MY LOLA's BESTFRIEND
✍️:MisteriumAenigma01Yoya,*hik*inaaway ako ni Miko*hik*umiiyak na sabi ko saka mahigpit na niyakap ang aking lola.
Taha na apo.Gusto mo bang kwentuhan kita tungkol sa bestfriend ko?malumanay niyang sabi na nagpasimangot sakin.
Pauyit-uyit naman po yan eh.nakabusangot kong aniya.
Ngumite si lola na nagpangiti narin sakin.
Nong bata pa ako ay sakitin na talaga ako.Laging inaaway at binubully tulad mo,Apo.tahimik lang akong nakikinig sa kaniya.
Walang akong ibang magawa noon kundi ang umiyak ng umiyak.Napakunot ang nuo ko nong bahagya siyang ngumiti na para bang may inaalala.
Tapos may isang batang babae na pinagtanggol ako.Namangha ako sa katapangan niya.Hanggang sa naging mag bestfriend kami.
Yoya?Bat po kayo umiiyak?Nasan na po ang nagtanggol sayo?inosente kong tanong.
Hinaplos niya ang buhok ko bago nagsalita.
Patay na siya apo.Nasa langit na siya ngayon.sabi niya saka pinahid ang luhang umaagos sa mukha niya.
Po?Ano po yung langit?Pwedi po ba akong pumunta?umiling si lola na ikinakamot ko ng ulo.
Yaya naman eh!Nakabusangot kong sabi na ikinatawa niya ng bahagya.
Mahal kita,Apo.napalitan ng ngiti ang nakabusangot kong mukha.
Mahal din po kita,Yoya.sabi ko pabalik saka mabilis siyang niyakap***
BINABASA MO ANG
Different One Shot Stories
FanfictionIto ay iba't ibang uri ng one shot including(sad/tragedy/happiness/romance/