Sandalan (One Shot)

37 5 0
                                    

Sandalan © ChuChuGeerl

 

Shielo's POV

"Please rise." Sabi ni Father. Ngayon palang nagsimula yung mesa, sakto lang ang dating ko. Umupo ako sa pangalawang pinakahuli na upuan. "Excuse me.." mahinang sabi ko at binigyan naman ako ng daan ni kuyang nakatungo. Di man lang ako nilingon. Tseh!

Ano ka ba, Shielo! Pumunta ka dito para magsimba, hindi para magpapansin sa lalaking nakatungo  at magulo ang buhok! Gee.

Habang nagsasalita si Father, hindi ko mapigilang lingunin ang katabi ko. Nakatungo lang siya, grabe naman ang pananampalataya ni kuya. Seryosong seryoso siya at may papikit-pikit pa. Lumingon ako sa paligid baka may nakatungo rin pero wala, siya lang nag-iisa.

Binalik ko na ang atensyon ko kay Father at nakikitawa narin ako sa korni'ng joke niya.

Habang natatawa ako ay may mabigat na bagay ang napunta sa balikat ko. Agad akong napatingin dito at napagtatatong ulo pala ito ng katabi ko. Natutulog ba 'to?! Akala ko ba? Haaay, nag-aasume lang pala ako.

Ang taas pa naman ng tingin ko sa lalaki'ng ito dahil akala ko ay seryoso siyang nakikinig ni Father. Grr~

Inis kung inalis ang ulo niya pero nakabalik ulit. Ano ba 'to? Hindi naman nakakaantok ang tinig ni Father ah? Lively pa nga! Ano bang ginawa ng taong 'to at puyat na puyat? Nakuha pa niyang magsimba sa sitwasyon niya ah? Bilib na ako sayo, kuya.

Nilingon ko ang mukha niya, Anghel ang nakikita ko. Nakapikit naman siya, okey lang sigurong tingnan ko siya. Bayad niya na rin 'to sa pag sandal niya noh!

Mahaba ang pilikmata niya, makapal na mga kilay, matangos ang ilong at mapupulang labi. He's really an Angel sent from above!

May kumalabit sakin sa kanan kaya't napatingin ako sa direksyon dito, isang ginang. "Ano po yun?" magalang na ani ko at napagdesisyonang hayaan ko nalang yung ulo ng lalaking iyon sa balikat ko. Baka nga napuyat yun kagabi sa kanila. Ano kayang ginawa niya?

"Boypren mo ba yan apo? Kay gwapo'ng bata." Kinikilig na sambit ni lola. Ramdam kung pumula ang aking pisnge sa sinabi niya, "A-ah, hindi ko po siya boypren lola." Nahihiyang sambit ko. Ayokong sabihin na di ko siya kilala baka isipin ni Lola, malandi ako dahil hinahayaan ko lang ang lalaking ito na sumandal sakin. Geez.

"Talaga? Edi kaibigan mo apo? Wag mo nang pakawalan yan, mukhang mabait na bata." Ngingiti niyang sambit at tumingin na kay Father.

"Hehe" yun lang at hindi na ako sumagot pa. Binalik ko ang tingin sa lalaking nakasandal sakin, paano ko hindi pakakawalan 'to, hindi ko nga kilala, kaibigan pa? Patawa masyado si Lola. Hindi ba obyos na hindi kami connected ng taong 'to? Gee.

Biglang gumalawa ng labi niya at ngumisi pero nakapikit. Ako ba'y pinagloloko ng taong 'to?! Hindi ko mapigilang alisin ang ulo niya, nakakainis masyado!

Mahina siyang tumatawa sa gilid, titingin sakin, tatahimik, tatawa naman ulit. Baliw na ang isang 'to panigurado.

Hindi ko siya pinansin pa, hanggang sa parte na ng peace be with you. Umayos ako ng tawo at tinaas ng bahagya ang mga kamay ko. Nakangiting bumaling si Lola sakin at hinawakan ang kanang kamay ko. Binalik ko sa kanya ang ngiti ko. Lumapit siya ng konte at bumulong, "Hija, sabi ko wag mong pakakawalan yung kaibigan mo. hihi" napangiwi akong napatingin sa kaliwa. Nakangiti siya't nakataas-baba ang kilay niya. Loko 'to ah!

Hinawakan niya ang kamay ko, hindi ako maka-hindi kasi it's rude nga naman.

"Peace be with you!" sabi ko't tumingin sa kanan, likod at sa harap ko sabay tungo. Hindi ako tumingin sa kanya. Pero pansin kung titig na titig siya sa mukha ko, naiilang ako kaya't inis ko siyang tinignan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 25, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sandalan (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon