CHAPTER 1: Darating

9 2 2
                                    


Chapter 1: Darating

__________

Eyola PoV

Hayy sa wakas makakapagpahinga na rin, ang dami kung ginawa ngayung araw na to ay gabi na pala haha pero seryuso pagod na pagod na ko kailangan ko na talaga ng pahinga may klase pa ko bukas baka matagalan na naman ako sa paggising at ma late na naman ako.

Mabilisan kong pinikit ang mga mata ko, pero ilang minuto na ang nakakalipas gising na gising pa rin ang diwa ko punyetang antok, kung kailan gustong gusto ko ng matulog hindi man lang ako dalawin kainis, minulat ko na lang ang magaganda kung mata chos hahaha o tawa pa maganda naman talaga ang mata ko masyado lang malaki.

Hayy sige na nga mamaya na lang ako matulog manood muna ako ng palabas baka sa ka panonood ko makatulog ako edi mas mabuti yun bright idea talaga tumayo na ko sa malaki kung kama jowk nasa apartment lang ako kaya hindi kalakihan ang kama ko kasya naman dalawa pero mukhang mahuhulog ang isa kapag malikot ang katabi.

Lumabas na ko sa kwarto ko at umupo sa sofa kong malaki oh wag nang kokontra alam ko namang maliit to. Parang may mali? tanong ko sa sarili ko bakit pakiramdam ko hindi ako nag iisa rito, kaya naman sinilip ko ang pintuan sirado naman tulad nung pagkalock  ko, ano bang feelings to ha? bakit nakaka scary? kainis! kaya napabaling ang tingin ko sa isang kwarto.

Yung kwarto na katabi lang nang akin, wala na kaseng natutulog don kase wala naman akong kaibigan para maging roommate ko. Pero bakit parang may tao, jusko naman kung multo ito sana naman lubayan niya ako mabait akong tao at tahimik na ang ilang taong paninirahan ko rito sana naman wag ako ang multohin niya at baka di ko ma take malagotan ako ng hininga.

Malagutan ng hininga? Ang OA ko talaga as if naman ikakamatay ko ang takot sa multo baka nga ang multo pa ang matakot sa kagandahan-este sa kapangitan ko hahaha laitan na ng sarili to. Dahan dahan akong tumayo at papunta na sa isang kwarto todo kabog na ang flat kong dibdib jusko wag naman sana multo to. Binuksan ko ng dahan dahan ang pintoan dapat maingat lang baka kase magulat ang multo kung multo man siya.

Shit multo nga ang gwapong multo, san nanggaling ang nilalang na to, ba't sobra ang kagwapohan. Tinusok ko ang isang daliri ko sa pisngi niya, ngekk may multo ba na nahahawakan?

"Anong ginagawa mo?". tanong nitong nilalang na mukhang hindi naman tao-este multo

"Ahh-ahh ahmm" teka nga bat ba wala akong masagot at sheteng kalabaw nagsasalita ang mukhang multo.

"Hoyy lalaki anong ginagawa mo sa APARTMENT ko". Sigaw ko sa kanya nanlilisik na talaga ang mata ko bat may lalaki dito? Baka makita pa to ng mga kapitbahay kong tsesmosa edi na chismis ako ng wala sa oras, nawawala ba ang oras?.

"Apartment mo? Hindi Kaya sayo to! Kay aleng Dengdeng to oi!". Sagot niya

"Woi For Your Information nagbabayad ako dito sa apartment na to naiintindihan mo at tama ka kay aleng Dengdeng nga to pero umuupa naman ako". Sagot ko sa kanya.

"Me too umuupa rin naman ako ah, hindi lang ikaw, ngayun dalawa na tayo! Pwede ko na umalis- I mean lumabas sa KWARTO ko".

"Kung umuupa ka rito baka naman nagkakamali ka lang ng kwarto bakit dito? Eh wala bang sinabi si Aleng Dengdeng na babae ang nakatira dito? At isa pa, saan ka dumaan?".

