01

16 1 0
                                    

"UUWI na rito ang kuya Luther mo sa makalawa. He's with his fiancée so, kailangan nating paghandaan." magandang balita ng ina ni Rebecca nang nasa kalagitnaan sila ng pananghalian.
Nagulat at natuwa siya sa narinig. "Really, ma? Dadalhin ni kuya Luth ang fiancée niya dito sa atin sa Mindanao?"
Her mama nodded. "Yeah, he will introduce her to us."
Natuwa siya at wala halos masabi. "Wow!"
Parang kamakailan lang ay kasing landi pa ng mga pinsan nilang sina Brandon, Hayden, at Oscar ang kuya Luther niya pero ngayon ay magpapakasal na ito. Wala siyang masabi. The woman's so lucky! Aba'y napatino ba naman ang isang Luther De Vera! She couldn't believe it but she's really happy for her brother.
"Kailangan nating paghandaan ang pagdating nila lalo pa't galing din sa isang kilala at maimpluwensyang pamilya sa Maynila yung babae." anang kanyang ama.
Rebecca and her mom nodded. Great. Galing din sa maimpluwensyang pamilya ang pakakasalan ng kuya niya pareho nila.
"You should get ready, Rebecca," baling pa ng dad niya sa kanya.
Masigla siyang tumango. Whoever the woman her brother's marrying, she will always support Luther. "Opo."
"Alam mo, hon. Ba't hindi nalang natin paghandaan ng double wedding ang mga bata instead of separate weddings?" anang mommy naman niya sa kanyang ama.
Her father nodded. "Naiisip ko rin 'yan, hon."
"Good idea, isn't it?"
The man in his late 50's nodded at his dearest wife. "It is."
"Double wedding para sa kasal nina kuya Luther at nila nino po?" pakikiusiso bigla niya.
Umiling ang kanyang ama. "No. Your kuya Luth's wedding and your own wedding. Naiisip naming ipagsabay nalang sa isang seremonya ang mga kasal ninyo."
Natigilan siya sa pagkain at halos mabilaukan. "What! Kasal nina kuya at kasal ko?"
Baka naman nabibingi lang siya ng pandinig o baka naman namali lang siya?
Kumunot ang noo ng kanyang ama. "Your brother's and your own wedding, Rebecca Leandra."
Tuluyang napalis ang maganda at masigla niyang ngiti nang kumpirmahin nito na siya nga ang tinutukoy nitong magpapakasal kasabay ng kasal ng kuya niya. Pero teka naman, kanino siya magpapakasal? Eh ni hindi pa niya nahahanap ang lalaking forever niya!
Nagtatakang binalingan niya ang kanyang ina. "Ma, anong sinasabi ni papa? I'm not yet getting married!"
"Hindi mo pa ba nasasabi sa kanya, Fernando?" her mom asked her father.
Nakita niya ang pagbuntong ng kanyang ama bago nagsalita. "Montgomery Publications wants to merge with our Empire-"
She cut him off nang napagtanto niya kung ano ang tinutukoy nito at kung saan papunta ang usapang ito. May kompanyang nagngangalang Montgomery Publications na gustong makipag-merge sa kompanya nilang Empire at bilang kondisyon sa merging ay ipapakasal ang tagapagmana ng kompanyang iyon sa tagapagmana ng kompanya nila which is no other than her! "The condition to merge the two companies, there should be blood came from both companies that need to tie knot. Tama ba?"
Tumango ito samantalang siya ay hindi makapaniwala at napuno ng pagkadisgusto ang timpla ng mukha.
Ang mama niya'y nagsalita din. "Rebecca, it's a tradition in our family-"
"No, mom! If it's a tradition in our family, ba't si Caitlyn malaya namang makakapagpakasal sa lalaking gusto niya nang hindi siya pinipilit nina tita Roberta at tito Alfonso na magpakasal sa anak ng may-ari ng mga kasosyo nila sa negosyo? Kaya bakit ako? Ba't kailangan kong magpakasal sa taong 'ni hindi ko man lang kilala!"
"Rebecca, hindi mo naiintindihan. Labas sa usaping ito ang mga pinsan mo dahil ang sarili nating kompanya ang pinag-uusapan dito." anang ama niya. "Hindi naman pwede ang kuya Luther because he's getting married. Besides, lalaki ang tagapagmana ng kompanyang balak naming pagsaniban ng pwersa. Lalaki ang panganay at tagapagmana nila that's why they want a woman for their heir and you are our heiress. Ikaw ang tagapagmana namin dahil sa una palang, wala namang plano ang kuya Luther mo sa paghawak sa kompanyang ilang taon din naming ginugulan ng dugo't-pawis ng mama mo."
