Megan's POV
Isang buwan na magmula ng malaman ko na may relasyon si Josh at si Olivia. Mukha naman silang masaya sa isa't isa. Pero ako, hindi! Paano ako magiging masaya kung ang makakapagpasaya lang sa akin ay ang paghihiwalay nila? Pero paano ko naman gagawin 'yun kung kulang na lang pati sa bahay magsama sila. Hindi na yata sila nagkahiwalay. Ano 'yun? Hindi ba sila nagsasawa sa mukha ng isa't isa? Ako kasi sawang sawa na ako sa mukha ni Olivia. Akala mo mabait, malandi din pala. Oo! Mas malandi siya sa akin. Kung malandi ako mas malandi siya kasi nalandi niya ng ganun kabilis si Josh. Ako nga magmula ng bata pa kami magkasama na pero siya pa rin ang nagtagumpay. So... I therefore conclude na mas malandi talaga siya.
Papunta ako ngayon sa school. At ang nakakainis ngayon ay ka-blockmate ko silang dalawa. Hanggang sa classroom ba naman magkasama sila?!
Naglakad lang ako dahil malapit lang naman ang school sa village namin. Hindi ako poor pero mas prepare ko ito dahil kailangan ko rin i-maintain ang aking sexy body. Hindi naman ako katulad ng ibang mean girls na pupunta sa school sakay ng isang pulang kotse at aabangan ng mga alipores ko sa harap ng school. Tapos magda-diet ng sobra na halos ikamatay na para pumayat lang. Kailangan ko ng healthy lifestyle para dun.
Nasa may gate na ako ng makita ko sila. 'Yung malanding si Olivia at ang nagayumang si Josh. Nagayuma nga siguro siya dahil lahat ng sabihin ni Olivia ay sinusunod niya. Walang angal. Robot lang? Makaalis na nga, nakakaumay na sila.
Sa room ay agad akong sinalubong ni Pia. 'Yung inaway ko sa Chapter 1. Magkabati na kami ngayon kaya kinakausap ko na siya. Nag-sorry na kasi siya sa akin.
"Meg... Alam mo na ba?" - bungad niya sa akin.
"Linawin mo nga. Ano ba 'yun?" - balik tanong ko sa kanya. Ang labo din talaga nito minsan. Paano ko malalaman ni hindi ko nga alam kung ano ang tinutukoy niya.
"May bago tayong classmate. At balita ko kakilala siya ni Livy. Nakita ko kasi siya sa village kahapon, magkasama sila." - kwento niya.
"So what? Wala akong pakialam sa kanya." - kaloka itong si Pia. E ano kung may kasamang iba si Livy. Teka... May kasamang iba si Livy? Niloloko ba niya si Josh? No.... Yes! Kailangan niya malaman ito. Hindi niya pwedeng i-two time ang prince charming ko.
"Pia, samahan mo ako. Humanda sa akin 'yang Livy na 'yan. Malandi talaga siya." - yaya mo kay Pia sabay hatak sa kanya.
Nakarating naman kami agad sa gate. Nakita ko dun si Livy kasama syempre si Josh at ang isang lalaking hindi ko kilala. Ngayon ko lang siya nakita.
"'Yan 'yung lalaki na kasama niya kahapon. Mukhang kilala din pala ni Josh." - bulong sa akin ni Pia.
Dumaan ako sa harapan nila.
"Malandi talaga. Talagang legal ang pag-two time. Haba ng hair." - pagpaparinig ko kay Livy.
Napatingin naman sila sa akin.
"Tigilan mo na nga 'yan Megan. Walang ginagawa si Livy kaya wag mo siyang sinasabihan ng kung anu-ano." - si Josh. Confirmed. Nagayuma nga ito. Niloloko na nga pinagtatanggol pa.
"Ha? Sinong nagsabing pinaparinggan ko siya? Depende na lang kung tinatamaan siya. Hindi naman siya 'yung sinasabi ko." - depensa ko.
"Kilala kita Megan." - Madiin na sabi pa niya. Gigil na gigil na naman siguro ito sa akin. Sorry Josh. Kailangan kong gawin ito para matauhan ka.
"Ayyyiiieeeehhh.... Kilala daw ako ni Josh. E 'yang kasama mo kilala mo din ba?"
"Tumahimik ka na Megan kung ano man 'yang gusto mong sabihin. Marco sumabay ka na sa amin ni Livy. Tutal magkakaklase naman tayo." At umalis na nga sila.

BINABASA MO ANG
The Other Side of the Story
Teen FictionEverybody knows her story. Do you wanna know mine? A story of a girl who falls in love and never been chosen. A story of the second lead who always rejected by the man she loves for the main lead. Can she be a heroine in someone's heart?