Enamored

101 12 105
                                    

Itinigil kong saglit ang pagwawalis dito sa malawak na halamanan sa gilid ng hacienda. Nagsisimula na naman kasing kumulimlim at baka maabutan pa ng malakas na ulan ang mga kurtinang pinaghirapan kong patuyuin.

Agad akong dumiretso sa likod at nagmamadaling kinuha ang mga nilabhan ko. Ingat na ingat ako dahil baka marumihan ang mga 'yon at  mapagalitan na naman ako ni Nanay Ildefonsa, ang mayordoma rito.

Dalawang buwan lang ang itatagal ko rito kaya gusto ko sanang maging maayos ang takbo ng trabaho ko.

Mabait naman ang mayordoma. Sinasakop niya ako lagi sa pagluluto niya ng pagkain. Maya't maya niya ring sinisigurado kung maayos lang ba ang pamamalagi ko rito at kung wala raw bang nagiging problema. Talagang mahigpit lang siya pagdating sa pag-aalaga ng mansyon dahil sa tagal na niya rito ay kabisado na niya ang lahat ng gagawin.

Nang nakuha ko na ang panghuling sinampay ay halos di ko na makita ang daraanan ko pabalik. Pero bago pa man ako makatuloy ay may lumapit na sa harapan ko at dahan-dahang kinuha sa akin ang mga nilabhang kurtina.

"Oh Ronan! Ikaw pala ulit 'yan!"

Malaki ang ngiti niya sa akin kagaya ng lagi niyang ginagawa.

"Oo Sythia, tulungan na kita ha." Sabi niya at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Kung ako ay bigat na bigat na sa mga telang 'yon, sa kanya ay parang wala lang. Mabilis niya 'yong inilagay sa malaking basket sa bungad ng pinto ng lumang kusina.

"Salamat ha! Nakakahiya naman at lagi mo na lang akong tinutulungan."

"Wala 'yon Sythia..."

Ngayong nakatayo na siya sa harapan ko, saka ko lang napansin ang suot niya. Isang itim na pantalon 'yon at mukhang mamahaling polo.

"Ang gara ng porma mo ngayon ah! Bagay na bagay sa'yo. May nilakad ka ba sa bayan?"

"Ah... Oo, may ano... may i-inutos lang sa'kin ang amo ko." Napakamot siya sa batok niya at nahihiyang tumingin sa'kin.

"Ano ka ba, 'wag ka ngang mahiya d'yan! Ang gwapo mo kaya sa suot mo." Puri ko sa kanya, kahit sa totoo lang, ano man ang isuot niya ay bagay pa rin.

Nagliwanag ang mukha niya sa sinabi ko.

"Talaga?"

"Oo naman."

Habang nag-uusap kami ay biglang kumulog nang paulit-ulit at mas lalo pang nagdilim ang kalangitan.

"Naku, mukhang malakas pa yata ang ulan ngayon. Dito ka muna sandali ha. Aayusin ko lang ang mga 'to sa lalagyan. 'Wag kang aalis..."

Kinuha ko ang basket ng mga kurtina at ipinasok 'yon sa isang kwarto sa ibaba para tiklupin. Sinigurado ko munang sarado ang mga bintana sa buong mansyon. Pagkatapos ay pumunta na ulit ako at dumaan sa gilid ng kusina kung saan siya naroroon.

"Tara sa tinutuluyan ko. Papakainin muna kita ng pansit."

Hinila ko siya sa braso at nagpatianod lang siya sa akin.

Hindi ako mismo sa loob ng mansyon nakatira. Dito lang ako sa malayong gilid ng halamanan pero nasa loob pa rin ng bakuran. Malawak ang plantasyon sa paligid at sariwa ang hangin. Dati itong tinitirhan ni Aling Marianita, ang nangangasiwa sa paglilinis dito. Siya ang dating kasama ng mayordoma. Ngayon, ako muna pansamantala.

Saktong pagkarating namin ay agad na bumuhos ang kanina pang nagbabadyang ulan.

"Mabuti na lang at hindi tayo naabutan! Pasok ka..."

"Hindi na siguro Sythia... Dito na lang ako."

Nilingon ko siya na naroon pa rin sa hamba ng pintuan.

EnamoredWhere stories live. Discover now