Napahilot siya sa kanyang sentido. Kung alam lang sana niyang ganito pala ang kahihinatnan ng pagiging tagapagmana, sana noon palang ay nag-ibang landas na rin siya tulad ng kuya Luther niya. Luther took Civil Engineering in college, malayo sa kurso niyang Mass Communications for Business kaya siya tuloy ang ginawang pagpasahan ng mga magulang nila ng kompanya. Kung alam lang niya, edi hindi na rin sana siya kumuha ng ganoong course noon!
"No, I'm not getting married, dad. I'm not marrying the heir of the company you're about to merge with. Ayoko po." matigas niyang sinabi. Over my dead body, no way!
"Stop being such a brat, Rebecca! You're getting married whether you like it or not!" tumaas na ang boses ng kanyang ama at nagsasalubong na ang kilay sa galit.
"Fernando, calm down." marahang dinaluhan naman kaagad ng mama niya ito saka hinawakan ang isang kamay nito.
"Yang anak mo, pagsabihan mo 'yan, Isabella!"
Bumaling sa kanya ang maamong mukha ng kanyang ina. "Rebecca, enough. Listen to your dad. We just want the best for you that's why we're doing this."
The best? The best for me or for the company's sake? Bwiset!
Padabog na ibinagsak niya ang mga kubyertos sa mesa at tumayo. "I'm sorry, ma, but no way, pa! I will not marry a man I don't love especially a man I don't even know!"
Iyon lang at dire-diretso siyang lumabas ng bahay saka sumakay ng kanyang kotse. She's heading her way somewhere, hindi pa niya alam kung saan basta malayo muna rito sa Sta. Cruz. She needs to at least chill!
"Rebecca Leandra!"
Napairap nalang siya sa kawalan nang makita pa sa rearview mirror ang pagtawag at pagsunod sa kanya ng papa niya hanggang sa porch nila bago tuluyang pinaandar ang kanyang kotse at pinaharurot ito palayo ng kanilang bahay. She needs to get away from here or else she will really freak out!
Kung saan-saan nakarating si Rebecca. Hindi niya alam kung saan talaga siya pupunta basta ang alam lang niya ay kailangan muna niyang lumayo sa bahay nila at magpalamig ng ulo. Nakarating siya sa Gensan, nag-shopping sa mga malls doon at kumain. Nang dumilim nama'y wala pa rin siyang balak na umuwi dahil paniguradong pagbalik niya ay magtatalo na naman sila ng kanyang ama at ipipilit na naman siya sa gusto nito. Instead of going home ay dumiretso siya sa isang bar at nilunod ang sarili sa kakainom!
"Another glass, please!"
Kanina pa siya umiinom ng diretso at pulido. Gusto talaga niyang magpakalunod sa paglalasing ngayon. Why does the world need to be unfair like this? Oo nga't lumaki siya sa marangya, kilala at tinitingalang pamilya sa sosyedad, halos wala nang mahihiling pa sa buhay, pero ang kapalit ng lahat ng 'yon ay ito lang? She will marry a man not because she loves him but because she needs to for the company's sake!
Dinukot niya ang cellphone mula sa kanyang bulsa at saka pinaandar iyon. Kanina pa kasi niya ito ini-off dahil panay ang text at tawag sa kanya ng mga pinsan niya at hinahanap siya. Syempre, ano pa ba ang aasahan niya? Naglayas siya ng basta na lang sa bahay nila kaya natural na unang-una siyang hahanapin ng mga magulang niya sa mga iyon. Almost 50 missed calls lang naman galing sa mom at dad, at mga pinsan niya ang kanyang nabungaran pagkbukas pa lang ng cellphone saka mga texts din galing sa mga ito.
Olivia: Rebecca, where are you? Pinuntahan kami ni tito Fernando at tita Isabella dito sa bahay para hanapin ka. May pinagtalunan daw kayo kaya naglayas ka nalang bigla. Nasaan ka na ba?
Oscar: Rebs, where are you? Your dad's almost freaking!
Brandon: Hey, Beccang! Nasa'n ka? May pinagtalunan daw kayo ni tito Fernando? Come on, tell us. Iinom natin lahat ng sama ng loob mo!
Napailing siya't napaismid sa mensahe ni Brandon. Ang isang iyon talaga kahit kailan ay wala nang ibang nagawa o nasabing matino!
Althea: Rebs, where are you? Lahat kami rito nag-aalala na sa kahahanap sayo. Sa'n ka ba nagpunta? Ano bang pinagtalunan ninyo ni tito at hindi ka na lang dumiretso sa aming mga pinsan mo? We're worrying here!
So, hindi pala sinabi ng diretso ng papa niya sa mga pinsan niya ang tunay na dahilan ng pinagtalunan nila at ng basta na lamang niyang paglalayas. Buti nalang din at hindi siya dumiretso sa kanyang mga pinsan tulad ng laging nakagawian na tuwing may problema siya o may pinagdaraan, buti nalang ngayon ay naisip niyang 'wag sa mga iyon dumiretso dahil mahahanap lang kaagad siya ng mga magulang niya. And besides, she wants to be alone right now. All alone with hard drinks!
