" AT 'SAN KA NANAMAN NANGGALING IKAW KUTONGLUPA KA !!?" sigaw ni Mama kay Papa habang nagbabato ng plato. nakailag si Papa.. sayang!
"hon naman, wag ka maingay. natutulog na mga kapitbahay natin, nakakahiya." takot na sabi ni Papa. haha!! WEAK!!
"Paanong hindi mag iingay eh ikaw 'tong pasado alas dose na ng hatinggabi kung umuwi!?" sigaw ulit ni Mama sabay bato naman ngayon ng baso. hala! sayang naman! paborito ko pamandin yun kasi may 'WALANG FOREVER' na naka print dun. ay puchek!! kung ano na kasi mahawakan niya, yun na yung ibabato niya! buti tinago ko na yung mga kutsilyo. normal na kasing mangyari 'to, nung minsan ngang nakalimutan kong itago yung mga kutsilyo, may pa tili-tili pang nalalaman si Papa na medyo mangiyak ngiyak pa. Tawa ako ng tawa dun kaya minsan I'm thinking na kalimutan ulit na itago yung mga knives. haha! pero joke lang siyempre, mahal ko dingding namin este Tatay ko pala.
Pero I think hindi talaga tinatarget ni Mama si Papa, she's just trying to scare her beloved husband. Maganda tantsa niyan eh..Sharpshooter? 'Pag seryoso yan, hindi ka na talaga makakailag sa lahat ng ibabato niyan sayo. Siguro basketbolista tong si Mama nung araw. lakas makashoot .
"'San nanaman kayo galing nila Ramon ha?!! Inom nanaman!!?" this time tinidor naman ang hawak.. mukhang natakot si Papa sa talim ng mga tusok ng tinidor ni Mama " Hon! I LOVE YOU!!" pero binato parin ni Mama yung tinidor, wow.. ang galing talaga ni Mama, akalain mo yun? nakabaon yung apat na ngipin ng tinidor sa nakasabit na chopping board sa likod ni Papa. haha! Areglado!
"Sumagot kang satanas ka!!" sigaw ulit ni Mama. ay grabe... Satanas ? so ano ako? Half Diyablo, half sadist? ayus ah! Tsk.
"hon, hindi naman sa ganun."
"'wag moko ma-hon hon jan ha! Ali! tawagin mo nga kapati--"
"kanina pa kami andito Ma" said Kuya Sec which is kanina pa ngang kasama kong nag eenjoy sa show nila Mama at Papa
"Itali niyo 'yang tatay niyo dito sa sofa! dali!" bulyaw ni Mama kila kuya Sec, Mico at Jez. Nagtinginan muna sila maybe thinking about their allowance pagkatapos ay tumingin kay Mama
"'wag kayo mag-alala, hawak ko wallet niyan! hala tali!" sabi ni Mama. Nagtinginan ulit silang tatlo sabay lakad papunta kay Papa
ako naman dahan dahang pumunta sa kusina at nagbukas ng chichirya, ngayon lang to mangyari no! I mean yung tali part not the 'papa uwi late, mama monster' thing kasi thats like super normal na. But super and normal in a sentence? Quite Confusing. Either way, kelangan ko 'tong mapanood!
*minutes later*
"ano ba Hon? anong trip to?" sabi ni Papa na mukhang naiinis na dahil sa pagkakatali niya sa sofa namin. nagwiwi na kaya siya kanina? yak! baka bumaho pa yung sofa nan eh
"matulog ka jan!" sumbat naman ni Mama pagkatapos ay pumasok na siya sa room nila
"hoy kayo! akala niyo makakalusot kayo dito ha! tandaan niyo ! hawak ko ang allowance niyo!" bulyaw sa kanila ni Papa. wala! wala ka nang panlaban Pa! Sumuko ka nalang! nakay Mama na daw yung wallet mo eh.. the three idiots ran like hell at nag uunahan pumasok sa mga rooms nila. hala! ayan! eto yung mga oras na mapapapili ka talaga eh, alam ko na title para dito, kadugo? o Pera?
They froze close to not breathing nang magsalita ulit si Papa. Pfft. Bastards
"Jez, alisin mo 'to" sabi ni Papa
"magagalit yung pinakasalan mong dragon na may lahing mangkukulam Pa" sabi naman ni kuya Jez.. nilait pa si Mama (-_-)
tumingin naman si Papa kay Kuya Mico
"Pa mahal ko kayo, pero pa, nakay Mama yung wallet mo eh" sumbat naman ni kuya Mico. shunga stupid imbecile! hindi na inisip yung mararamdaman ni papa! parang sinabi niya na rin na " pa, i Love you but I love my allowance more than I love you pa!!!!" tae. di nalang nila ako gayahin. char!
BINABASA MO ANG
The Sawi Club
Teen FictionAng Istoryang ito ay Rated SSPG, walang kwenta. Para lang po sa mga malalaki ang pang-unawa. Magaganda naman po ang author kaya pagbigyan niyo na po. ples. tenks. Para hindi niyo ako maisako, ang istoryang ito ay nababagay sa mga taong sawi, bitter...