung paano ko nakayanan ang isang taon na wala ka sa aking tabi. Naglalakad ako dala ang napakaraming bulaklak“Magandang umaga Ma'am Darina” bati Ng security guard
“Magandang umaga po”
“Napaka aga mo po dumalaw Ma'am” nag aalinlangan na Sabi ni Kuya Iro Yung security guard
“Yun na lang po Yung magagawa” pilit Ang ngiting Saad ko “Mauna na po ako” ngumiti ako bilang paalam
Habang naglalakad ako Hindi ko maisip at Hindi ko maiwasang magtanong kung Bakit. Bakit Ganon kaaga? Bakit nung araw pa na yun? Bakit siya pa? Madaming mga tanong ang gumugulo sa isipan ko pero kahit isang sagot ay wala akong makita.
Lumapit ako kung nasaan siya at umupo sa katabing upuan.
“Kamusta ka na?”tanong ko pa “Mag iisang taon na pero hinihiling ko pa rin na Sana ay isang masamang panaginip lang ito” gumagaralgal na Ang boses ko “Gusto ko Ng magising kasi nahihirapan pa rin ako” duon na sunod-sunod pumatak ang mga luha ko at napayuko
“Hindi ko na kaya” pahina na pahina Ang boses na sambit ko “Isang taon na pero parang Hindi pa rin ayos ang lahat. Ayoko na.” pumipiyok na “Napakaselfish ko ba kung hihilingin Kong gumising ka kahit nahihirapan ka na. Makasarili na ba ako kung pipilitin kitang lumaban kahit Hindi mo na kaya?” Hindi ko na narinig Ang sarili Kong boses Ng Sabihin ko yun.
“Hija” ganon na lang Ang gulat ko ng may narinig akong tumawag sa akin
“Tita” nakayuko at umiiyak na Sabi ko
“Magiging ok rin siya” lumapit siya sa akin at hinimas Ang likod ko “Wag ka masyadong mag-alala isipin mo Ang kalagayan mo” dagdag niya pa
Tumigil ako sa pag-iyak at niyakap si Tita Ng narinig siyang humikbi
“Namimiss ko na rin ang anak ko” nakangiti man ay Kita ko ang pagtulo Ng luha sa kaniyang mata “Siguro nga masyado lang siyang napagod sa loob ng bente unong taon” natawa pang sabi niya.
Inalalayan ko siyang umupo sa upuan ko kanina at binigyan ng tubig
“Alam Kong magiging maayos din Ang lahat” Sabi niya at nangiti naman ako