Nang binigyan siya ng isang glass pa ng hard drink ay diretso ulit niyang nilagok iyon. Hindi na niya mabilang ang sunod-sunod na paglagok niya ng matapang na inumin basta ang alam lang niya ay mukhang tinatamaan na siya at gusto niya ito. She wants to get drunk all the way!
Hindi kalaunan ay may tumawag na naman sa kanya. It's Caitlyn.
"Yes, Cait?" bungad niya pagkasagot pa lamang.
"My god, Rebs! Where are you? Mababaliw kami kahahanap sayo rito sa buong Marbel! Saan ka ba nagpupupunta?" sunod-sunod namang tanong nito sa kanya.
"I'm out of Marbel right now."
"What! Nasaan ka nga ngayon?"
"Basta, medyo malayo diyan sa Marbel pero hindi naman ganoon kalayo," nasapo niya ang ulo at natigilan nang mapagtanto mula sa background nito ang tunog ng mga sasakyan sa paligid. "Wait, nasa'n kayo ngayon? Are you driving?"
"Yes, I'm with Anabelle and Hayden right now. Lahat kami hinahanap ka at halos suyurin ang buong Koronadal para lang mahanap ka!"
Narinig niyang may umagaw sa cellphone mula sa kabilang linya. "Hello, Rebecca? Nasaan ka ngayon?" It's Anabelle's voice. "Alam mo bang halos mabaliw na ang mama at papa mo kahahanap sayo! They won't stop and we, your cousins, as well until we find you."
Napatingin siya sa wristwatch na suot. "It's already past nine in the evening, matulog na kayo. Okay lang ako sa kinaroroonan ko ngayon, I'm safe. Don't worry about me and tell papa that I'm okay; I just need space right now. Uuwi rin naman ako bukas."
Sa kabilang dako ay nanlambot din naman siya at nakunsensya kasi ngayong naglalayas siya, paniguradong damay sa burden ang kanyang mga pinsan. Tulad ng mga parents niya ay mag-aalala rin ang mga iyon sa kanya at kung kailangang suyurin ang buong daigdig ay gagawin nilang lahat, mahanap lang siya!
That's why she needs to reassure to them right now that she's just fine and she's safe para kahit papaano ay hindi na mag-alala pa ang mga ito. Uuwi rin naman talaga siya bukas lalo pa't darating galing ng Maynila ang kapatid niya kasama ng fiancée nito, hindi pwedeng wala siya para salubungin ang dalawa.
"You sure you're fine and safe?" nahimigan niya ang kaunting relief sa boses ng pinsan dahil sa kanyang sinabi.
"Yeah. Just tell dad and mom, I'm fine and I'm going home tomorrow. Tell our cousins too to sleep now and stop finding for me dahil hindi n'yo talaga ako mahahanap diyan sa Koronadal ngayon."
Narinig niya ang pagbuntong ni Anabelle. "Okay. Basta, you sure you're safe there, at uuwi ka bukas, ha, Rebecca?"
"Yeah, I am and I will!"
"Hey, Rebs! Tutal naglayas ka na rin lang, 'wag mong kakalimutan pasalubong ko ha? Chicks lang, solve na 'ko!" nagawa pang sumingit at magbiro bigla ng isang pinsan niya mula sa kabilang linya. She knows it. That's Oscar's voice!
Napangiti tuloy siya ng wala sa oras. Aba't seryosong-seryoso ang halos lahat sa mga pinsan niya samantalang ang isang 'yon puro pa rin kalokohan at kalandian!
"You're with Hayden right now?"
"Yes. He's the one that's driving." si Caitlyn na ulit ang sumagot.
Napangisi siya. "Slap him for me."
Narinig nga niyang ginawa ni Caitlyn ang kanyang sinabi, sinampal nito si Hayden. Dinig niya iyon.
"what the hll was that for, Cait!" nagmumura na tuloy sa inis si Hayden.
"Rebecca told me to slap you!" depensa naman kaagad ni Caitlyn.
"Rebs naman!" nagmamaktol na ang lalaking pinsan niya.
Medyo naging maaliwalas na ang mood niya nang binaba ang tawag na iyon ng mga pinsan. Kahit paano'y stress reliever pa rin talaga ang mga best friends niya.
Pagkatapos ng tawag na iyon ay ang kuya Luther naman niya ang tumawag. So, kahit pala si kuya na nasa malayo ginambala pa talaga nila para lang sa paghahanap sa akin?
"Kuya?" she answered the call.
