Chapter 2: Phro

3 1 0
                                    

"Tanga ka ba? O retarded?" Para kong nabuhusan nang malamig na tubig sa sinabi niya. He was so perfect but then he opened his mouth and I'm suddenly having an urge to punch him in his perfect face.

"Excuse me?" tanong ko sa kanya giving him the benefit of the doubt. Baka naman namali lang ako nang rinig sa sinasabi niya, no one is that big of a douchebag, na kaya niyang sabihin yun sa taong muntik na niyang mabangga.

"So, hindi ka lang tanga. Bingi ka pa." he mumbled as he got up and checked on his bike, and my ears began to heat up in anger and irritation.

"Tarantado ka pala eh. Alam kong kasalanan ko because I was dazed and distracted. But I don't think that's enough para tawagin mo kong tanga! Ikaw na tong muntik nakasagasa. If you weren't speeding in the first place then baka nagkaroon ako ng enough time para tumabi." Sigaw ko sa kanya habang tinatayo niya ang kanyang motorcycle.

"Atleast alam mo na kasalanan mo." Sabi niya sakin habang nasa motor pa rin ang attention niya. After ensuring that his precious motorcycle was still in good shape, he turned to look at me and took a deep breath.

"There is a dent in my bike. Kelangan mo kong bayaran for my repairs." Sabi niya sakin na lalong ikinalaki nang malaki kong mata, but I knew na wala naman akong magagawa dahil kasalanan ko naman talaga ang nangyari.

"Magkano ba yan?" mataray kong tanong sa kanya.

"5000." He simply stated that made my eyes widen more.

"5000? Seryoso ka ba? Para sa ganyang kaliit na yupi 5000?" tanong ko sa kanya, scammer ata tong lokong to eh. Kayang  kaya kong ayusin yang yupi nang motor niya gamit ang martilyo.

"Oo. Do you have any idea how much my bike is worth?" tanong niya sakin. I shook my head as an answer to him, alam kong mas magandang tingnan yung motor niya kesa sa ibang nakikita ko, pero hindi naman siguro ganung kalaki ang diperensya pagdating sa presyo, pero ano nga naman ang alam ko pagdating sa mga motor.

"Wala akong ganyang kalaking pera ngayon. Maybe we could arrange some sort of agreement para sa payment." sabi ko sa kanya. He looked at me up and down na parang sinusuri akong maigi then his eyes fell to my chest area and he chuckled.

"Sorry, pero hindi kita type." Sabi nito sakin na ikinainit nang mukha ko, not out of embarrassment but out of pure anger at hindi ko na napigilan ang sarili ko. I raised my hand and before I could even stop myself, I already slapped the man I'm talking to across his face. The look on his face nang maramdaman niya ang sampal ko was priceless but it was not enough to extinguish my flaming anger at him.

"Babayaran kita para jan sa hayop na motor na yan! Hindi mo ko kelangang bastusin!" sabi ko half screaming at him.

"Next week, ibibigay ko sayo yang pera mo." I said to him then started running back to our house. I heard the engine of the motor beside me and the yelling of a man. I stopped running at tumigil din naman ito sa harap ko.

"Here." He said giving me a piece of paper then speeding away in his motorcycle. Binuksan ko ang papel and written on it was a phone number. Talagang binigyan pa ko nang lokong yun nang contact number niya. I took a deep breath to calm myself down and started jogging back home again.

"Mukhang aburido ka." pansin ni Donna sa itsura ko pagpasok ko nang kwarto namin.

"May gago lang akong naencounter habang nagjojogging." Sabi ko sa kanya at kinuha na ang mga toiletries ko para makapagready na rin sa klase. When I received a message from Miss Jane.

{Hi Phro, you are assigned to the Basketball team. Please meet Coach Laurence in his office at four o'clock in the afternoon. Have a nice day. Thank you.}

With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon