OO1.

33 5 1
                                    

"Oh Mae, ikaw na muna dumalaw sa lola mo ha? Anjan na sa lamesa yung mga prutas at gamot niya."

Napatigil naman sa pagtipa si Mae sa cellphone nito at agad bumusangot.

"Ma naman, wala sa plano ko ngayong araw dumalaw sa hospital." akmang tatakbo na ito sa kwarto nya ng bigla uling nagsalita ang ina.

"Dadalaw ka o kukunin ko yang cellphone mo?" dahilan para lalo siyang sumimangot.

"Pupunta na po." matamlay niyang sabi at kinuha ang paper bag kung nasa'n asa loob ang mga gamot.

"Ngayong araw lang nak, ako na ulit ang dadalaw bukas may gagawin pa kasi kami ng papa mo." Agad napataas ang kilay ni Mae at nagsuot na ng sapatos.

"Ayoko muna ng kapatid ma ah!" sigaw niya ng tuluyan ng makalayo habang tumatawa.

Isa sa pinaka ayaw ni Mae na lugar ang hospital. Hindi sementeryo o haunted house kundi hospital, hindi rin sumagi sa isipan niya kumuha ng course na sakop ng medical field.

"Sa gilid nalang ho,manong." saad niya sabay bigay ng pamasahe sa mama.

Pinagmasdan niya muna ang kabuuan ng hospital at nagbuntong hininga bago pumasok sa loob.

"Lola!" bati niya sa lola na nonood ng telenovela sa TV.

"Apo! mabuti naman ikaw ang dumalaw sakin ngayon? sawang sawa na ko sa mukha ng mama mo hay nako." pabirong saad ng lola niya.

"Nako lola, ako ang pinadalaw ni mama ngayon kasi may gagawin daw sila ni papa." hagikgik niya.

"Ganon? nako pu! sana abutan ko pa yang pangalawang apo ko sakanya." pabiro niya muling sabi.

"Hay Lola, 'wag ka nga nagsasalita ng ganyan. Eto oh andaming pinadala sakin ni mama. Magpalakas po kayo ha?" nginitian niya ang lola.

Matapos makipagkwentuhan sa Lola ay pinagpahinga niya na ito at pinatulog. Dahil nga sa tulog ang kanyang lola binalot ng katahimikan ang kwarto kung nasaan siya ngayon. Nilibot niya ang paningin at nakitang purong puti lamang ang pintura ng kwarto.

Rinig din niya ang pag bubbles ng tubig kung nasaan ang oxygen tank. Pakiramdam niya hindi siya makakatagal sa ganon kaya nagpasya siyang lumabas.

Laking gulat niya ng may isang malawak na fountain ang hospital at may mga upuan pa sa gilid, agad siyang dumiretso don. Napangiti siya sa ganda ng tanawin at sariwa ng hangin sa pwesto niya.

"Hello." muntik na siyang mapatalon ng magsalita ang isang lalaki sa wheelchair nito.

"Ahm, Hi?" bati niya pabalik.

"Bago ka lang dito? Ngayon lang kasi kita nakita." Tumango naman siya.

"Dinalaw ko lang yung Lola ko." Don't talk to strangers Mae! nasa isip niya.

"I'm Stell, Stellvester." pagpapakilala ng lalaki sabay ngiti.

Nawala naman sa isip niya ang sinasabi niyang don't talk to strangers ng makita niya ang ngiti nito.

Para siyang anghel kung ngumiti, parang ang bait bait niya. Agad namang umiling si Mae ng maisip ito.

"Mae."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 03, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Give you my all | SB19 STELL.Where stories live. Discover now