CHAPTER 1

4 1 0
                                    

"Ano ba naman yan Russel wala na nga tayong makain gumawa ka pa ng dagdag palamunin" mula sa kwarto ko dinig ko ang sigaw ni tatay mukhang galit na galit. Kaya ako napabangon?

"Tay sorry isang beses lang po namin ginawa" saad ni Kuya.

"Gago ka ba ah kahit isang beses o ilan pa yan makakagawa at makakabuo kayo" sigaw uli ni Tatay, pasugod na sinuntok niya si kuya

"Rodel tama na" pang aawat ni mama
Sa pag aawat ni mama doon palang tumigil si tatay.

Sa dose anyos kong edad alam ko na ang problema ng pamilya, hindi na kami maka kain tatlong beses sa isang araw.

Dumeretso nalang ako sa banyo para maligo dahil papasok pako sa eskwela.
Graduating na ako sa elementarya.

Kakayanin kayang ika'y mawala~
At sa kanya'y ipaubaya~
At hayaang sumaya ka sa piling niya~

Pakanta ko na animo'y sawi sa pag ibig

Pagkatapos nang aming klase ay pauwi nako mag-isa ng bigla akong tinawag ni kuya Race pinsan ko. Kasama niya si ate Dacey, nakatatanda niyang kapatid.

"Ky, sabay kanasamin ni ate" saad ni kuya Race.

"Oo nga naman Ky, mukhang mag-isa kalang uuwi sabay kana saamin ng Kuya Race mo."

"Sige, kuya,ate."

Sabay-sabay kaming umuwi ng mga pinsan ko at inihatid nila ako sa tapat ng aming bahay. Ilang bahay pa kasi ang pagitan ng aming bahay bago sa kanilang bahay.

"Ky, una nakami ni ate ha"

"Sige po kuya,ate ingat po, Salamat po pala sa paghatid" nakangiting sabi ko. Tumango muna si Kuya Race bago tuluyang umalis.

Tanaw ko silang umalis at pagkalaho nila sa aking paningin ay pumasok nako sa loob.

Nakita kong nag aayos si kuya mukhang aalis na siya ng bahay. Kami nalang kasi ni kuya ang natira kasama sila Mama. Sina kuya at ate kasi maaga din silang nag-asawa at umalis ng bahay. Sa edad kong  to naiisip ko na kung bakit ganito ang aming pamilya. Hindi kagaya ng aking pinsan na masaya at parang perpekto na wala ng hihilingin pa. Pero iba yung samin hindi tulad ng kila ate Dacey.

Kanina pa pala ako tinatawag ni kuya hindi ko namamalayan na may tumutulo na palang luha sa aking pisngi..

"Ky, tahan na" pagkukumbinsi niya sakin. "Ky, may sasabihin nga pala ako sayo".

"Ano po 'yun kuya?" nagtataka kong tanong. "Bakit kapo may dalang maleta san kapo pupunta kuya?"

"Hindi ba pinangako mosa akin dati na hindi moko iiwan diba?"

Flashback

Naririnig kong sumisigaw si Papa at mabilis akong pumasok sa loob kakagaling lang kasi namin maglaro ng aking mga kalaro sa labas.

"Anong magagawa niyo niyan ha?! Sagutin moko"

"Papanagutan kopo 'yung bata tito" kinabahan ako dahil sa narinig ko na bata na sabi ni Papa maaring buntis si Ate.

"Aba! Dapat lang. Ayokona kayong makita dito mamuhay kayo ng mag-isa umalis na kayo dito!"

Nakita ako ni kuya sa aming pintuan at nakita niya akong umiiyak.

"Tahan na Ky, Pinapangako sayo ni Kuya na hindi kita iiwan kahit anong mangyari. Basta promise mosa akin na huwag mong pababayaan ang pag-aaral mo ha. Tahan na Ky."

"Opo kuya pinapangako kopong hindi ko papabayaan ang aking pag-aaral." Nakangiti kong saad.

End of Flashback

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 01, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Under Cover Girl (CAC SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon