Drops Cafe

76 10 0
                                    

"Good morning po, welcome to Drops Cafe", bati ko sa mga bagong dating na customer.

Nagsisimula pa lang ang morning shift na 10am at di sa pagmamayabang eh marami ng tao ang cafe. Bukod sa masarap na pagka brew na kape at malapit sa university na location, maganda din ang ambiance ng cafe kaya masarap mag study dito.

"Mamsh ang fresh ni Justin ngayon, nakaka ganang mag aral ng mabuti", rinig ko mula sa isang babae sa kaibigan niya pagkatapos nilang makuha ang kanilang mga order sa counter. Hala neto, mag aral talaga kayo ng mabuti kasi mahal yung kape na binili niyo.

"Daming tao ngayon ah and it's all thanks to our baby Justin", sabi ni Paulo, kasama ko sa morning shift sa cafe at anak ng may ari. Matagal na kaming magkaibigan, since elementary kaya madali akong nakapasok sa cafe na to, may backer ako eh.

"Hala sya, para namang di ka din dinadayo dito. Tingnan mo nga yung mga babae na nasa table 7 panay ngiti habang nakatingin sayo", patawang sabi ko habang pinepress ang kape sa machine.

Tumawa si Paulo at kumuha ng ice sa icebox para ilagay sa mga plastic cups.

"Majority naman ng andito eh para sayo", ngumiti lang ako. Pa humble talaga to'ng si Paulo.

"Ay onga pala, na print ko na yung poster para sa Valentines event bukas, dikit ko na ba?", tanong ko habang hinahalo yung gatas sa bagong timplang kape.

"Patingin nga", inabot ni Paulo ang kamay niya para hingin ang flyers.

Kinuha ko ang mga flyers mula sa bag ko na nasa back room at inabot sa kanya.

"VALENTINE'S EVENT AT DROPS CAFE
Buy our Valentine special Red Velvet Mochaccino
and get one free for your valentine!

SPREAD THE LOVE AND GIVE YOURSELF AND YOUR LOVE ONE A TREAT!
Drop by at Drops Cafe now!
Event only available on February 14"

"Uy sakto lang Jah, salamat ah. Busy talaga ako kahapon sa project ko kaya di ko na print"

"Ok lang, free din naman ako kahapon, so ano? Dikit ko na ba?"

"Yes please, mag a-unpack pa ako ng bagong supplies sa likod. Salamat Jah"

Tinapos ko na ang last order at inihatid sa table ng customer na parang busy kaka type sa laptop niya.

Di naman ganun kahirap ang trabaho dito sa cafe, papasok ako then gagawa ng kape, ganun lang at masaya na ako dun. Basta may pang extra allowance at libreng kape solve na lahat.

Habang dinidikit ko na yung poster sa may gilid ng pintuan ng labas ng cafe ay may narinig akong papalapit na mga nagtatawanang lalake, ilalagay ko na sana ang last na tape ng biglang may bumangga sa likod ko at napunit ang poster.

"Ay hala napunit"

MaKAPEling Ka (joshtin au)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon