KABANATA 7

2 2 0
                                    

SHIN

   Nang matapos  kumain ay lumabas na din agad kami. Paglabas ng kusina ay saktong pababa na rin sila Papa. Sakto lang kami sa oras dahil 5:00 na ng pumasok kami ng sasakyan.

Hindi na kumain sila Papa ng umagahan. Dadaan na lang daw kami ng drive thru. Mahaba ang biyahe kaya sinabihan ko si Kevin na matulog muna. Ganun din ang ginawa ko dahil wala nga akong tulog.

Nagising ako dahil naging malikot ang sinasakyan namin. Iminulat ko ang mga mata ko para makita kung nasaan na kami. Nakarating na pala kami, walang sementadong daan dito dahil nga delikado daw dito. Inabot din kami ng sampung minuto bago huminto ang kotse.

Agad akong lumabas para tingnan ang paligid. Maganda at malinis ang lugar na to. May bahay na gawa sa kahoy, may ilog ilog naman sa bandang kanan nito. Hindi ko nalibot ang buong gubat noong nagpunta ako kaya hindi ko alam na may ganito pala dito.

"Kunin nyo na ang mga gamit niyo at pumasok" sabi ni Papa.

Ganun nga ang ginawa namin ni Kevin at sumunod na kila Papa. Pagpasok sa loob ay hindi mo aakalaing walang nakatira dahil malinas. Mukang walang kuryente dito dahil malayo ito sa bayan. Kumpleto ang gamit sa loob, may sofa set , nay kurtina, carpet at iba pang mga bagay na karaniwang meron sa bahay.

Sunod naman akong pumunta sa ikalawang palapag ng bahay. May roong anim na pinto sa ikalawang palapag. Hindi ko na binuksan isa-isa yun at bumaba nalang ulit. Pumasok naman ako sa kusina para hanapin sila Mama.

Hindi naman ako nabigo at nakita ko silang nagkukuwentuhan ni Papa habang naghahanda si Mama ng tanghalian. Si Kevin ay baka lumabas at naglibot muna. Naririnig ko naman ang mga nasa paligid kaya malalaman ko kung nasa panganib siya.

"Ma" tawag ko kay Mama.

"Hmm?" tugon niya.

"Si Kevin po?" tanong ko. Kahit alam kong wala siya sa loob ng bahay ay tinanong ko parin. Hindi ko pa naman kasi nagagamit ang ability ko. Yes, maririnig ko ang mga nasa paligid ko pero limitado parin yun. Baka malayo na ang napuntahan ni Kevin at hindi na abot ng kakayahan ko. Mahihirapan ako pag nasa panganib siya.

"Ah!, nagpaalam siya sakin mga tatlong minuto na siguro. Lalabas daw siya, maglilibot sa gubat. Sinabihan kong wag lalayo at baka atakihin siya ng mga mababangis na hayop" tumango ako sa sinabi niya.

"Susundan ko nalang siya para masigurong ligtas siya" sabi ko naman. Palabas na ako ng kusina ng tawagin ni Mama ang pangalan ko kaya naman humarap ulit ako sa kanya.

"Nga pala... Yung pangalawang pinto sa kanan ang kuwarto mo" sabi niya.

"Ok po!" Nakangiting sabi ko.

Matapos non ay lumabas na ako ng bahay para sundan si Kevin. Habang naglalakad ay pinagmamasdan ko din ang paligid. Hindi kasi ako umabot dito noing pumunta ako kaya hindi ko nakita to. Masyado kasing malawak ang gubat. Hindi lang naman mababangis na hayop ang nandito. Meron din namang mga kuneho,usa,paru-paro at iba pang maiilap na hayop.

Merong mga hayop dito na hindi pangkaraniwan ang itsura. Tulad nalang ng Crimia, isa siyang hayop na may apat na tenga,dalawang buntot may ulo ng aso at katawan ng kabayo. Nabasa ko sa libro namin sa bahay na ang mga Crimia daw ay lumalapit lang o nagpapakita sa mga taong mababait. Nararamdaman daw nila kapag masama ang balak o intensisyon ng isang nilalang.

Nabasa ko din na sila ang pinakamabilis, pinakamatalas ang paningin,pandinig at pang amoy sa lahat ng hayop kaya marami ang gustong makita at mahuli sila peri tulad nga ng sinabi ko hindi sila lalapit sa mga masasama ang intensyon.

Hindi sila madaling makita kahit dahil sa ganung katangian nila. Kaya maswerte ka kung magkakaroon ka ng Crimia. Nabasa ko din sa libro na ang kauna-unahang nakapag-alaga ng Crimia ay di John Marcus Buguina noong 1897 hindi lang isa ang naging alaga niya.

Sa edad na 24, nakapag-alaga si Marcus ng higit sa isang daang Crimia. Mahilig kasing maglakbay at tumulong si Marcus kaya hindi na kataka-taka na naging ganun karami ang alaga niya.

