Chapter 2

16 3 0
                                    

Chapter 2: Ride

SA sobrang inis ko kanina ay si Aye ang napagbuntungan ko ng inis, ilang beses ko siyang inirapan at inikutan ng mata pero mukhang wala siyang paki-elam at hinayaan akong mag-sungit pero 'wag ka, pag si Lia at Aye ang nag-sungit sa 'yo paniguradong hindi ka talaga papansinin!

Ang mahirap sa dalawang 'yun ay masungit pero mas masungit si Lia dahil kahit hindi ito beast mood ay iirapan ka nalang niya bigla. Mabuti nalang ako ay maganda lang ang kaya kong iharap sa mga madla. Ilang minuto pa bago makapunta rito sina Lia at Ara.

At halos mapa-irap ako sa hangin habang ikwinekwento ang nangyari kanina kila Lia. Nasa canteen— I mean cafeteria kasi kami ngayon, kumakain ng kung anong mayroon sa cafeteria na 'to. Infairness, ang sarap ng pag-kain nila, kaya siguro tambayan ng mag-jowa minsan ang cafeteria kasi masarap tumambay.

Masaya ang kwentuhan namin kaso nga lang biglang may pa epal slash kulang sa papasin slash ingitera na grupo ng mga babae. Hay, ang hirap talaga pag maganda, lahat sila ay threatened sa 'yo. Makaka-alis na sana kami kanina pagkatapos ng rambulan na 'yun kaso nga lang bigla naman dumating itong si Marcus na mayabang slash prevert!

At talagang nginisihan niya pa ako, napansin ko rin na naka-tingin siya sa dibdib ko kaya kaagad ako itong tinakpan gamit ang isang kamay ko dahil hawak-hawak niya ang aking pulsuhan.

"Bastos!" Sita ko sa kanya.

Tumawa siya ng mahina."What? Wala naman akong ginagawa ah," inosente niyang sinabi.

Inirapan ko lamang siya."Bitawan mo nga ako," utos ko rito.

"No, why would I?"

"Pakawalan mo ako o—"

"Hahalikan mo ulit ako? Sige, just kiss me," inilapit nito ang kanyang mukha sa aking mukha.

Sinamaan ko siya ng tingin. Pakiramdam ko tuloy umalis lahat ng dugo ko sa katawan at napunta ito sa mukha ko, at 'yung pride ko ay napalitan ng kaba. Sasampalin ko na sana siya nang may sumigaw.

"Ryder ko! Look what they did to us!" Sigaw noong isang babae na nag-simula ng away kanina, hindi ko alam pangalan nilang apat pero halatang mga mayayaman na babae ito.

Kaagad na sumang-ayon ang kasama niyang tatlo."Oo nga, sinabunutan pa ako ng babaeng 'yan," duro sa akin ng isa.

Aba! Tarantado 'tong isa ah?! Handa na sana ako sugurin siya ngunit pag-tingin ko kay Aye ay iba ang tingin niya, mukhang may plano siya. Tiningnan ko ang naka-hawak sa kamay ko, pag-tingin ko ay naka-tingin lamang siya roon sa apat na babae habang nakikipag-usap sa isang kapatid niya— Ares ata ang pangalan no'n.

Napansin ko rin namang medyo lumawag ang hawak niya sa akin. Nagkatinginan kaming apat. At dahil matalino kaming apat at pareho ang aming pag-iisip ay sabay-sabay kaming kumawala sa pag-kakahawak nila. Atsaka sabay na tumakbo papalabas ng cafeteria.

Hindi namin alam kung saan kami pupunta basta't tumakbo lang kami. Parang follow the legs lang gano'n. Muntikan pa nga akong madulas dahil sa tiles na sobrang kintab. Mabuti nalang at naka-labas kami ng building.

Saktong huminto kami sa hardin ng eskwelahan."G-grabe! Ang layo ng tinakbo natin!" Hingal na hingal na sinabi ko.

Umupo kaming apat sa bench, hinahabol pa namin ang paghinga namin dahil hindi ko talaga kinaya ang takbong 'yun. Tang ina! Hindi na ako tatakbo ng gan'tong kalayo!

"Anong problema ba nang mga 'yun at tayo ang pinag-tripan?" Inis na tanong ni Lia.

Inikot ko ang aking mga mata."Ayon sa akin resources ay fan 'yun ng quadruplets," sagot ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 07, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Oh My Doctor!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon