06

115 2 0
                                    

"Ano Pau? Bakit parin nila tayo sinusundan? Akala ko ba okay na lahat? Bakit napunta nanaman sila Sharlene sa bahay?" Sunod- sunod kong tanong kay Paulo kase wala naman alam si Stell

"Akala ko rin okay na, 'yun ang sabi ng mama mo sakin e" sabi nya habang nagaayos ng mga gamit ko

Tinulungan ko na rin sya para mapabilis ang pag-ayos

"Kain na muna tayo tas pahinga na 'rin, halatang pagod si Jah e' ikaw ba naman habuling ng Van nila Shar hahaha" sabi ni Stell at hinain na ang mga pagkain sa lamesa

Nagluto pala sya, kaya naman pala wala sya kanina

"Ikaw daw ang kailangan ni Sharlene, Jah" Natigil ako sa pag-subo dahil sa sinabi ni Paulo

"Luh bakit ako, diba sila daddy kailangan n'yan?nadamay lang ako d'yan e" sabi ko at nagpatuloy sa pag-kain

"Gago Jah, ikaw kailangan wala syang connect sa ano nila ng pamilya nyo sa pamilya nila, ikaw daw mismo kailangan nya" pagkatapos nya sabihin 'yun ay tumango nalang ako at binilisan ang pag-kain

"Sigurado ka ba Jah?mamaya set-up 'yan ah" kabadong saad ni Paulo

"Hayaan mo na, may pipindutin naman akong button para makoryente ka hahahaahha"saad ko at sabay dikit kay Paulo ng koryente

"Tangina ka talaga, punta ka na dun" tinulak tulak nya pa ako

"Hi Sharlene" bati ko at umupo sa harap nya

"Oh, hi Jah nice to see you again" ngiti nyang saad

"So bakit mo ako pinapunta dito?" Diretso kong tanong sakanya

"Wala lang teh, namiss lang kita bakla ka" sabi nito at umorder

"Inamo kinabahan ako saiyo, akala ko kasama mo tatay mo kanina" sabi ko at ininom ko ang tubig na nasa mesa

"HAHAHAHAHAHA bakit kayo natakot nila tita, gago natatawa nga ako kay tita kanina nagchikahan pa kami" daldal nito

"Matakot nalang kayo kay mama, nakatakas daw si mama sa kulungan sabi nila Secretary Tim, idk kung ano nanaman ang napasok sa kokote 'non hays" sabi nya at biglang dumating ang order

"Tas teh, humihingi na ng sorry si papa sainyo, gulat nga ako bigla kausapin 'no tas sabihin ko daw sainyo sorry" saad nito sabay subo ng meat sa bibig nya

"Sa mama mo nalang kami natatakot, gagi mamaya nagtanim na 'yon ng bomba sa bahay namin"

"Gago Jah yuko!" utos ni Shar at sabay kami yumuko

Napayuko narin ang mga ibang tao, ang ibang babae naman nagsisigawan dahil sa isang putok ng bala

"San galing 'yon?!"tanong ko kay Shar na may kung ano ano pinipindot sa cellphone

Mukhang tinatawagan ang mga bodyguards

"Si mama daw, inutusan nya daw yung isang lalaki samin na barilin ka" sabi nya sabay hila sakin

Pinindot ko na rin ang pangkoryente kay Paulo

"Jah, okay ka lang?ikaw Shar? Okay lang ba kayong dalawa?" Alalang tanong ni Paulo samin

Tumango nalang kami at sumakay na

"Jah, sorry ha alam mo naman na hindi pa nakakamoveon si mama dahil sa pagbagsak ng kompanya nya dahil sainyo" yukong sabi ni Shar

"Okay lang 'yon, ipalipad mo na nga 'yang nanay mo at ipagaling hays"

"Dun muna kayo magstay sa condo, ikaw rin Shar" sabi ni paulo at tumango naman kaming dalawa

Sana naman matapos na 'to

In the next life, i'll choose you|SB19 KENTIN FANFICWhere stories live. Discover now