Kabanata 24

17.1K 475 39
                                    

Kabanata 24

Isang oras ang layo ng bahay ng mga magulang ni Konsi sa bahay niya. Nasa dulo na kasi iyon ng bayang ito.

Kung noong unang punta ko roon ay sobrang kabado ako, ngayon ay mas nakakahinga na ako ng maayos. Hindi na ako parang isasalang sa hot seat.

"Oh my! My most beautiful apo is here. Come to lola Elen." Salubong agad sa amin ni Tita Elen.

"Maka-react si Mama! OA ka, Ma!" Si Rima iyon na nasa likod ni Tita Elen. Sinamaan siya ng tingin ng nanay niya.

"Nag-iisa pa lang kasi iyang apo mo, abangan mo ang apo mo sa 'kin. Pinakamaganda iyon." Siniko ni Tita Ellen sa tiyan si Rima.

"Subukan mo lang magpabuntis na walang asawa. Itatakwil kita, Rima Esmeralda!" Tinignan ni Tita Elen ng masama si Rima.

"Grabe ka naman sa 'kin, Ma! Buong-buo. Harsh mo, sa 'kin!" Kaya natutuwa ako rito kay Rima. Lokaret madalas.

"Good afternoon po, Tita." Humalik ako sa pisngi ni Tita Elen.

"Hija, nangangayayat ka? Hindi ka ba inaalagaan ng anak ko? O baka pinapagod mo ang sarili mo kay Cassia? Magpapadala ako ng isa pang maid."

"Tita, hindi po. Okay lang po ako, feeling ko nga po ay tumaba ako. Kaya ko naman po ang alagaan si Cassia."

"Casi? Ikaw, alagaan mo ang girlfriend mo, ha?" Parang sesermonan pa yata ni Tita si Konsi.

"Ma! Alagang-alaga ko po iyan," mabilis na sagot ni Konsi na pinulupot ang isang braso sa bewang ko.

"Let's get inside at inaantay na si Cassia ng kaniyang Lolo Myro!"

"Aria! Kamusta?" Baling sa akin ni Rima."

"Mauna na muna ako sa loob." Bulong sa akin ni Konsi na sumunod na sa Mama niya.

"Okay naman ako, Rima." Bumaling ako kay Rima. Ngumiti at niyakap ko siya.

"Uy! Gumaganda ka ah! Binigyan ka ba ni Mamita noong mga Korean products niya?" Usisa sa akin ni Rima.

"Ay oo, 'yong may pa-routine pa?" Tanong ko sa kaniya nang maalala ko ang mga pampagandang products na binigay ni Mamita. Nakakaloka rin kasi gamitin iyon, may pang-umaga may pang gabi, tapos hindi ka dapat magpapa-araw.

"Ang daya talaga ni Mamita! Kapag sa 'kin may bayad, pero sa 'yo libre." Parang batang himutok ni Rima.

"Naku, hindi ka na nasanay sa mood ni Mamita," tatawa-tawang sabi ko.

"O siya, tara pasok na tayo. Dumiretso kami sa living room kung nasaan ang mag-asawang Zaragoza, si Cassia at si Konsi.

"Good afternoon po, Tito Myro." Bati ko kay Casimiro Zaragoza Sr.

"Napaka-ganda naman ni Aria ngayon. No wonder why my son is head over heels in love with you." Pakiramdam ko ay nag-init ang buong mukha ko sa sinabi niya.

"Magpapakasal na ba kayo?" Muntik na yatang lumuwa ang mga mata ko sa tanong ni Tito Myro.

"Pa, I'm still busy with the campaign. We will get there soon," sagot ni Konsi sa ama tapos kumindat sa akin. Iyong nakakatunaw niyang mga kindat.

"Just let us know. Gusto na talaga naming may ikasal na isa sa inyong magkakapatid. Wala akong aasahan pa kay Caleb, dahil masyado iyong busy sa trabaho, si Elliot naman mukhang wala pa silang balak ng current girlfriend niya."

"Pa, ayaw ninyo po ba na ako ang mauna?" Sawsaw ni Rima sa usapan.

"Rima Esmeralda!" Tinaasan ng kilay ni Tita Elen ang anak.

Casimiro's Instant First Lady : ZBS 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon