Chapter 1

3 0 0
                                    

Chapter 1

GUIMARAS 7:30 pm

"Hindi parin ba lumalabas ang anak mo Cristina?"Tanong ni Don Agustos sa kabiyak habang umuupo sa harap ng lamesa.
"Nag alala ako sa anak natin Agustos,nabigla ata siya sa sinabi natin.Hindi kaya Maaga pa para sa kanya ang bagay na yun?."May pag alala na tanong ng babae sa asawa.

"Christina!"Sabay pokpok ng kamay sa ibabaw ng mesa.Gulat naman na napatingin dito ang babae.
"Tigilan mo nga ang kaka asta mo ng ganyan!Alam natin pareho na mapapanatag ang loob natin pag anak ni Enteng ang makatuluyan ng anak natin!."

"Oo alam ko yun Agustos!pero naawa ako kay cielo.Bata pa siya,Marami pa siyang pangarap.Marami pa siyang gustong gawin."

"At sa tingin mo hindi niya yun magagawa pag may asawa siya?Matutupad mga pangarap niya kahit ikasal siya.Matutupad ang pangarap natin.Hindi natin alam kung ilang taon nalang tayo magtatagal sa mun--.."

"Wag ka magsalita ng ganyan Agustos baka marinig ka ni Cielo."Agaw ni Christina sa sasabihin ng asawa.

"Bweno,tawagin mo na ang anak mo cristina ng makapag hapunan na tayo pareho."

"Hayaan na muna natin siya Agustos,Papadalhan ko nalang siya ng pagkain sa yaya niya mamaya."

-8:45 PM

Knock..knock..
Nagmulat ng mata si Cielo ng marinig ang katok sa pinto.Tumingin siya sa orasan sa gilid ng kama.Patamad siyang bumangon at binuksan ang pinto.Nakita niyang nakatayo si Yaya Gemma at may bitbit na pagkain sa tray.

"Kumain ka muna,Kanina ka pa hindi bumaba.Nag aalala na ang mama at papa mo."Sabay lapag ng pagkain sa lamesa katabi ng kama niya.

"Wala po akong gana yaya.Pabalik nalang po yan sa baba."

"Naku bata ka!Kumain ka kahit kunti baka malipasan ka ng gutom."

"Ayoko yaya,buti nga yan para mamatay na ako."

"Wag ka nga magsalita ng ganyan.Kung ano man ang ginawa ng mga magulang mo intindihin mo nlang.Lahat nang ginagawa nila para sa kapakanan mo."

Hinarap niya ang yaya na akmang lalabas na ng kwarto niya.

"Talaga yaya?Para sa kapakanan ko?Ikakasal ako next year!Ni hindi pa ako naka graduate yaya!Yun na agad iniisip nila!Hindi ba nila alam ang nararamdaman ko or they don't even care about me?.."

Halos naiiyak siya at pabagsak na umupo sa kama.Bumuntong hininga ang matanda at nilapitan nlang siya at niyakap.Humagulgol ng iyak si Cielo.hinagod hagod ng matanda ang likod niya.Nang mahimasmasan lumabas na ang matanda.
Bumalik siya sa kama at humiga.Maaga ang pasok niya bukas.Hihingi nalang siya ng tulong sa mga kaibigan baka may maitulong ang mga ito sa kanya.

Maaga siyang nagising kinaumagahan.Ayaw niyang abutan sa almusal ang magulang niya.Dali dali siyang pumasok sa banyo at wala pang fifteen minutes tapos na siyang maligo.Nagbihis siya at bumaba na ngunit pagbaba niya nandun na ang mama at papa niya nakabihis. May pupuntahan ata ang mga ito.Padabog niyang nilagay ang bag sa sala at pumasok sa kusina.

"Goodmorning Anak.Sumabay kana samin ng daddy mo kami na maghahatid sayo sa School."bati ng mama niya sa kanya.

"Wag na ma,Papahatid nalang ako kay kuya.Mamaya pa naman ata pasok nun."

"Tulog pa ang kuya mo,Siguradong may hangover yun anong oras na nakauwi yun kagabi."

Bumuntong hininga nalang siya.Wala siyang magagawa.Nilagyan siya ng kanin at ulam ng Yaya niya sa plato at nag umpisa na siyang kumain.

"Sa ulit Yaya Gemma hayaan mo na na si cielo maglagay ng kanin sa pinggan niya.kailangan niyang masanay.Sa susunod na taon mag aasawa na siya at isa pa hindi na yan bata kaya wag niyo na binibeybe."Biglang sabi ng papa niya na nakatingin sa kanya.

Pretty MaidWhere stories live. Discover now