"Sa pintuan". Maikli niyang sagot

"Aba'y Pilosopo kang lalaki ka hala! Lumayas ka kong ayaw mong kaladkarin kita Ano?".

"Teka naman! Wala namang ganyanan nakikiupa lang rin ako rito".

"Ah basta lumayas ka mamaya niyan ma chismis ako ng mga kapitbahay ko rito ayoko oi! Baka sabihin nila ang lakas ng loob kong magdala ng lalaki rito sa ganda-este sa pangit kong toh baka isipin nila ginayuma kitang hinayupak ka sa kagwapohan mong yan.

Sumilay ang ngiti sa kanya isang ngiti na ang kyut niyang tingnan may dimples pa grabe dumagdag sa kagwapohan niya. Ay shete bat ko ba pinupuri to.

"Anong nginingiti-ngiti mo ri'yan?". Mataray kong tanong sa kanya aba'y ang loko mas lalo pa akong nginisian.

"Gwapo pala ako sa paningin mo? Thank you".

"Thank you mo mukha mo! Hala! Tumayo ka ri'yan at lumipat ng ibang kwarto. Nasanay na akong walang kasama sa apartment na to at ayaw ko ring may kasama rito dahil pahamak lang sa akin matagal akong magising sa umaga kaya ayokong may kaagaw sa CR dahil mas lalo lang akong malalate".totoo naman eh yun rin ang isang dahilan ko, dahil  kong may kaagaw man ako may chance na hindi ako maka ligo dahil sa pagmamadali edi todo lait at eww sa kin ang mga classmates kong feeling magaganda at gwapo may iba ring feeling rich kid yun pala wala ng pambayad tuition may pa shopping shopping pang nalalaman leche.

"Maaga naman ako magising kaya, wala kang dapat problemahin". Sabi niya na may lungkot sa mukha.

"Ay sus di ako tatablan ng paawa effect mo oi".

"Okay magpapaliwanag ako, Hindi naman talaga dapat talaga ako nandito eh, nagkataon lang talaga na naunahan ako sa bakanteng kwarto dyan sa katabi ng apartment mo. Ang sabi ni Aleng Dengdeng wala na raw ibang bakante bukod sa apartment mo nasabi rin niya sa akin na babae nga ang nakatira rito. Pero okay lang naman sa akin hindi naman ako palautos, tamad at kaya ko rin naman magluto, maglaba, at maglinis". Pagpapaliwanag niya.

"Tologo? Wow ikaw lang ata ang lalaki na nakilala ko na ganyan, sige dito ka nalang hihihi pasensya ka na sa mga pinagsasabi ko sa iyo". salamat naman, okay na siya sakin yun pa marunong daw magluto hahaha libre agahan na pala ako sa kanya, marunong din daw maglinis ay sus bawas sa trabaho ko na iyon at higit sa lahat marunong din maglaba hayy bawas sa trabaho din yun I wonder kong maglalaba din siya ng panty na may tagos hahaha chos kadiri ka self di ka na mahiya personal na bagay na iyan hindi mo dapat pinapahawak sa iba o pinapalabhan mahiya ka lalaki pa naman. Oo nga naman no baka picturan niya yung panty kong may tagos tapos i-post sa fb at i-tag ako jusko po.

"Salamat". Todo ngiti pa siya sa kin lumabas na naman tuloy ang dimples niya jusko bat ba ang kyut at gwapo nito.

"Okay lang naman titigan mo ang mukha ko, pero kase nakakailang masyado. Para atang pinagnanasaan mo na ako sa isip mo". Nakangiti niyang saad

"Hoy hoy hoy hoy uso talaga ang mga taong makakapal ang face no mukhang isa ka na ron leche ka". Lumabas na ako sa kwarto niya bwesit siya pinagnanasaan? ?mukha niya makapal! punyeta gwapo nga mapang asar naman.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 03, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

𝗠𝗬 𝗨𝗕𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗞𝗨𝗟𝗜𝗧: 𝗥𝗢𝗢𝗠𝗠𝗔𝗧𝗘Where stories live. Discover now