Deanne Jill
Matapos mag-ayos ay agad din kaming lumabas ng mall. Nang makarating na kami sa company ay iba't-ibang bati ang aking natanggap na tinatanguan ko lang. Sinamahan naman kami ng secretary ni Mommy ng mapadaan kami sa opisina nito papunta sa opisina ni Mommy, bago nito buksan ang pinto ay kumatok muna ito at inanunsyo sa aking ina na nakarating na ako.
"Deanne good to see you here, Hi Fleur and Amiela" bungad saamin ni Mommy at bumeso saamin.
Hindi na ako sumagot dito at agad na naupo. Habang nagbabasa ako ng magazine ay muling pumasok ang sekretarya ni Mommy upang ipaalam na nandito na ang photographer at kailangan ko na ayusan. Pagkarating ko sa kwarto kung saan magaganap ang photoshoot ay agad akong pinagpalit ng damit at nilagyan ng alahas. Matapos magbihis ay agad din akong sumalang dahil ako na lamang ang inaantay. 9pm na ng matapos kaming mag-photoshoot kaya nag-aya agad akong umuwi ngunit nagugutom daw si Ameila at Cecile kaya't naisipan naming dumaan muna sa restaurant. Pagka-pasok namin ay agad kaming sinalubong ng waiter at inihatid sa maaring upuan. Umorder naman na ang dalawa kaya tahimik nalang akong nakaupo at nagbabasa. Habang nag-aantay kami ng pagkain ay mayroong lumapit sa aming table.
"Cecile and Amiela right" tanong nung mayabang na si Oliver
"yes and you are?" pagtatanong naman ni Cecile
"Oliver Placido and these are my friends Lorence and Timothy we're classmates"
"yeah natandaan namin" sagot ni Amiela
"So how about you Miss beautiful? you look familiar" tanong saakin pero irap ang isinagot ko "ay ang sungit" ani pa nito
"Sorry, do you want to join us?" tanong ni Cecile sa mga ito.
"Sure" sagot nila at naupo.
"Diba kasama niyo yung isa niyong kaibigan? nasaan siya?" biglang tanong ni Timothy ng makaupo ito.
"Bakit mo hinahanap? Grabe first day palang nahulog na loob mo kay tombits" pang-aasar ni Oliver dito.
Tombits huh?
"Shut up!"pagpapatahimik dito ni Timothy.
"Excuse me" singit ng server.
"Yes?" tanong ni Amiela.
"Hindi na po available yung inorder niyo, nakauwi na po pala yung head chef kasi may emergency daw po" pagpapaliwanag nito.
"Aw! but that's my favorite" malungkot na ani ni Cecile.
"We're sorry po"
"It's okay i can cook" singit ko sa usapan nito at agad na tumayo.
"But Jill" pigil ni Amiela at napatakip ng bunganga huli na ng napagtantong nasabi niya ang aking pangalan.
Agad kong tinignan ang tatlong lalaki at halata ang gulat sakanila.
"Ikaw yung seatmate ko?" biglang tanong ni Timothy.
"Who?" tanong ko din dito.
"Yung may glasses tapos plain na girl na tomboy ata? ah basta! si Jill Cruz" pagdescribe naman ni Oliver.
"I have Jill in my name but i don't know that girl."
"Then sino ka?" tanong muli ni Timothy.
"I am the heiress of TD Corporation, I am Deanne Jill Thane"
"Ikaw yung model ng TDC?" tanong naman ni Lorence
"Yes"
"Which means Thane ka? and your family own this restaurant too" mabilis na saad naman ni Oliver na tinanguan ko lang.
YOU ARE READING
Surreptitious identity
Teen FictionShe's not ordinary as you think because she had surreptitious identity. Photo not mine credits to the rightful owner.