Chapter 3

93 6 1
                                    

A/N:Sorry kung ngayon lang after 1234567890 years..Student po ako😢Enjoy Reading!!😊

°♤♡◇♧°

Habang binabaybay namin ang daan pauwi ng bahay namin.Hindi ko maiwasan na mag-isip sa nakita ko.Hindi malinaw ang lahat,pero alam ko na ang mata na iyon ay sa kanya.Buntong hinga na lang ako,naiinis ako sa sarili ko kapag hindi ko nabigyan ng sagot ang sarili ko.Tumingin ako sa labas ng bintana.Alam ko ang lugar na'to.

Daan ito papuntang Hemsworth Academy.Maraming akong memories sa school na 'yun.Kahit na mas lamang ang masasakit mahalaga padin sa akin ang mga masasaya na alaala.Sumilay ang ngiti sa ang labi at ganoon din ang lungkot sa aking mukha.

"Card,ihinto mo ang sasakyan sa tapat ng gate."utos ko sa kanya.

"W-why?Bakit gusto mong huminto?"

"Ihinto mo na lang."sabi ko ng hindi man lang siya binigyan ng tingin.

Excited na akong bumaba,kahit hindi pa nakakahinto ang sasakyan ay binuksan ko na ito.Hindi ako makapag-hintay na alalahanin lahat ng alaala ko dito.

Hindi pa man din ako nakaka-pasok ay nakita ko ang sarili ko sa harap ng gate.Duguan ang dibdib dahil sa tama ng baril.Magulong mga tao,si Lexuez na akay ako.Dama ko ang luha sa mukha ko.Ang sakit pa pala,masakit balikan ang huling kong alaala.Nilagay ko ang kamay ko sa kaliwang dibdib kung saan ako natamaan.Akala ko naghilom kana,hindi pa pala.

"Alliah,let's go.Naghihintay si Lexuez sa atin."huminga ako ng malalim bago ako sumunod sa kanya.

Sa alaala na bumalik sa akin ay hindi ko maiwasan na magalit at lalo na ang masaktan.Butil ang luha na kumawala sa mga mata ko.

Pangako ko sa sarili ko na ako mismo ang hahanap sa taong gumawa sa akin n'on.Pagbabayaran mo ang ginawa mo.Maliit lang ang mundo,hindi magtatagal maghaharap din tayo.Dahil tadhana na mismo ang mag-dadala sayo sa akin.

Bumalik na lang ako sa loob ng kotse bago ko pa maalala ang mga pangyayari noon sa akin dito.At bago pa ako malamon sa galit ko ay iniwasan ko na lang na isipin iyon.Inisip ko na lang kung kumusta na ang lola ko,kung kumusta na bahay.Isinandal ko ang ulo sa upuan at saglit na pinikit ang mga mata ko.

"Alli,you can rest malayo pa naman tayo sa inyo.I know your tired."

Ramdam ko na din naman ang antok at pagod kaya hindi na ako umangal sa suwistyon niya.

Dumaan ang ilang minuto ay dumating na din sila Alliah at Card sa mansyon ng Hemsworth.Binaling naman ng binata ang dalaga na payapang natutulog sa kanyang tabi.Agad naman sumilay ang matamis na ngiti ni Card sa kanyang labi.

"We're been together for a long time pero niminsan hindi parin ako ang taing na aaalala mo in the end of the time."

Hindi naka-takas ang lungkot ng mukha ng binata habang pinagnamasdan ang dalaga.Dahil sa himbing ng tulog ni Alliah ay napagpasyahan na lang ni Card na hindi na siya gisingin.Lumabas si Card para lumipat sa kabilang pinto.Binuksan niya ito para kargahin ito na ani mo'y bagong kasal.

Tama naman ang pag-labas ni Lexuez,dahil naabutan niya na karga na ni Card ang kanyang pinsan.

"Pakidala na lang si Alliah sa kwarto niya."

Tango naman ang itinugon ng kaibigan sa kanya.Agad naman nila itong inihatid sa kwarto ng dalaga.

Matapos ilapag ang dalaga sa kanyang higaan ay hindi na napigilan ni Card na ibuga ang buntong-hinga niya.Agad naman itong binigyan ni Lexuez ng 'what's the problem look'.

"Huminto kami kanina sa school.And she's trembling.Kahit hindi niya sabihin,alam naman natin na she still hunting that memories."ani nito.

Wala namang naging tugon si Lexuez sa sinabi ng kaibigan pero kahit ganoon ay marami pa di'ng tumatakbo sa isip nito.Kahit ilang segundo ay hindi nawawala sa isip ni Lexuez ang kanyang pinsan.

"Salamat sa pag-hatid sa kanya."pasalamat nito sa kaibigan.

"Don't mention it,everything for her."

Sabay itong bumaba sa sa silid ng dalaga.At tinungo nila ang sala.Doon na din pinag-usapan ng dalawa kung ano ang balita sa kanilang sikretong trabaho.

"Anong balita sa mga tauhan mo?"tanong ni
Lexuez

"Patuloy parin sila,hindi naman sila guma-galaw ng hindi ko iniuutos."sagot ni Card.

Huminga ng malalim si Lexuez para pakalmahin ang sariling galit na lumulukob sa kanya sa mga oras na iyon.

"Matagal ko itong pinag-isipan.Matagal din na pananahimik kaya maniningil ako."nakakuyom nitong sabi.

"Handa na kaya si Alliah sa mga bagay na dapat niyang malaman?Panibagong sakit ito para sa kanya,bro?"

"Alam ko iyon,pero ang alam ko pa ngayon ay hindi pa ito ang tamang oras para malaman.Hayaan muna natin siya'ng ma-enjoy ang pag-babalik niya.Let's just make na walang makaka-panakit sa kanya.Sa mga iras na ito for sure hindi pa nila alam na naka-balik na siya."

Kahit na natahimik ang mag-kaibigan ay hindi naman naging mahirap sa kanila na magka-intindihan.Kapwa blanko ang mga mukha,ngunit sa loob nito ay tila bulakang sasabog.

To be continued...
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
°Don't forget to VOTE,COMMENT and SHARE THE STORY.....FOLLOW NA DIN😁°

Like and Follow @ladymichgel page for more updates and visit my other social media accounts😉

Thanks for reading😊
Lovelots❤

-ladymichgel

The Truth Behind the PrincessWhere stories live. Discover now