After
"Hello po? Sa totoo lang hindi ko alam paano u-umpisahan ang kwento ko. Ako nga pala si Archie 21 Years old 3rd year College. ahhh, aminado ako sa sarili kong mahiyain ako pero kasi ganito na ako walang lakas na loob para magsalita. Hanggang sa umabot sa puntong ito na buong lakas akong magku-kwento dahil bakit hindi? Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng ganito ang mag mahal, Oo late na ako pero nandito ako ngayon para ipagsigawan ang nararamdaman ko."
--------
Before
Kanina pa ako hindi mapakali sa apat na sulok ng inuupahan kong simpleng kwarto. Apat na buwan na akong nandito lang at hindi pa lumalabas, Oo Introvert ako pero may mga kaibigan din naman ako.
Ako lang ba yung may ganitong nararamdaman, Yung kahit hindi ako sanay makipag usap basta may kasama akong malapit sa buhay ko ay "OK" na ako?
Pakiramdam ko tuloy ang sikip sikip na ng mundo, hindi ako vocal sa mga naiisip ko, naka Quarantine ang buong mundo, kailangan na ng PPE pag lumalabas. Hays.
Napaupo ako sa tapat ng Lamesa nakaharap sa'king ang Cellphone. "Bakit ba ang daming adik na adik sa mga dating app?" Pinag isipan ko muna, kung gagamit ako tutal wala naman SIGURO sakin makakakilala doon. Tsaka pang palipas oras lang.
Tinatakpan pa ba ang Camera para safe kung sakaling masaaamang tao makaharap ko?
Nakailang Skip na ako. Wala parin akong nararamdamang excitement, Kaba meron kapag nakikita ko na sila.
"Nakaka-kaba makipag usap sa hindi kakilala."
Hanggang sa makita ko 'tong babae na may hawak na sulat.
"Don't Skip please, :'("
Tatawag na ba ako ng emergency? Bakit may naka ganito? Pero tinitigan ko muna sya ng ilang segundo.
Parang ligtas naman siya.
"Yes! Ikaw lang ang nag-stay kuya! Sana all nag i-stay!" Pagtapos ay tumawa pa sya. Pinunasan nya yung noo nya na parang pagod na kakahintay may makausap lang sya.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, kinakabahn ako talaga bakit ba ang dali lang makipag usap lang ng iba sa ibang tao? "Hello?" Ngumiti pa ako para hindi halatang kinakabah.
"Ay ang Formal mo naman masyado! Mauuna na ako si Claire, I AM CLAIRE..." Pag papakilala nya sakin.
Nalaman ko ang hilig nya sa make-up, sa Clown na naisip ko konektado hahaha.
Unti unti ay napapangiti na ako ng totoo, humaba ng humaba ang introduction nya na parang whole context na ng libro pero ok lang. Masasabi kong yung personality nya ay ibang iba sa mga babaeng nakasalamuha ko.
Nagulat ako kasi tapos na pala sya magsalita naka ngiti nalang na nakatitig sakin hinhintay ako para ako naman ang mag salita.
Nagpakilala na ako pero saglit lang. Umabot kami sa pagpapalitan ng SocMed, at ayon nag paalam na sya.
Sabi nya pa sakin ang Wierd ko daw kasi nasa Dating App ako tapos mahiyan Hahaha.
Matapos ang araw na yon ay halos araw araw na kami nag fa-face time.
Ang ingay talaga ni Claire.
Buong araw ako nakangiti, akalain mo yon hangaang sa paghuhugas ng pinggan napapangiti ako. Dahan dahan sa mga araw na nakalioas ay naginv komoortable ako sa kanya, Napatanong ako sa sarili ko. "May nagugustohan na ba uli ako?"
Bihira lang kasi ako magkagusto, kung tatanungin nyo ako kung naiimagine ko ba na tatanda ako mag isa? Ang masasagot ko ay "oo" hindi na bago sakin yon.
Lumipas ang mga buwan na Araw-araw kami magka-usap ni Claire DATI dahil ngayon GABI-GABI na. Gabi-gabi kaming magkausap bago matulog, gabi gabi namin nakikita ang mga muka namin bago matulog.
Handa na ba ako kung sasabihin ko sa kanya nararamdaman ko?
Pero itong gabi na ito? Naiiba kaysa sa normal naming nagtatawanan tuwing gabi, dahil ito parehas lang kaming tulala.
Para mabasag ang katahimikan nagtaning ako. "Uhm, Claire bakit gabi ka lang pwede makipag usap sakin?" Tanong ko sa kanya.
Ilang segundo bago sya sumagot. "Matanong nga kita Archie, May gusto ka ba sakin?" Cold pero cute na pagkakasabi nya kaya medyo napangiti ako, baka may pag asa ako. "Siguro oo kasi kung wala bakit mo ako natitiisan kausapin gabi gabi diba?" Nahinto uli ang aming usan ng matagal.
Sa mga oras na to hindi ko alam kung sasagot ba ako o hindi dahil ang totoo hindi ko mabasa si Claire kung may gusto din ba sya sakin.
"Kung ok lang ba, maghinay hinay na tayo sa pag uusap natin? Ayoko kasing abusuhin yung mga pinapakita mo."
Nang marinig ko yung mga salitang yan tumigil ang oras ko, may nagawa ba akong masama?
"Hi-hindi ok lang sakin masaya ako—"
Hindi ko natapos ang aking sasabihin, Anong ibig nyang sabihin doon?
BINABASA MO ANG
Ikaw nga
Teen FictionPara saan mo ba Ginagamit ang Dating Site? Taong 2020 ay nag karoon ng Pandemic, Si Archie na isang Introvert ay lakas loob gumamit ng isang dating app dahil na rin sa buryo. Doon niya makikila si Claire na may tinatagong karamdaman, paano kaya mata...