"Where the hell are you right now, Rebecca Leandra?" malakas ang boses na kaagad na bungad nito sa kanya pagkasagot pa lang niya.
Tignan mo 'to, ang OA din kung makapag-react! Dinaig pa si papa!
"Kuya, I'm getting married. Alam mo ba ang tungkol do'n?"
"You are what? Getting married? With whom, Rebecca?"
"With the heir of the company that our company is about to merge with! Pinagkasundo ako nina papa sa tagapagmana ng kompanyang 'yon! Hindi ba 'to nila nabanggit sayo?"
"No, wala silang nasasabi sa akin tungkol sa pagpapakasundo nilang ipakasal ka."
"Kuya, I don't want to get married with someone I don't love and especially with a total stranger! Please, kuya Luth, convince mama and papa na 'wag nalang tanggapin ang pakikipag-merge sa kompanyang iyon kung ang kapalit lang din no'n pipilitin akong ipakasal sa tagapagmana ng kompanyang 'yon! Please!" parang batang naghahanap ng kakampi at umiiyak na sumbong niya sa kapatid niya.
Close naman kasi talaga sila ng kuya Luther niya. Close nga siya sa mga pinsan niya, sa mismong kapatid pa kaya niya!
Humingang-malalim si Luther mula sa kabilang linya. "Ganito na lang, Rebs, umuwi ka muna ngayon sa bahay dahil lahat sila ay nag-aalala sa kahahanap sayo. Pagkabalik ko diyan sa Mindanao, sasamahan kitang kausapin sina mama't-papa tungkol sa plano nila sayo. For now, listen to them first. They always want the best for you, Rebecca."
Ngumiwi siya. Mukhang hindi niya magiging kakampi sa pagkakataong ito ang kuya niya. "The best for me or for the company?"
"Rebs-"
"Never mind, kuya. Matulog na kayo at 'wag nang mag-alala sa akin, okay lang ako. Uuwi rin naman ako bukas."
Akmang magsasalita pa sana ito ngunit agaran na niyang pinatay ang tawag. Pagkatapos ng tawag na iyon ay um-order pa siya nang um-order ng maraming glass ng inumin. She really needs drinks right now dahil kung hindi ay mababaliw siya sa kaiisip. Sa kaiisip ngayon palang na magpapakasal siya sa lalaking 'ni isang beses sa talambuhay niya ay hindi pa niya nakikita o nakikilala man lang!
Hindi ganito ang kasal na pinangarap niya para sa sarili. Ang kasal na pinilit lamang siya para sa lintek na business nila! Ang pangarap niya ay ang magpakasal sa taong mahal niya at sigurado siya, sa taong ilang taon na niyang kakilala at karelasyon. Tatlo o limang taon na relasyon bilang magkasintahan bago magpakasal, iyon talaga ang kanyang plano. Yung tipong solid na ang pagmamahal at may tiwala na sila sa isa't-isa ng lalaking pakakasalan niya.
Yeah, she's now single dahil kabi-break lang nila ng former boyfriend niyang batang Congressman ng distrito nila. Nothing serious, they only lasted for nine months. Rebecca's just twenty-four years old kaya wala pa naman talaga sa kanyang plano ang magseryoso sa kahit na sinong nakakarelasyon. Bata pa siya at hindi naman siya natatakot maubusan ng lalaki dahil alam niyang hindi naman talaga sila mauubos, she's Rebecca Leandra De Vera at hindi nauubusan ng mga manliligaw ang mga De Vera!
Magseseryoso lang siya kapag nahanap na niya ang taong mai-in love talaga siya ng lubusan. Iyong tipo ng lalaking kababaliwan ng isang tulad niya at tipo ng lalaking mamahalin niya ng panghabang buhay kaya hanggang hindi pa niya nahahanap ang taong 'yon ay wala pa siyang planong magtino lalong-lalo nang wala pang planong magpakasal!
"One more!" sigaw niya sa bartender saka lahad ng glass sa harapan nito.
Walang patawad na lumagok ulit siya. Wala siyang pakialam kahit ramdam na niya ang labis na pagkahilo at pamumungay ng mga mata dahil sa kalasingan. This is what she wants that's why she'll embrace this!
Isipin palang niyang magpapakasal siya dahil lang pinilit siya para sa negosyo ng pamilya nila, magpapakasal siya sa taong 'ni hindi niya mahal, at magpapakasal siya sa isang total stranger ay halos mabaliw na siya. What if that man is super rich yet he is old and a big time boring na taliwas sa ideal man niyang hearthrob at puno ng thrill at excitement sa buhay? Ngayon pa lang ay nai-stress at sobrang nade-depress na talaga siya kaiisip!
"Ang laki yata ng problema mo ah?" anang lalaking kauupo lang sa katabi niyang stool.



Tulak ng Bibig kabig ng DibdibWhere stories live. Discover now