Chapter 8 (✓)

29 2 0
                                    

Molly Santiago's POV

Well, it's already friday. May live band today sa field, syempre ako ang nagpaskil nang mga announcement kaninang umaga, pinaaga pa talaga akong pinapasok ni max dahil kailangan kong ipaskil lahat nang na print out ni danica na dapat ay gawain ko.

"Manood ba tayo?" Tanong ni Cass habang naglalakad kami at kumakain nang binili naming snacks, actually half day lang ang classess namin ngayong friday at mamaya na ang live band.

"Why would we?" Tanong ko. Nakasimangot naman si cass.

"Ayaw mo bang panoorin si Jin na kumanta?" Tanong nya.

Oh yes, si Jin Agustin ang main vocalist nang banda na kakanta today. Hindi ko nga alam na may banda pala sya at isa pa, mahilig pala syang kumanta bukod sa magluto, HRM nga diba? Well, anyways, nalaman ko rin na kada courses ay kailangang mag participate sa live band tuwing Friday, kailangan bawat Friday may live band na nakalaan para sa kung anong course ang naka-assign.

And unfortunately, ang course ni Jin ang host ngayon sa live band, and surprisingly he volunteered his self to sing. Propaganda ito noon ni Emerald para raw ma-develop ang talent nang bawat estudyante at magkaroon narin nang kasiyahan para lahat nang mag-aaral bilang pagdiriwang narin sa pagtapos nila sa buong linggong pabalik balik rito sa eskwelahan.

"Nope. Ikaw nalang kung gusto mo, uuwi nalang ako." sagot ko saka tipid na ngumiti. Ayukong mapansin nya na iniiwasan ko si Jin, bakit ko nga ba iniiwasan yun?

Tsk. Kasi nga naman kahapon paguwi ko.

"Para saan 'to?" Tanong ko kay Jin nang ideretso nya ako sa kusina at nakita ko ang napakaraming pagkain.

"Your father told me to cook for you, and to make sure you would drink your medicine." sagot nya. Napakurap ako at hindi nakaimik. Why does he sound like my father's pet now?

"You got the wrong idea, Molly. I am doing this, to make sure i would not be put into blame when you got worsen." sagot nya at hinila ako paupo. And that made me think of something, regretting for letting him know about my condition, because i know he would be more cautious now. And i don't want that.

I don't know why, but after that time, don't want to be close to him anymore. Siguro dahil nakakaramdam narin ako nang hiya sa kanya? I shouldn't have put him into this situation wherein he also needs to think about my condition, I don't want him to be in trouble. I don't want to do something that would make me feel comfortable with him. I don't want him to be cautious. I don't want him to look at me like i am some kind of a psycho. I can't afford seeing someone looking at me that way.

Naghiwalay na kami nang daan ni Cassandra, sya ay papunta sa stadium at ako naman ay papalabas nang university.

Napahinto ako sa paglalakad nang mag beep ang cellphone ko. Tinignan ko kung sino ang nagtext at nakita ang pangalan ni Jin na nakapaskil doon. Binuksan ko naman ito.

[From: JIN AGUSTIN

Will you do me a favor? Come in the stadium, i want you to listen to my song, i heard that music is also a treatment. Don't worry I'll take you home after this.]

Napabuntong hininga ako at ilang minuto munang nagisip bago tumalikod at naglakad tungo sa stadium. Binulsa ko na ang cellphone ko at inayos muna ang kapit nang bag ko.

Pagkarating ko sa stadium ay medyo marami na ang estudyante, yung iba halos nandito lang dahil ang sikat na student body president ang kakanta, yung iba talagang mahilig sa musika, at lalong yung iba naman ay nagpapapansin lang.

Nakita ko naman si Cass sa medyo gitnang harapan nakatayo kaya lumapit ako sa kanya, medyo nasurpresa pa sya nang makita akong nasa gilid nya, sino nga bang hindi? Kung ang kagaya kong nagsabi sa kanyang walang balak eh dadating nalang bigla.

MELANCHOLIC✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon