Chapter 2

2 0 0
                                    


Darina's Pov

“Oh Rina umupo ka na dito Ng maayusan ka na” si Ate Shelle

Kumuha muna ako Ng libro bago umupo dahil naiwan ko Yung cellphone ko sa taas.

“Hala, Bakit namatay Yung bida” namatay kasi Yung bida dun sa story eh kaya tumigil na lang ako

Make-up ko ang unang ginawa. Nude lipstick lang,light pink blush and gilded nude eyeshadow.

“Di pa tapos Yan Shelle?” dumating si Mama

“Aayusin ko pa Yung buhok niya”

“Ah sige” lumapit sa akin si Mama at binigay Ang cellphone ko “Naiwan mo sa taas may tumatawag kanina” kinuha ko yun at tinignan

“Thank you ma” sabi ko habang nakatingin sa cellphone

“Bubble braid na lang yung gawin mo” bilin ni mama kay Ate Shelle

Habang binoblower ang buhok ko ay binuksan ko ang cellphone ko. Chineck ko kung sino yung tumawag. Nakita Kong si Rhaen, friend ko kaya tinawagan ko

“Hello Gaga ka” ang ingay na bunganga nito

“Bakit napatawag ka” maayos na tanong ko

“Ikaw kaya Yung tumawag”

“Kanina! Bakit napatawag ka kanina?”

“Ah punta kami Diyan sa Bahay niyo” di ko alam kung humihingi ba siya Ng permiso o balak niya na talaga

“Magpapaalam ako Kay Mama” seryosong Sabi ko “May Reunion kasi dito sa bahay”

“Ay dadaan na lang kami”

“Sinong mga kasama mo?” mataray na tanong ko

“Si Reasha, Louise at Llouie”

“Bakit kasama si Llouie?” ayun Yung lalaking sinasabi ni Kuya na kasama ko

“Syempre kasama si Louise eh” unidentical twins silang dalawa

“Wag niyo na isama si Llouie” pakiusap ko “Oh kaya wag na kayo pumunta ako na lang punta diyan”

“Byeeeeee” binabaan niya ko at alam ko na ang ibig Sabihin nun. Pupunta yun dito.

Andami ko na ngang susuyuin eh. Yung mga Kuya ko. Nagcellphone na lang ako hanggang matapos Ang bubble braid na ginagawa sa akin

Sinuot ko ang White Puff Sleeve Corset Dress pair with white stilletos.

Lumabas na ako ng kwarto at nagulat Ng may makasalubong ko si Ron. Pinsan ko kasama ang mga kaibigan niya.

“Hi Aziz” Sabi niya at nginitian ko naman siya “Ang ganda mo” seryosong sabi niya “Kaibigan ko Joss, Lance at Draco”

“Hi nice meeting you” naglahad Ng Kamay si Joss

“Si Darina Pinsan ko” maangas na Sabi ni Ron

“Nice meeting you too” ngumiti ako at nakita yung dalawang lalaki na nakatitig lang sa akin. Naiilang tuloy ako pero di ko pinahalata

“Aziz” si Ate Nics Pinsan ko din ngayon na lang ulit kami nagkita dahil sa states na sila nakatira.

“Ate Nics” niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi “I miss you”

“Hi Ate Nics” si Ron at niyakap din si Ate “Una na kami tambay lang kami dun sa dating kwarto mo pwede ba?” tanong niya Ng nakatingin sa akin. Yung kwarto na tinutukoy niya ay Yung kwarto sa fifth floor

“Ah Sige magulo pala Yung kama dun tumambay kasi ako kanina” tumango naman siya at umakyat sa taas kasama Ang mga kaibigan niya pero naiwan si Joss kaya tinignan ko ito

“Bye Darina” kumaway pa siya sa akin bago sumunod

Naglakad na kami pababa ni Ate Ng magkahawak Ang Kamay

“Lalo kang gumaganda” bulong niya “May boyfriend ka na no?” medyo malakas na Yung pagkakasabi niya nun nagulat naman ako

“Hoy Anong boyfriend?” nilingon ko kung Saan nanggaling yun at nakita si Kuya Caleb

“Boyfriend,kasintahan,syota,Jowa,ma-” di niya na natuloy Ang sasabihin ng binatukan siya ni Kuya Kris, Kuya ni Ate Nics

“Oy manahimik ka diyan ano tinuturo mo diyan sa Pinsan mo” lumapit si Kuya Kris sa akin at tinap Ang ulo ko “May boyfriend ka na?” seryoso din siya hindi naman ako sumagot

“Darina bumaba na kayo, kayo din diyan Caleb” si Manang katulong namin

“Andyan na po” nauna akong tumakbo para hindi na masagot ang mga tanong nila

Hala 2:15 na din pala malapit Ng magstart

“Hija ang laki muna” niyakap ako ng isang Magandang babae na parang kasing edad ni Mama. Sino to? Di ko naman kilala

“Hehe” pilit na tawa ang binigay ko

“Darina darling” ayun si Lola Naman Ang bumati

“Hello po Lola” magalang na Sabi ko at nagmano Bigla namang nagring Ang cellphone ko “Sasagutin ko lang po ito” nginitian naman Nila ako kaya lumabas ako

“Andito kami sa labas Ng Bahay niyo” si Rhaen

“Sabi Kong wag na pumunta eh” bulong ko habang naglalakad papuntang gate

“Di naman namin kasama si Llouie” Sabi niya kaya nakahinga ako Ng maluwag

Nakasalubong ko si Kuya Eiddwen

“Bakit ka lalabas Hindi pa nagsisimula Yung party” minsan talaga iisipin ko na pinaglihi sa aircon si Kuya

“Andyan friends ko sa labas” nakatingala pa ako dahil Ang tangkad niya umalis naman na din siya kaya nagtuloy ako palabas

“Tara pasok kayo” Yaya ko sa Kanila

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 25, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Kung MaibabalikWhere stories live. Discover now