Hindi katulad ngayon, noon ay madali ni pa silang makikita. Sa paglalakbay niya marami siyang naging kaibigan at natulungan hanggang sa marating niya ang bayan ng Brondo taong 1905. Doon din sa bayang iyon ay nakilala niya si Miranda isang tagasilbi sa tinutuluyan nyang bahay.

Napagdesisyonan ni Marcus na manatili doon sa loob ng loob ng tatlong buwan. Sa loob din ng tatlong buwan na iyon ay lagi siyang nakikipag usap kay Miranda. Hanggang sa nahulog na loob nila sa isat isa. Naging magkasintahan sina Marcus at Miranda tatlong araw bago umalis ng bayan si Marcus.

Nang matapos abg tatlong buwang pamamalagi ni Marcus sa bayan ng Brondo ay sumama sa kanya si Miranda. Ilang buwan pa ang lumipas ay nagpagpasyahan nila na magpakasal na. Ang mga Crimia ay muli pang nadagdagan. Mula sa bilang na 128 noong 1897, taong 1909 ay naging 352 ang naging bilang nila.

Makalipas ang dalawang taon ng magpakasal sila ay nagkaroon sila ng anak na babae. Pinangalanan nila itong Mara. Magandang bata si Mara nakuha niya ang magandang buhok ng kanyang ina, matangos na ilong at itim na mata. Samantalang ang kanyang kutis naman ay namana niya sa kanyang ama, kulay kayumangi.

Nang mag isang taong gulang si Mara ay kinakitaan nila ito ng kakaibang katangian. Kaya ni Mara magpalutang ng mga bagay. Wala sa dugo nila Marcus at Miranda ang may ganung kakayahan kaya naman hindi nila maiwasan ang hindi matakot. Kahit na nandyan ang mga Crimia para protektahan sila ay hindi pa rin nila naalis noon ang takot.

Hindi kasi lumalapit kay Mara ang mga Crimia. Sa ganun pa lang alam na nila ang mangyayari. Lumipas pa ang anim na taon, pitong taon na si Mara hindi na lang pagpapalutang ng mga bagay ang kaya niyang gawin. Kaya niya na ring gumawa ng apoy. Dahil bata pa at hindi sanay sa paggamit ay muntik na siyang makasunok dahil sa nangyari. Noong sampung taong gulang na siya ay kaya niya ng kontrolin ang hangin. Nang tumuntong ni siya sa ika labing anim na taon gulang ay may roong sumugod sa tinitirhan nila para kunin siya.

Hindi hinayaan nila Marcus at Miranda na mahiwalay sa kanila ang anak. Kaya lumaban sila sa mga taong iyon. Gustuhin man ni Mara ba tumulong sa kanyang mga magulang at gamitin ang kanyang kapangyarihan ay hindi niya ginawa dahil hindi siya pinayagan nina Marcus  at Miranda. Pati ang mga Crimia ay tumutulong na rin sa pakikipaglaban.

Sa labanang iyon ay maraming namatay. Kabilang na doon ang mga magulang ni Mara at ilang mga Crimia. Dahil sa pagkamatay nina Marcus ay nagalit si Mira at tuluyang nagising ang buong kapangyarihan niya. Siya ang lumaban sa mga taong pumatay sa mga magulang niya.

Matapos non ay nagalit na siya sa mga tao. Dahil din sa nangyari ay nagkahiwa-hiwalay ang mga Crimia. Wala ng nakalagay sa libro kung sino ang sumunod na nangalaga sa mga Crimia kaya hindi ko alam kung meron pa bang buhay sa kanila sa panahong to.

Wala na ring nakalagay sa libro kung saan napunta si Mara. Hindi nila alam kung saan ito namatay o nasaan ang bangkay niya pero ang huling salita na nakalagay sa libro ay nagkaroon daw ito ng anak na babae. Hanggang dun nalang ang nakasulat at wala ng iba pang impormasyon ukol sa anak niya.

Napatigil ako sa paglalakad ng maranig ako ng sigaw. 5 km pa ang layo nun kaya naman agad kong kong tinungo yun dahil boses ni Kevin ang narinig ko. Hindi naman ako natagalan dahil sa ability na meron ako.

Nakita kong hinahabol siya ng isang Dreona, isa itong mabangis na hayop. May ulo ito ng tigre at katawan ng oso. Inaatake nito ang lahat ng makita niyang may kulay Puti.

Agad kong sinugod ang dreona ng akmang hahampasin niya si Kevin. Sinuntok ko ito sa bandang puso ng sumugod naman ito sa akin. Bumagsak siya dahil sa ginawa ko at hindi na natayo pa. Kailangan mong tamaan kung saan nakapwesto ang puso niya dahil doon ang kahinaan nila. Hindi naman sila mamamatay sa ganun. Mapapatay mo lang sila kung mapuputol mo ang dila nila.







Romisdel Academy (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon