--PROLOGUE-
"Pagtungtong mo sa edad na dyesi otso kailangan mong maikasal sa anak ng kaibigan ko Aurora Consuelo!"
Dumadundong ang boses ni Don Agustos sa buong silid.Alam ni Cielo na pag ginamit na ng ama ang buong pangalan siguradong galit na ito."Pero Papa marami pa akong
pangarap,Napakabata ko pa po para maikasal."Naiiyak na siya sa ka papaliwanag sa ama.Tumingin siya sa ina para magpasaklolo pero yumuko lang ito at alam niyang wala na rin ito magagawa sa Pasya ng Ama."Mga bata palang kami ni Enteng ay napag kasunduan namin na ipareha ang aming anak.May isang salita ako sa kaibigan kong yun."
"Pero papa bakit hindi nalang si Kuya Chris?I'm Sure naman na may anak na babae ang kaibigan mong yun."
"Sa kasamaang palad puro lalake ang anak niya hija.Kung may babae siyang anak hindi ka sana namin ipipilit anak."
biglang sumabat ang mama niya sa usapan.Halata sa itsura nitong naawa sa kanya.Umiiyak siyang tumakbo sa kwarto.Malakas niyang sinipa ang pinto at dumapa sa kama at umiyak ng umiyak.Gusto niya magpakamatay sa oras na yun.Tingin niya hindi siya mahal ng mga magulang.Isang taon nalang eighteen na siya feeling niya nakatali na siya sa lubid at kailan man hindi na makakawala.