Lauvina's POV
"Lauvina!"
Napalingon naman ako sa tumawag sa akin.
It's Gio.
"Bakit?" tanong ko nang makalapit siya sa akin
"Wala lang"
"Okay?" sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad.
"San ka pupunta?" tanong niya
"Sa lugar kung saan wala ka" pabalang kong sagot
"Grabe."
"Joke lang" sabi ko.
"Okay." sabi niya at napansin kong hindi na siya sumusunod sa akin kaya naman nilingon ko ulit siya.
"Anong nangyari sayo?"
Tumingin lang siya sa akin at tinalikuran na ako.
"Luh, attitude." bulong ko. Akala ko babalik siya pero hindi na. Tsk 'kala mo naman chix.
Hindi ko nalang siya pinansin at pumunta na sa lugar na pupuntahan ko.
Ilang araw ring hindi nagpakita si Gio sakin which is nakakapanibago. Hindi ako sanay na wala siya sa paligid ko. Hays. Anyare ba 'don.
"LAUV!!!" rinig kong sigaw NILA. Oo nila. Alam kong marami sila kasi kung makasigaw akala mo may gera.
"Ano?" sabi ko sa kanila
"Luh ba't ka galit?" tanong ni Victoria
"Hindi ako galit"
"Weh? Galit ka eh" sabi naman ni Herz
"Herz. Hindi nga ako galit"
"Sabi mo eh." sabi nito at nagkibit balikat nalang
"Bakit ba kayo sumisigaw?" sabi ko habang nags-scroll sa facebook.
"Tara sa bahay nila Gio." bigla akong napatingin sa kay Herz nang banggitin niya ang pangalan na yun.
"Ay ang galing. Kanina hindi mo ako matignan tapos ngayong binanggit ko si Gio, agad-agad ka." sabi nito
"Ganon talaga kapag inlove" napatingin naman ako kay Ash
"Sinong inlove?" tanong naman ni Drew
"Mama mo inlove" nang-aasar na sabi ni Herz
"Nyenye funny ka Herz?"
"Oh yes naman Drew. I'm so funny funny funny, very very very" pang-aasar pa nito kay Drew
Mapapafacepalm ka talaga sa dalawang 'to.
"K." pikon na saad ni Drew
"Magtino nga kayong dalawa" awat ni Liz
"Ay coming from you na number one sa 'di pagiging matino?" sabi naman ni Victoria
"Matino ako" sagot ni Liz
"Marupok nga lang" bulong ni Ash pero narinig pa rin
Nagsitawanan naman kaming lahat dahil 'don. Mga loka.
"So, anong meron kanila Gio?" panimula ko
"Ay oo nga. Kayo kasi! Hindi ko tuloy nasabi sa kaniya" sabi ni Victoria na parang sinisisi pa yung iba
"May party kasi. Don't tell me hindi ka ininvite ni Gio? Aww kawawa ka naman" sabi ni Herz dahilan para samaan ko siya ng tingin
"K fine." sabi ko
"Ano tara?" sabi ni Victoria
"Pwede ba? Kaso 'di niya ako inimbitahan." malungkot kong saad
"Eh ano naman? Party yun kaya 'di ka pwedeng mawala" sabi ni Ash
YOU ARE READING
Game of Fate ( A short Story)
Short StoryThis is just a Short story of mine, and just purely imagination.