"Salamat sa pagkakataong tinanggap mo ako, sa kabila ng mga kamalian ko.
--- Paolo ---
Adik ka sa paningin ng iba
Barumbado ka pag kasama mong iyong mga kabarkada
Suwail kang anak para sa mahal mong pamilya
Pero para sa akin ikaw ay dakila ...Hinusgahan ka nila sa panlabas mong anyo
Pero di nila nakikita ang totoong pagkatao mo
Na tanging ako lang ang nakatuklas at nakaalam nito
Na isa kang tapat at mapagmahal na tao...Para akong isang berhen kong tratuhin mo,
Binibigay mong lahat ng makapag pasaya sa mahal mo
Dika lang mapagbigay kundi lahat ginagawa mo
Dahil para sayo basta't nasa tabi mo lang ako kompleto ng buhay mo...Minahal mo ako ng sobra sobra
Na diko alam kung ito'y matatapatan ko ba
Pero tanging hiling mo sakin basta't di lang kita iwan yon ang mahalaga
Na dimo na kailangan ang kahit na anupa...Lahat ginagawa mo
Wala kang pakialam sa sasabihin ng ibang tao
Kahit na nga itinakwil ka ng mga magulang mo
Kinaya mong lahat basta't kasama mo lang ako...Astig ka at iniilagan ng iba
Kapag magkasama tayo lahat nakatingin na para bang nagtataka
Dahil sa porma mong kakaiba talaga
Na kahit nga ako minsan napapalatak at napapahanga...Wala na akong pakialam
Basta't masaya ako sa ating pagmamahalan
Kahit na lahat sila hinuhusgahan ka at inaayawan
Ito lang ang yong laging tandaan, mahal kita maging sino ka man..-- Rowena --
"Hindi ito yung relasyong pinapangarap ko, pero hindi ako kailanman mawawalan ng tiwala sayo."
-- Rowena --
💃MahikaNiAyana
BINABASA MO ANG
Mahal Kita Maging Sino Ka Man✔💯
ChickLitBad Girl Series 4 COLLABORATION with TOPAZ TNM ❣❣❣ Take time to listen to your heart. Sometimes you need not to ask yourself who you love more but ask who really makes you happy, makes you feel loved and knows your worth. ...