HER~

29 3 0
                                    

"Will you be my Prom date?"

Hindi ko alam kung paano ako mag rereact sa messege nya. Matutuwa ba ako, dahil inaya nya ako. O' mababadtrip dahil bakit ako?

Gusto ko sya. Pero ang gusto nya ay iba. Badtrip diba?

Pero nang malaman nya na gusto ko rin sya, ang clingy na nya. Eto nga at inaaya pa ako nang date sa prom.

Ganto ba talaga ang mga lalaki? Malaman lang na may gusto ang isang babae lalapitan na agad? Nakaka turn off tuloy.

Wala naman sanang problema, ayain nya ako edi push. Ang kaso lang...

Kasalukuyan syang nanliligaw sa kaybigan ko. Hindi lang basta kaybigan. MATALIK na kaybigan.

Bastusan diba?

Pero nanliligaw pa lang naman. Hindi pa sila. Ayoko naman maging kontrabida sa sarili kong storya.

Gusto kong humindi pero kinabukasan nilapitan nya ako, gusto ko na san humindi sa imbitasyon nya pero nagulat ako sa ginawa nya.

Hinawakan nya ang dalawa kong kamay at inulit ang mensahe nya kagabi.

"WillyoubemyPromdate?"

Nag kakalampagan ang kung anuman sa loob nang sistema ko. Kaya imbes na sabihin kong 'hindi' tanging tango na lang ang kaya ko isagot.

Para akong nawalan ng dila sa ginawa nya. Nanlalamig ang buong katawan ko sa prisensya sya.

Ganto ba talaga mag ka-crush? O baka 'more than crush' na tong nararamdaman ko sa kanya.

Lumilipas ang araw at parati kaming mag kasama. Para kaming mag syota kung hindi mo kami kilala. We do holding hands, hug and even kiss.

Feeling ko tuloy ang traydor ko sa bestfriend ko.

Pero hindi pa sila. Hindi naman pag tatraydor to diba?

Pero nililigawan sya. Malamang umaasa sya.

Hay! Kahit kaylang talaga hindi pwedeng walang komento ang isang bahagi ng utak ko.

Dumistansya ako nang kaunti sakanya. Nakokinsensya na kasi ako sa ginagawa namin.

Mali. Alam kong mali.

Nalaman nang iba pa naming kaybigan ang namamagitan saamin.

Hiyang hiya ako. Lalo na nang tawagin nila akong traydor. Mang aagaw.

May inagaw ba ako? Hindi pa naman sila.

Pakiramdam ko ako na lang mag isa. Tuwing papasok ako sa school hindi nila ako kinakausap.

Exempted na yung pag anjan ang bestfriend ko.

Hindi ko alam kung anong kalokohan tong pinasok ko pero sobrang nag sisisi talaga ako.

Hindi ako nag sisisi na minahal ko sya, nag sisisi ako dahil sa mga ngiti nang bestfriend ko.

Wala ba talaga syang alam? o nag bubulag bulagan lang sya sa mga nanyayari.

One time inaya nya akong lumabas. Kasama sya.

Gusto nya daw kasi na may witness pag sinagot na nya sya.

Ngayon gusto ko na lang maniwala na alam nya ang mga nanyayari at eto ang ganti nya sakin.

At hindi nga ako nag kamali. Alam nya.Matagal na.

Pero ang hindi ko inaasahan ay ang sinabi nyang ayos lang. Malaya kaming gawin ang gusto namin at hindi sya magagalit o masasaktan. Wala namang sila. Wala syang karapatan.

Hati ang nararamdaman ko. Partly, masaya ako dahil pwede ko na syang mahalin ng malaya.

At ang kalahati naman ay malungkot.

Dahil kahit hindi nya sabihin, alam ko nasasaktan sya. Alam ko. Ramdam ko. Dahil bestfriend ako.

Dahil bestfriend ako alam kong ayaw nya nang kinakaawaan sya. Alam kong pag sinabi nyang 'wala' wala talaga.

Kaya mas pinili ko nang maging masaya. Kasama sya. Kapiling sya.

Ilang araw na lang prom na, kahit na lagi naman kaming mag kasamang dalawa. Hindi ko parin maiwasan ang ma excite sa araw nang prom.

Valentines day, inaya nya akong lumabas.

Wala naman kamkng gaanong ginawa sa Mall pero nang enjoy ako.

Sakto pa na mall show nang paburito kong mang aawit.

Ang saya lang. Habang nakaupo kami sa isang bench at mag kaakbay ay kinakanta ang kantang "I Will Take You Forever".

Hindi matago ang ngito sa mga labi ko lalo na pag sumasabay sya sa kanya.

Forever.

Totoo bang may forever?

Kung totoo man sana, sana kami. may forever.

Two days before prom bigla na lang nag bago lahat.

Nag bago nga ba? O ako lang talaga ang may problema?

Unintentionally, may nabasa ako sa phone nya.

May girlfriend pala sya.

Masakit. Para akong nabuhusan nang malamig na tubig nang mabasa ko kung paano mag I Love You yubg babae sa kanya.

Reasonable naman kung bakit nagagalit ako.

Pero vigla rin pumasok sa isip ko.

Kami ba?

Kami nga ba?

Hindi ko alam. We act as a couple pero never namin napag usapan yug about sa 'kami'.

Ano palabg tawag sa ginagawa namin? Flirtation? Landi landi lang?

"Hindikonaalamkunganonggagawinko. Mahalkitaperohindikoalamkungpaanokosyabibitawan. I'msorry."

Unti unti nang tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigil.

I'm sorry.

Yun lang yun? I'm sorry lang tapos okay na?

Bullsh*t!

Ganto pala pag nag mamahal. Hindi puro saya lang. Hindi puro kilig lang.

Umaga nang araw nang Prom tamad na tamad ako. Ayoko na mag punta. Masasaktan lang ako lalo.

Pero mag mumukha akong kawawa kung mag mumukmoklang ako dito.

Wearing a silver tube gown, taas noo akong lumakad papasok nang hall na pag dadausan ng Prom.

Ramdam ko ang mga matang nakatingin saakin.

Everybody knows na sya ang date ko. Pero dumating akong mag isa.

Prom DateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon